* Celine POV * Napatingin ako kay Ms. na mahimbing na natutulog sa front seat. Mga ilang araw na ang nakalipas simula nang bumalik siya at ito lang siguro ang araw na nakatulog siya ng maayos. Pinark ko yung sasakyan sa may garahe ng bahay saka ako umikot sa may front set para pagbuksan at gisingin si Reign. Saglit pa akong natigilan ng mapatingin ako sa mukha niya. Wala paring pinagbago tulad parin ng dati. Nong inalis niya ang maskara, yun ang kauna-unahang beses na nakita ko ang mukha. At masasabi kung sa likod ng maskara na yun nakatago ang isang napaganda at napakaamong mukha. " Saulo mo na ba ang mukha ko? " nagulat naman ako sa biglang pagising nito. Napangisi naman ako saka lumayo sa kanya na siyang siyang pag-ayos ng upo nito at paglabas sa sasakyan. Napatingin naman ako sa

