"A goal without a plan is just a wish."-Antoine de Saint-Exupery
Sakay ako ng sasakyan ni Lolo pauwi ng aming probinsya. Tapos na ang event na aming dinaluhan. Hindi na ako hinatid bagkos ni Nicco. pinasabay na lang nya ako sa aking lolo na pauwi rin naman. Bago ako pinasakay sa sasakyan ay ginawaran niya ako ng isang malalim na halik sa aking labi. Gustong gusto ko siyang itulak at nandidiri ako sa kanya ngunit wala akong nagawa sapagkat ayaw lumaban ng aking katawan dahil sa sobrang pag aalaala na aking nararamdaman. Sa gitna ng byahe ay doon lamang nagsalita si Lolo upang kausapin ako. Magkatabi kami sa likuran. Tumilhim muna siya. upang mabasag ang katahimikan.
" Sa ikatlong buwan magpapakasal na kayo ni Nicco. Naka ayos na ang lahat. Ilang buwan na lang din at lilipat kana sa kanila. Gusto ko ay wala kang gagawin sa buong buhay mo kundi pangalagaan ang ating pangalan ganun din ang pangalan ng mapapangasawa mo. Maging mabuti kang kabiak, at amuin mo ang mga tao upang mas lalong bumango ang kanyang pangalan." Makapangyarihan niyang utos.
"Opo." Nakatungo kong sagot.Ayun na... mukhang wala na akong pag asa kung tututol pa ako. Nagpasalamat ako at madilim sa loob ng sasakyan kya hindi nya nakita na akoy tahimik na naluha. Paano ba ito. anong aking gagawin.
Pagkarating namin sa mancion ay agad akong nagkulong sa aking kwarto. Kinuha ko agad ang aking cellphone upang muling subukan na tawagan si Ronn. Nag ri-ring ito ngunit maya maya pa ay naging un-attended na. Muli ko uling sinubukan ngunit un attended pa rin ito. Napabuntung hininga ako.
"Ronn.... asan ka ba? kailangan kita." Umaagos na ang luha ko sa kawalang pag asa. Ilang gabi akong nasa isang fairy tale na kung saan dreams come true. Nasanay siguro ako sa mundong iyon na kung saan ang lahat ng nasa puso ko ay nagkaroon ng katuparan. Inihiga ko ang aking sarili sa aking kama. Hindi ko na pinagka abalahang magpalit ng damit. Naalala ko kung paano niya isinot sa akin ang kanyang polo, kung paano niya ako tiningnan habang binubutones niya ito.... nung isang gabi lang ito ngunit bakit parang napakatagal na ito...Asan ka? Iniisip mo ba ako? nakatulugan ko ang mga isipin iyon, pati ang aking mga luha.
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Hindi ko pla naisara ang bintana. Napabalikwas ako at hinanap agad ang cellphone ko. Umaasang may return call o message kaya mula sa kanya. Madismaya pa ako sapagkat wala doon ang aking inaasahan. Ano kayang nangyari sa taong iyon. Nag aala ala ako.
"Iha.. iha..." Tawag ni Nana Luling habang kumakatok. Pinag buksan ko siya at punasok siya sa kwato dala ang isang tray ng pagkain. Inilapag niya iyon sa side table malapit sa kama. Habang ako naman ay bumalik sa aking pagkaka higa.
"Anak, masama ba ang paki ramdam mo?" Tanong niya sa akin. Hindi ka man lang nakapagpalit ng iyong damit. Hindi ka ba naiinitan dyan?"
" Mamaya na po, Nana..." walang buhay kong sagot.
" Kumain ka muna anak." Paki usap nya.
"Salamat po, pero mamaya na po. Hindi pa po ako nagugutom." sagot ko.
"Ano na naman ba ang problema anak, nag aala ala ako sa iyo." Patuloy nito na may halong paki usap.
" Wala po Nana, sobrang pagod ko lang po siguro nitong nagdaang araw. Wala pa po akong pahinga ng isinama pa nila ako sa isang gathering kagabi. Napakasakit po ng binti ko dahil wala naman po akong ginawa kundi ang tumayo at makinig sa kanila." reklamo ko.
" O ay siya, ikaw ay kumain muna at pagpalit ka ng damit bago ka uli magpahinga. Wala ka bang pasok ngayong araw. Mahaba nitong litanya.
