" Pwede ko bang malaman kung bakit namatay si Celine? " Dapat pala hindi ko nalang naitanong yun. Nakikita ko kasi ngayon ang isang Pinuno na umaapoy sa galit yung mga mata. Napansin ko din yung ugat sa leeg niya at ang mga nanginginig niyang mga kamay. Hinawakan ko ito para iparamdam sa kanya na nandito lang ako sa tabi niya. " Its okay kung ayaw mong s- " " Two years old palang si Keagan non ng mangyari sa amin ang bagay na yun. Meron kaming mission non at yun ay isapubliko ang pagpapalitan ng droga at pera ni Chiu sa mga kliyente niya. Natagumpay namin kami don at nakulong si Chiu na agad din namang nakalaya. " " Dahil ba don kaya naghiganti si Chiu sa inyo? " tanong ko dito na ikinailing niya naman. " Alam kung nagalit si Chiu sa amin. Pero hindi yun ang rason kung bakit naghigan

