"Courage is kowing what not to fear."- Plato
Nicco:
Nasa isang meeting ako sa aking mga kaalyado ng makatangap ako ng tawag mula kay Gov. Evangelista. Sinenyasan ko ang aking chief of staff na sagutin iyon. masyadong importante ang aming pinag uusapan ng oras na iyon.
Makaraan ang kalahating oras ay nagtayuan na ang aking mga kausap at isa isang nagpa alam. Lumapit agad ang staff ko at sinabi na nasa emergency room si Dey. Nagtataka ako bakit kailangang ma dala sa ospital si Dey.
Bata pa lang kami ay magkakilala na kami ng pati ng dalawa niyang kapatid. Hindi naman nakapag tataka sapagkat kami ng kanyang pamilya ay malapit sa isat isa sapagkat kami ay mag ka alyado sa pulitika kahit na noong nabubuhay pa ang kapatid ng kanyang lolo na dating Congressman.
Simula pagkabata, attracted na ako sa kanya. Simple siya at tahimik hindi madaldal at de numero ang kilos.Ganoon daw dapat sa mga babae. Sinabi ko yun kay mama, at sinabi nya sa akin na wag akong mag ala ala at siya ang magiging asawa ko paglaki ko,
Magkasing tanda kami, magka klase kami ng high school. Wala makalapit sa kanya sapagkat gwardiyado ko siya, bukod pa sa mga body guards namin.Kaya ilang ang lahat na lumapit at makipag kaibigan sa kanya. Habang lumalaki kami, lumalaki rin ang pagmamahal ko sa kanya. Nagpasalamat ako at isa akong Gorrospe at siya ay nakatakda sa akin.Sixteen kami, isang buwan pagkatapos ng graduation ay nagkasundo ng aking mga magulang pati ang kanyang Lolo at Lola na kami ay ikasal sa tamang panahon. Nag college kami sa parehong university. Political Science ang kinuha ko at siya ay Pharmacy dahil doon hindi kami mmadalas na nagkikita sa university dahil magkalayo ang mga building namin. Nagkaroon ako ng isang ka relasyon nung college, si Yvonne nag simula iyon first year kami. Pero hindi maiiwasan na magkaroon din ng maraming flings. Hindi alam ni Dey ang lahat. Hindi man lang siya nagtatanong kung ano ko ang babaeng lagi kong kasama. May mga pagkakataon sa university na makikita ko siyang kasama ng mga kaklase niya habang kasama ko si Yvonne o kahit na sinong flings ko. May mga pagkakataon naman noon na pupuntahan ko siya sa klase nya at susunduin kasi borred ako. Ang gusto ko kay Dey ay hindi matanong tulad ni Yvonne. Puro tanggo lang pag kausap ko na lalong naging dahilan kung bakit ko siya lalong minahal.
Nakatira siya noon sa condo malapit sa university kasama ang naging girlfriend ng kuya nya. Madalas ako doon dahil mayroong unit doon ang isa kong kabarkada na kung saan ginagawa naming tambayan. Ilang beses kong nakita ang paghahatid sa kanya ng isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay yung kaklase nya na lagi kong nakikitang nakabuntot sa kanya.
Isang araw ay inabangan ko ang lalaki, nagpakilala ako at kinausap ko siya. Sinabi ko na tigilan na nya si Dey.Pinaglalaban pa niya at siya daw ang boyfriend at nagmamahalan sila. Anong panama ng pipitsugin iyon, ni wala ngang sasakyan maipagmamalaki laging lakad kung ihatid si Dey. Sinabi ko na nakatakda na ang aming kasal, napag usapan na rin iyon ng aming mga magulang. At sigurado ako na naawa lang si Dey sa kanya kasi sa sobrang bait noon walang no dun, laging yes.
Nag sumunod na mga araw ay palagi kong pinupuntahan si Dey sa kanyang klase at inihahatid pauwi gamit ang aking bagong bagong SUV na regalo sa akin ng parents ko sa aking ika eighteen na kaarawan. Makita naman ng mokong na iyon na hindi pipitsugin ang kinakalaban nya!Mukhang effective naman kasi wala pang isang linggo naglaho na ang lalaking iyon. Natakot na sa pagpapakilala ko.
Wala pang isang buwan ng makausap ko ang lalaking pumoporma sa fiance ko ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kuya nya na nasa ospital si Dey at nag tangkang magpakamatay.Gusto kong manakit noon at hanapin ang gagong iyon. Ibig sabihin lang noon na apektado si Dey sa pagkawala nung lalaki na iyon.Nakaramdam ako ng sobrang selos gusto kong saktan si Dey.Niloko niya ako!Ngunit ng makita ko sa ospital si Dey ay nag alaala ako sapagkat wala siya sa sarili. Umabot ng dalawang buwan ng unti unti kong nakita ang pagpapabalik nito sa dati.