"Wala po. Salamat po Nana." Ngumiti siya sa akin at akoy kanyang tinalikuran pagkatapos ay isinara ang pinto sa kanyang pag labas.
Napaluha na lang ako uli. Sa lahat ng tao dito sa mancion ay si Nana Loling lang ako nakaramdam ng pag aala alala. Parang siya pa ang kamag anak ko.
Kumain ako at pumasok na sa banyo upang maligo. Hinubad ko ang aking damit at tumapat sa dutsa ng shower, hinayaan ko na umagos ang malamig na tubig sa aking katawan, umaasa na mapawi nito ang kawalan ng pag asa na bumabalok sa king buong pagkatao.
"Love promise you'll wait for me."
Paulit ulit kong naririnig ang kanyang masuyong boses habang sinasabi nito ang mga kataga na iyon. Pinalalakas at binibigyan ako ng pag asa.
Lumabas ako ng banyo na mayroon ng isang desisyon. Kinakailangang kong itong balaking mabuti.
Nang bandang hapon ay sinundo ako ng isa naming kasambahay at ipinag bigay alam na mayroon daw bisita at ipinatatawag ako ni Lola. Bumaba ako upang pag bigyan sila sa ilan pang panahon na nalalabi. Hindi ko hahayaang isipin nila na mayroon akong binabalak.
Naabutan ko sa living room si lola na nakaupo sa pang isahang gradiyosang upuan. Nagmano ako at humalik sa kanya. Tanging tango lang ang isinagot niya sa akin.
" Maupo ka iha, si Valerie ang ipinadala ng iyong byenan upang sukatan ka. Alam na niya ang gagawin at tangging sukat mo na lang ang kailangan."
Ngumiti akong pagkatamis tamis sa ipinakilala niyang Valerie at bineso. "Hello nice to meet you!" bati ko at bahagyang kinawayan ang dalawa pa nitong kasama.
"Wow, napakaganda pala ni madam sa personal! Hindi nakakapagtataka na binakuran ka talaga ni Congressman sa napakahabang panahon!" Sagot niya sa bati habang sinisipat ako.
Sinimulan na namin ang pag sukat sa aking katawan, at sa bawat pag kuha niya ng measurements ay panay ang kanyang papuri sa akin. At ang patuloy na pag kwento kung ano ang detalye na ang napagkasunduan nila ng ina ni Nicco. Sinasakyan ko na lang lahat ng kanyang sinasabi ng nakangiti.
Maya maya pa ay dumating si Nicco na ikina bigla ko. Biglang nagka gulo ang ang mga tao sa bahay at naging aligaga maging si lola sa pag eestima dito. Hinalikan niya ako sa labi at hinapit ang aking baywang bilang bati niya sa akin. Tuwang tuwa sila Valerie at ang kanyang mga assistants sa sobrang pagpapakita ni Nicco ng pagmamahal sa akin. Matapos ang kulang isang oras na pagbibigay detalye ay nag paalam na sila sa amin. Si lola naman ay nagsabi na magpapahanda sa kusina ng espesyal na hapunan para kay Nicco.
Naiwan kaming dalawa na naka upo sa mahabang sofa. Hindi pa rin niya inaalis ang pag akbay sa akin na nagpapa asiwa sa pakiramdam ko. Gusto kong tumutol at itulak siya. "Hindi maaari kailangan maging mabait ako sa kanya"sabi ng aking isip.Pilit pa rin akong ngumiti sa kanya.
"Bakit ang bilis yata... Paano si Simonnette?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Anong paano, walang magbabago dun." sabi niya na parang wala lang. "kung iniisip mo na may magbabago dun, nagkakamali ka. I will keep both of you." Dagdag pa nito.
Nakaramdam ako ng kakaibang takot ng maramdaman ko ang nayang kamay na umaakyat sa aking hita. s**t, naka short ako. Hindi ko akalain na darating siya.
"Nicco, hhuwag, nakaka hiya baka bumalik si lola..." bulong ko. Biglang may narinig kaming papalapit, ngunit hindi niya inalis sa aking hita ang kanyang kamay. Nakapatong lang ito doon. Maya maya ay nakita na naming papalapit si kuya Aldwin, ang vice governor ni lolo. Sinamantala ko ang pagkakataon at tumayo upang makaiwas ang hita ko sa kamay niya.
"Kuya!" bati ko.
"O andiyan pala kayo! Nicco..." Sabay abot sa kamay ni Nicco upang makipag kamay.
