"We must accept finite disappointment, but never loose infinite hope"- Martin Luther King Jr.
Minaneho ko ang sasakyan ni Nicco papalayo ng mansion. Kailangan kong magmadali. Maaring ireport na kinarnap ang sasakyan nya Hindi ito maaring matagpuan agad ako. Kailangan ko pang makalayo. Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko. Ramdam ko na rin ang nagsisimulang pag kirot ng katawan ko. Pinakiramdaman kong mabuti ang aking balakang at tiyan kung doon nanggagaling ang sakit. Hindi naman."Okay ka lang ba diyan baby?" Malakas kong sabi. "Kapit lang anak malayo pa ang ating pupuntahan." Patuloy ko.
Hindi naman ako nahirapang gamitin ang sasakyan ni Nicco bagamat may katasan ang trail blaizer nya kumpara sa kotse ni Von na aking pinag aralang gamitin dahil pareho silang automatic. Nakahinga akong ng maluwag ng makalabas ako sa bayan na walang sumita sa akin. Lalabas ako ng probinsya at doon sasakay ng pa Maynila. Sinulyapan ko ang orasan sa sasakyan mag aalas tres na ng umaga. Mga isang oras na siguro akong nag da drive ng makakita ako ng terminal ng bus. Nilampasan ko iyon at naghanap ng lugar kung saan ko iiwan ang sasakyan ni Nicco. Sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng bakanteng lote na mayroon matataas na talahib. Ibinuwelta ko ang sasakyan paharap sa kasalungat ng direksyon upang mailigaw ang imbestigasyon kung meron na. Dahan dahan kong ipinasok sa talahiban ang kotse ni Nicco ng sa tingin ko ay malayo na sa kalsada ay itinigil ko iyon. Luminga linga ako at naghanap ng damit na maaring isuot Nakakita ako ng mga nakatiklop ng mga t-shirts, at hoodies na may tatlong kulay at mga cap na magkaka patong. Kumuha ako ng tig isa. Bago isuot ay tiningnan ko ang aking sarili sa rear view mirror. Sobrang napuruhan ang aking mukha. May black eye ako, putok ang labi at namamaga ang aking mukha. Napatingin din ako sa aking mga braso, namasa din ang mga ito. Mayroong marka ng sakal sa aking leeg. Kinuha ko ang wipes at sinimulan na linisin ang aking mukha mula sa kumapit na natuyo kong sariling dugo pinunasan ko ito ng wet wipes na nakita ko sa dashboard. Mahihirapan akong makilala sa itsura kong ito.Ngunit hindi ako dapat makampante. Hinubad ko ang wasak na wasak kong blouse at isinuot ko tshirt at ipinatong ang isang hoodie na kulay red. Napansin ko na napigtas pala ang isang terante ng aking bra. Tinaas ko ang lampas balitat na buhok at niipit sa cap na aking kinuha.Kinapa ko ang pera ko sa bulsa. Andoon pa nman iyon. Pinatay ko ang makina ni lock ang mga pinto ng sasakyan .Inihagis ko sa gitna ng talahiban ang susi.at naglakad papuntang kalsada. Muli kong tinunton ang kalsada patungo sa terminal na aking nadaanan.
Kahit alas tres pa lamang ng umaga, may nakahimpil na na bus patungo sa Maynila. Dali dali akong lumapit sa isa na may sign board na pa Maynila.Nakatungo akong pumasok at na upo sa isang dalawahang upuan. Konti pa lang ang mga pasahero. Nakatungo akong kunwang natutulog habang nakahalukipkip ang dalawa kong braso. Hawak ko na ang isang libong pisong papel na pambayad ko sa pamasahe. Ayaw kong makakuha ng atensyon. Bagamat nakarating ako sa kalapit ng probinsya, hindi ko pa rin maalis ang takot na ako ay masundan. Naramdaman ko ang pag andar ng bus at maya maya ay nagsimula ng maningil ang kundoktor.
"Saan po kayo?"
"Direcho po." Sabi ko ng hindi kumikilos sa aking pagkayuko at nakatuon ang ulo sa likuran ng upuan sa aking ulunan. Kumakabog pa rin sa kaba ang aking dibdib. Inabot ko ang aking bayad ganoon din ang sukli ng hindi nag aangat ng paningin. Hindi ko na pinagka abalahang bilangin o itago ang sukli at hinawakan ko na lang ng mahigpit.
Kumikirot ang aking mukha at buong katawan. Hindi ako magtataka kung ako ay lalagnatin. Kinakailangan kong bumili ng gamot pag dating ko sa Maynila.
Mahaba na ang aming nalalakbay ng may nag excuse upang tumabi sa akin. Boses yun ng isang babae. Halata ko ang puntong probinsya sa kanyang mga pagkakasabi ng excuse. Hindi pa rin ako nag iiba ng pewsto. Ilang oras din ang gugugulin upang kami ay makarating sa aaming destinasyon.