Wala siyang sinabing paliwanag. Wala rin naman akong sinabi na may alam ako.Basta alam ko sa akin lang si Dey.At ako ang magdidikta kung kailan kami ikakasal at paano kami mamumuhay.
Nang tinanong niya ako tungkol sa kinakasama ko kapag kasal na kami. Nakaramdam ako ng tuwa dahil nagseselos siya kay Simonnette.Pero hindi ko maaring pawalan ang kahit na sinong pag aari ko.
Nang iniabot sa akin ng staff ko ang cellphone ko ay agad akong nag return call kay Gov. "Hello po Lolo, good evening po. Ano pong nagyari kay Dey?" Agaran kong tanong sa aking kausap.
"Iho, hindi naman kami magagalit" Masaya niyang sabi, na ipinagtaka ko.
"Ano pong ibig nyong sabihin 'lo? tanong ko,
"Ngayon pang buntis na si Dey...." Hindi na niya natapos ang sinasabi at akoy marahas na pasigaw sa pagkabigla.
"What?... Buntis! sigaw ko. Napatigil sa pagsasalita ang nasa kabilang linya.
"Lo, hindi akin yan!" galit na sumbong ko. Hindi na nagsalita ang nasa kabilang linya hanggang sa may narinig akong may mga nasigaw.
"Hello lo?" walang nasagot. Kya pinatay ko ang linya. Hinilot ko ang sintido ko upang kumalma. Sobrang galit ang nararamdaman ko kay Dey.Ang tagal ko siyang iningatan. Akala ko ay iba siya.Lalong lalo na sa walang hiyang nangahas na hawakan ang babaing minamahal ko. Papatayin ko ang lalaking iyon Huwag na huwag kong malalaman kung sino siya bago siya pakinabangan ng lupa papahirapan ko muna siya!
Muli kong idinial ang numero ni Lolo. Naka tatlong ring bago simagot. "Hello Lo...." ngunit ibang boses ang sumagot.
"Hello Nicco, kuya Aldrin ito... inatake si lolo. Nasa ER kami." Paliwanag ni kuya Aldrin
"Kamusta naman si Lolo kuya?" Tanong ko na nag aalala.
"Hindi ko pa masabi, hindi pa nalabas ang doctor..." Sagot nito.
"Si Dey kuya?"Tanong ko.
"Narito. Nicco ano bang nagyayari? Hindi sayo?" pabulong na tanong niya.
"Oo." kumpirma ko. "Ipa uwi mo na kuya sa inyo doon ko na lang siya kakausapin." paki usap ko.
"Sige, ipapahatid ko na sa bahay." Sagot niya at pinutol ko na ang linya.
Napabuntong hininga ako....Dey kailangan na kitang turuan ng leksyon. Hindi na maari ang palaging pagbibigay ko sayo. You are asking for this! Bulong ko sa sarili ko.
Habang nasa byahe ako, hindi ko maiwasan ang hindi magalit. Naisahan ako. Hindi ito maaari. Hindi ko matatangap na naisahan ako! magbabayad silang dalawa ng lalaki nya lalong lalo na ang anak niya, Hinding hindi ko matatangap ang batang iyon. Sa sobrang galit ay hindi na ako makapag isip ng iba pa.
Pagbaba ko sa sasakyan ay nakita ko ang mga body guard na nagbabantay. Ayaw ko na marinig nila ang pagpaparusa ko sa mapapangasawa ko. Hindi ako komportable na maririnig ito ng iba. kaya agad ko silang pinaalis ng malaman ko na nasa kwarto na nya si Dey. Agad akong umakyat at binuksan ang pinto ng pabalang,
Kita kong napaiktad siya sa pagkakaupo at puno ng takot ng makita niya ako. Bulag ako sa galit at frustration. Hinatak ko agad ang kanyang buhok at iwinasiwas iyon Pinagsasampal ko siya at inihagis sa kama pra muling hilahin ang buhok at sakalin siya. halos hindi na siya makahinga ng marahas ko siyang binitawan. Hinigit ko uli siya patayo at pina paamin kung sino ang ama ng kanyang ipinag bubuntis.
"Si Ronn." Ang sagot niya sa akin. Para akong umuusok sa galit ng malaman ko na iyong lalaking kinausap ko ng matino six year ago para hiwalayan siya, at ang lalaking dahilan kung bakit niya pinagtangkaan ang sariling buhay. Ito ang nakabuntis sa kanya. Dumaan na ang anim na taon hindi niya ito nalimutan?Talagng minahal niya ang gagong iyon!