"Oo sinusulit ko ang oras na makasama naman si Dey." nakangiti nitong paliwanag sa kuya ko. Muli kaming umupo nang naupo si kuya at nakipag kwentuhan sa Nicco." Nakikiig lang ako sa kwentuhan ng dalawa tungkol sa pulitika. Nang makahanap ako ng tyempo ay nagsabi ako na akoy tutulong sa kusina upamg makapaghanda ng hapunan.
Nakahinga ako ng maluwag ng marating ko ang kusina. Naroroon si lola at nag mamando sa mga kasambahay. nupo ako at tumulong magbalot ng lumpia. Naagaw ko ang atensyon nya.
"Ayan nga dapat ganyan, matuto ka ng gumawa ng gawaing bahay at maging isang mabuting asawa sa iyong kabiyak. mag simula kana ring mag aral ng mga putahe, alalahanin mo laging maraming tao palagi sa bahay nyo dahil nasa pusisyon ang asawa mo. Sikapin mo rin na makiharap lagi sa tao at palaging isuyo sa kanila ang iyong asawa." Mahaba nitong litanya habang ako ay tumutulong sa kusina. maigi na ito kesa malapit sa manyak na plastik na iyon.
"Opo lola." sagot ko. Tinuruan pa niya ako ng mga dapat at hindi dapat sa pag aakisaso ng hapunan. Nang matapos na ang pagluluto ay ipinahain na niya ito. Sinabi niya sa akin na ako ay mag observe sa tamang paghahanda lalo na sa espesyal na bisita. Pagkatapos ay ipinatawag na niya ang kahat, maging si lolo ay dumating na rin.
Nag upuan silang lahat sa hapag, nanatili akong nakatayo habang hindi pa nauupo si Nicco. Si lolo ang nasa dulo ng mesa. Sa kanan niya ay si lola at sa kaliwa naman si kuya Aldrin. Dumulog na rin ang asawa nito at tumabi sa kanya, Pinaupo siya ni Lola sa kanyang tabi at sa tabi noon ako umupo. Masagana at punong puno ng tawanan ang hapunan. nangingiti lang ako kapag nasasali ako sa kanilang usapan. Sa kabuuan ay hindi ko maintintihan. hanggang dumako ang kanilang usapan tungkol sa aming dalawa. nanlamig ako.
"Saan naman kayo titira niyan pagkatapos ng kasal?" Si kuya...
"Sa amin na muna.Ako ay sa condo ko pa rin pag me session. Dito lang si Dey dahil sa trabaho niya." Masiglang sagot ni Nicco.
"Pag tatrabahuhin mo pa rin yan?" Muling tanong ni kuya.
"Oo naman.Mahal niya ang trabaho niya. At kilala siya doon bilang isang magaling na professor. Isang paraan iyon upang makilala siya bilang si Dr. Merredette Evangelista- Gorrospe na aking asawa." Sabi niya na dere derecho lng...
"Sabagay iho, may punto ka diyan." Si lolo "Nang nakaraang eleksyon ay may mga botante tayo na mga naging student nya, kinampanya pati magulang at mga kamag anak dahil sikat nga itong si Dey at napaka bait pa daw. Patuloy nito.
"Yun nga po lolo, dumadagdag siyang panghatak sa atin. Kahit hindi kampanyahin sila mismo nangangampanya para sa atin!" Masayang pag san ayon naman ni kuya.
Masayang natapos ang hapunan. nagtayuan na ang lahat. Nagpaalam na si lolo at lola na magpapahinga. Napagod daw ang una sa trabaho sa kapitolyo kanina. Ganun din sina kuya. naiwan kami ni Nicco.
"Mag papa alam na rin ako Dey pa balik pa akong Maynila naag hihintay si Simonnette." Paalam niya.
"Sige, mag iingat ka." Sagot ko.
Hinawakan niya ako sa balikat at siniil ng isang mapusok na halik bago siya nawala upang sumakay sa naghihintay nitong sasakyan.
Patakbo akong umakyat ng hagdan upang mag tunggo sa kwarto ko.Tumuloy ako sa banyo ko at hinugasan ko ng sabon ang aking mga labi, nandidiri ako! para kay Ronn lang ang kabuuan ko sigaw ng isip ko... si Ronn.
Muli kong kinuha ang celphone ko at tinawagan siya, un attended pa rin. Muli akong sumubok ng ilang beses pa...