"Ineng, okay ka lng ba? Anong nagyari sayo... bat ganyan ang itsura mo? "Tanong sa akin ng babaeng katabi ko.
s**t, napansin nya ang mukha ko. Sinagot ko siya ng hindi man lang nakilos.
"Ate, naholdap po ako, nanlaban po ako ng tangkain akong pagsamantalahan." Mahina kong sabi.
"Diyos na mahabangin! Okay ka lang ba?" gulat nitong tanong.
"Opo, salamat po. may dumaan pong sasakyan na nakapansin tinulungan po ako. Siya po may ari nitong jacket na suot ko at binigyan po ako ng pamasahe pauwi."
"Mabuti naman kung ganoon.Taga saan ka ba?" Patuloy nitong usisa, Ayaw ko na sanang sumagot ngunit naamdaman ko naman na sincere ang kanyang pag aala ala.
"Taga Sampaloc po. Kinuha po nila yung sasakyan ko ng sapilitan kasama po ako at dinala po ako sa malayong lugar na hindi ko po alam tapos pinagtangkaan po ako matapos kunin ang bag at cellphone ko." pagsisinungalin ko.
"Nag report kana ba sa pulis? Dapat i report yan. Baka iisa yung bumiktima sa iyo sa nambiktima dun sa congressman doon sa kabilang probinsya, abay bitbit din daw ung mapapangasawa nung congressman, buntis pa naman kaya nag che checkpoint na daw doon sa lahat ng palabas ng probinsya. Apo pa yata ung nung governor. Inatake daw ang governor nung malaman ang nangyari sa apo. At ang congressman muntik ng mabulag dahil sa pagtatangol dun sa mag ina niya. Kwento sa akin nung anak ko na pulis na tumutulong paghahanap dun sa kawawang babae."Mahabang chismis niya.
Kinabahan ako doon. Mabuti na lang at napag desisyunan ko ng lumabas agad ng probinsya at dito sa karatig sumakay pa Maynila. Kumikilos na sila.Gumagawa na sila ng paraan uoang mapagtakpan lahat.
"Ayaw ko po.Inalok din po ako nyan nung tumulong sa akin. Mas gusto ko pong umuwi muna. Sila daddy na lang po ang bahala doon. Ang gusto ko po ay maka uwi na agad sa aking pamilya." Sabi ko.May bilang kumirot sa aking dibdib ng bangitin ko iyon at ako ay napahikbi.
Hindi na ako umimik, ganoon din siya. Nang mag stop over ay may mga vendor na umakyat sa bus, tinawag iyon ng babae at bumili ng dalawang kape. Inabot sa akin ang isa. Nagpasalamat ako sa kanya. May naglako din ng tinapay ganun din ang kanyang ginawa.Muli kong tinangap iyon at nagpasalamat.
Pinipiraso ko ng malilit ang tinapay sapagkat mahirap kumagat. Sobrang paga na ng aking labi. Ramdam na ramdam ko rin ang pangangapal nito. Masakit ding gumuya dahil sa pamamaga ng aking mukha.
"Grabe pla yang nangyari sa iyo. Dapat kang magpa check up anak." sabi niyang nag aala ala ng makita nya kabuuan ng mukha ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng tinahak namin ang expressway at bumabagtas ng papuntang kamaynilaan. malayo na ako. Muli akong tumungo at umunan sa likod ng upuan na nasa aking harapan. Hindi ako maaring matulog dahil kailangang ako ay alerto. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng antok.Tiniis ko ang sakit sa buo kong katawan. sana ay may lakas pa ako upang mahanap ko ang aking tutuluyan.
"May pamasahe ka ba anak? Gusto mo ihatid kita sa inyo?" Pagmamagandang loob ng ale. Nagayon ko lang siya tuluyang namasadan dahil maliwanag na ng mga oras na iyon. Siguro ay nasa singkuwentang mahigit na ang idad.
"Mayroon pa po, mag tataxi na lamang po ako. Salamat po sa kape at tinapay. malaking tulong na po iyon." Buong puso kong pasasalamat.
