*Prince POV * Napahilamos ako sa inis dahil sa mga bagay na nalaman ko! Ilang araw! Ilang araw na kaming walang pahinga at maayos na tulog! At ilang araw naring namin hinahanap kung saan si Reign. Pero hanggang ngayon hindi parin namin alam kung saan siya dinala ni Mr. Chiu. Ang problema pa namin ay ang pagplano nito sa pagpasok ng mga drugs sa ilan pang mga bayan. Kaya talagang marami kaming ginagaw ngayon at dapat gawin. " Ano na ang plano mo Prince? Malaking laban ang haharapin natin ngayon. " sabi ni Brent. Napaangat ako ng tingin at seryusong tumingin sa kanya. " Kailangan muna nating mahanap si Reign. " Kumunot naman ang noo ko ng tumawa ito na parang nakakainsulto. " Reign? Si Reign na naman?! Ilang araw na nating siyang hinahanap Prince. Pero hanggang ngayon hindi parin

