Sa rami ng dapat kung ayusin, ngayon lang ako nakapasok simula nong tumakas kami sa hideout ni Chui. Kung tinatanong niyo kung paano kami nakatakas? Simple lang, ginamit namin ang kaalaman namin sa pagtakas. Wala din akong balak taguan sila no, dahil nakakapagod na ding takbuhan sila. Bahala nalang silang maghabol sa akin. " Reign! " napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Abby. Kasama din nito si Dana at Jick na nakasunod lang sa kanila. Sinalubong ko din sila ng yakap ng makalapit sila sa akin. " Namiss kita. " rinig kung sabi ni Abby na gigil akong niyakap.. saka ito humiwalay. " Saan kaba napupunta Reign? Ilang araw kanang hindi pumapasok at hindi kana rin daw umuuwi sa inyo sabi ni Abby. " curious na tanong ni Dana. " Saan kaba talagang nanggaling Reign? Kahit yung nanay mo h