Pagkalipas ng napakahabang oras ay narating din namin ang terminal.Nagbabaan na ang mga pasahero. Nagpasalamat muli ako sa ale at tuluyan ng bumaba ng bus. Ramdam ko ang curiosidad na tinginan ng mga tao sa akin kahit patuloy akong naka tunggo. Biniliisan ko ang paglalakad, patingin tingin sa paligid. naka kita ako ng isang sikat na drugstore sa hindi kalayuan, napag desisyunan ko na bumili ng gamot na aking kakailanganin.Kumuha ako ng panglinis at pang gamot sa ssugat. Hindi ako bumili ng antibiotic o kahit pain killer, bagkos ilang banig ng gamot sa lagnay na lamang na siguradong hindi makaka apekto sa aking dinadala. Kumuha rin ako ng bottled water at ilang mga biswit na pedeng pamatid gutom. Nagmamadaling binayaran ko iyon sa counter at hindi ko inalintana ang pag titinginan ng ilang mga nakasabay ko. Paglabas ko sa drug store ay may nakita akong vendor na nagtitinda ng mga underware. bumili ako ng tig tatlong pares.Pagkabayad ko ay tyempong may taxi na dumaan na walang sakay. Agad ko itong pinara at nagpahatid sa address na pinasaulo sa akin kahapon ni Von.
Hindi naman ito kalayuan sa terminal na binabaan ko. Agad akong nagbayad ng pamasahe sa tila takang takang driver na nakatingin lang sa aking mukha. Tumuloy ako sa lobby ng condo bitbit ang isang supot na may tatak ng pangalan ng drugstore kung saan ako namili Inilagay ko na rin sa loob ang iba ko pang pinamili. Marahan akong hinarang ng guwardia at tinanong sa aking lakad.
"Kuya, doon po ako sa unit ni Captain Hendrix Sorriano. Alam na daw po dito na darating po ako." magalang kong paliwanag.
"Doon po tayo maam sa receptionist maam." Magalanga niyang pag guide sa akin.
Pinaliwanag niya sa babae nasa reception ang aking lakad.
"ID po maam." Nakangiting request noong babae.
"Na hold up po ako kaninang madaling araw ng sumakay ako ng taxi papunta dito. Nakuha nila ung luggage ko pati ang bag ko andoon po ang cellphone at at mga Id ko, kaya wala po akong maipapakita sa inyo." Paliwanag ko. Kinakabahan ako,kailangan ko pa yatang maghanap ng ibang matitirahan pansamantala.
"Good morning po maam!" singit ng isang babae pa. "Ano nga po ang name nyo?"tanong nito.
"April Sorriano."Madiin kong sabi,
"Ay siya ung binilin ni Cap! sabi nya doon sa isang babaeng mahigpit."Yung pinsan niya." dugtong pa nito.
Napansin ko na ngumiti naman ung kausap ano kaya ang isura ng Hendrix na iyon at mukahang drop dead itong si ate.Muling ibinalin sa akin ang atensyon."Alam mo ba maam ang passcode?"Tanong niya.
"Oo naman ilang beses na akong nakarating dito. Pero ngayon lang ako mag stay." paliwanag ko. Nakangiti niyang ini abot sa akin ang isang form na kailangan ko daw sagutan. Ini abot sa akin ang ballpen at ipinatong ko sa ibabaw ng counter ang papper bag na bitbit ko.Medyo nahirapan pa akong mag sulat sapagkat may sprain din yata ang kamay ko, napansin kong namamaga din ang daliri ko.
"Maam gusto mo gamutin natin ang sugat mo?"Alok nito. Ngumiti lng ako at umiling. Nag matapos mag fill up sa form ay hinayaan na nila akong umakyat. Salamat naman at halos walang tao noon sa lobby tanging mga empleyado lang ang naroroon.Sumakay ako sa liff at pinindot ko ang numero ng floor naroon ang unit na pupuntahan ko. Paglabas ko ng elevator ay madali kong nakita ang unit na sadya ko. Pinindot ko ang passcode at bumukas iyon. Bumulaga sa akin ang isang katamtamang laki ng unit. Mas malaki yun sa unit na tinirhan ko sa Pinpin noong nag aaral ako.Walang tao.Yun manan ang sabi sa akin ni Von, lagi siyang wala at minsanan lang kung mag stay dito.
Isinara ko ang pinto, tumunog iyon na hudyat naka lock na ang pinto. Doon na ako bumigay. Napasandal ako sa ding ding at marahang dumulas pababa hanggang ako ay mapaupo sa carpeted foor. Umiyak ako ng umiyak. Ibinuhos ko ang aking emosyon. umusal ako ng pasasalamat sa Panginoon. Hindi ako makapaniwala na ako ay nakatakas sa isang sitwasyon na akala ko ay wala ng pag asa. Salamat at kahit pa nabugbog ako ay ligtas ang aking anak... ang anak namin ni Ronn.
Makalipas ang ilang sandali. Kusa ng tumigil ang mga luha. tinuyo ko iyon at tumayo upang bisitahin ang unit na ito na kukupkop sa muli kong pag tayo. babaguhin ko ang buhay ko. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Nawalan man ako ng pamilya. Naririto sa sinapupunan ko ang isang tao na totoong magmamahal sa akin at hindi ako iiwan.Siya ang magiging lakas ko sa pag bangon,