Naghubad ako pagkatapos ko siyang itulak muli sa kama. Tangging boxer's lang ang natira sa suot ko.Sisiguraduhin ko na kusang lalabas sa katawan niya ang bata sa sinapupunan niya sa pagpapahirap ng gagawin ko sa kanya. Dinaganang ko siya ngunit nanlalaban. Sinira ko ang kanyang blouse at nakita ko ang kanyang dibdib na gustong makawala sa kanyang bra. Itinaas ko iyon upang malaya kong magawa ang aking gusto.Hinawakan ko ang kamay niya para hindi niya ako mapigilan. Naramdaman ko na tumigil siya sa pagpupumiglas.Maya maya pa ay naririnig ko ang kanyang mga daing... napakasarap sa pandinig. Binitawan ko siya at malayang naglakbay pababa sa shorts niya ang aking mga kamay. Tinatawag niya ang aking pangalan...nang biglang may kung anong kakaibang init at hapdi ang aking naramdaman una muna sa aking kaliwang mata. napatayo ako at napasigaw, sobrang hapdi nagsimula na rin madamay ang kanang mata sumisigaw na ako sa sakit. Tumatawag na ako ng tulong unti unti na ring nahihirapan akong magsalita at makahinga. Hanggang sa naramdaman ko ang pagpasok ng mga nagmamadaling mga yabag.
"Sir, ok lang po kayo? Ano pong nangyari." Tanong ng nabosesan ko ang mga tauhan ko.
"Ang sakit ng mata ko, mabubulag yata ako."Sigaw ko.
"Dalhin na po namin kayo sa ospital sir." Naramdaman ko na isinusuot nila sa akin na nagmamadali ang aking mga damit. Hindi na ako makakita at hindi ko na rin matiis ang sakit na nagmumula sa aking mga mata.
Naramdaman ko na inaakay nila akong na may pagmamadali ngunit maingat pababa ng hagdan. Nag marinig kong sumigaw ang driver ko.
"Pu*a, nawawala ang sasakyan!" sigaw nito.
" Ano?maghanap ng ibang sasakyan na nariyan o tumawag ng ambulansya, dalian nyo!" Narinig ko na nagkakagulo sila. Hindi na ako makasalita at nahihirapan na akong huminga kya kaya napaluhod ako. Agad akong inalalayan ng mga tuhan ko. Sobrang sakit ng aking mga mata. Matagal na sandali ang dumaan ng sa wakas ay narinig ko ang pag bukas ng isang pinto ng sasakyan at agad akong ipinasok sa loob bago nagmamadaling tunguhin ang ospital.
Hirap na hirap na ako sa nararamdaman ko feeling ko ay mabubulag na ako at mamamatay. Sumasakit na rin ang lalamunan ko.Naramdaman ko na dali dali akong inakay papasok na kung saan, naramdaman ko ang pagpapahiga sa akin sa kama. Habang naririnig ko ang boses na nagmamadali ng aking mga tauhan. Dumating ang doktor at ako ay inasikaso. Tinanong kung ano ang nagyari. Uti unti at hirap kong nasabi namayroon ipinusit sa aking mga mata ang kung sino. At pilit na sinabi ang aking nararamdaman. Makaraan ang mahabang oras ng paghihintay sa epekto ng gamutan ay unti unti ng nawala ang hapdi ng aking mga mata. ganun din ang pagkawala ng hirap sa pag hinga at hirap sa pagsasalita ganoon din ang sa lalamunan.
"Congressman, aba kanina lamang ay ang mapapangasawa mo ang narito, naiwan si Gob kakataas lang sa regular room, tapos ngayon naman ikaw ang laman ng emrgency room. Biro ng isang bata at magandang doktora sa akin. Napangiti na lamang ako bago siya nagpaalam sandali sa akin.
"Nicco, anong nangyari sa iyo?" Tanong ni kuya Troy, isa sa mga kapatid ni Dey.
"Gawa ng kapatid mo kuya. Pinisitan ako ng pepper spray." Naiinis kong sabi, Dama ko pa rin ang hirap ng pinagdaanan ko.
"Bago iyon ha. Matapang na siya." Sagot naman niya sa akin. "Asan na siya ngayon?" Nakakaloko at nakangisi niyang tanong.
"Ewan ko. Pagbaba namin ay wala na ang sasakyan ko.Ginamit yata na pang takas. Mukhang may kasabwat ang kalaguyo niya. " sagot ko.
Magbabayad sila ng mahal sa akin sa pang gagago nila. Gagawing kong impyerno ang buhay nilang dalawa. Huwag silang papahuli sa akin....