Chapter 10 Reality

2139 Words
    "There are many pillows of illusions as flakes in a snow-storm. We wake from one dream into another dream"-Ralph Waldo Emerson     Hapong hapo niyang idinagan ang katawan sa ibabaw ko. Nanatili siya doon ng ilang saglit, bago niya hinalikan ang aking noo. Hinahabol ko rin ang aking pag hingga. Ramdam ko rin ang kiliti sa kaibuturan ko. Inangat niya ang kanyang katawan mula sa akin at hinigit ang conforter upang ibalot sa aming katawan. Iniunan  niya ako sa kanyang dibdib at ipinulupot ang kanyang braso sa akin.      "Love...?" may himig ng paglalambing niyang tawag.     "Hmmm..." Inaantok kong sagot.      "'Wag mo akong tulugan, di na kita pagbibigyan ngayon!" Sabi nyang may panunudyo.Hindi ako sumagot at nanatiling naka pikit.     "Hoy!" Sabay kiliti sa tagiliran ko.     Napakislot ako at iniiwas ang tagiliran ko. Muli niyang hinapit ang katawan ko palapit sa kanya.      "You know what? I am very proud and happy to know na kahit six years ka na nasa kanya, sa akin ka pa rin   " Narinig kong sabi nya.     " I am very mad at him for the past six years kasi nasa kanya ang iniingat ingatan ko." Bumuntong hininga lang siya bago nagpatuloy. " I tried to move on, trying to forget you, so I  made myself busy with lots of things. Yung pag tigil ko tutulog na lang para hindi kita maisip.That was my life for the last six years." Naramdaman ko na mas hinigpitan nya ang yakap sa akin." I thought I was over you kaya pinag bigyan ko ang ilang functions and appearances na ni request nila sa Dad ko." Narinig ko siyang bumuntong hininga. "And I saw you,wearing shorts and sleveless!"      "What?...." putol ko.Tinutukoy niya yung unang gabi ko dito sa Palawan at kumain ng dinner.      "Yes. I am so mad at myself, because I felt nothing has change."     "I became so mad when Dr. James told everyone that you are his nephew's. You were mine. I hate the fact that you are with him. He has something that belongs to me." Mahina niyang sabi.      "But I am yours...." sagot ko sa kanya.      "Yes I know." Nakangiti niyang sabi. "He had you for six years but your still mine." At binigyan niya ako ng isang napakasuyong halik.      " Can you promise me something? He asked. Tumango ako...      " Can you wait for me for some more time habang nagpapalakas pa ako... yung residency ko. two years pa." Nagunguluhan ako sa sinasabi nya.      "What do you mean?" tanong ko.      Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay yun sa labi nya.      "Hindi kita tatakbuhan Dr. Evangelista. Tatayuan kita! Kaya lang ay hindi muna ngayon." Nakangiti niyang sabi.       Nanubig ang sulok ng aking mata. Tumingin ako sa kanya. Masuyo siyang naka ngiti sa akin. Muli na namang dumapo ang ang kanyang labi sa labi ko, at muling naglakbay ang kamay nya sa aking katawan... pababa ng pababa..      "Ronn.... Di ka ba nasasawa?" Sabi ko ngunit rinig ko rin ang pag nanasa sa aking boses.     " I cant get enough of you my love..." At muli na naman naming pinagsaluhan ang gabi.       Pagkatapos ay akoy kanyang kinumutan at kinintalan ng halik sa aking noo.     "Sleep muna my love, masyado na kitang pinapagod. Sabi nito. "But your not yet off the hook!" Napangiti ako at hinayaan ko na hilahin ako ng antok.      Nagising na naman ako... naglalambing na nman siya! Ang lakas ng resistensya ng kumag na ito ah! Hindi ko n mabilang kung naka ilan na kami. Alas tres na ng umaga. Naka akap siya sa akin likod habang akoy parang nakalutang pa sa alapaap     "Des....."      "Hmmmm...."      " Aalis na ako ng seven mamaya..."      Napabalikwas ako ng harap sa kanya.      "Agad agad? Naalala ko na ang flight ko ay sa alas kwatro naman. Pina adjust nga pala yun ni Nicco.        " Uu..." parang bata na maiiyak nyang sabi, sabay halik sa aking noo.      "Promise me you will wait..." paki usap nya.      " I promised."      Napakahirap ng papapaalam. Bumangon na kami ng 5 a.m. Nagsimula na siyang gumayak. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Kinakailangan ko na lumabas na ng kanyang room upang hindi makatakaw pansin. Ayaw ko halos na bumitaw sa kanyang yakap. Ngunit kailangan. Tapos na ang panaginip. pansamantala itong natatapos at kailangan ng harapin ang realidad.      "Love..." malambing nyang sabi habang tinutuyo ang luha ko.      "Hmmm..."      "Wala ka naman dala yan sacalpel?" bigla akong napatigil sa pag hikbi at napangingiti. Himanpas ko siya sa balikat. May gana pang magbiro.      "Wala, hindi na ako magpapakamatay. Sapat na ang mga alaala mo para patuloy akong huminga. lalo pa ngayun at nadagdagan ito" sabi ko habang hinahaplos ang kanyang mukha.      "Wait for me love."      Nakita ko na agad ang bodyguard nya na sumundo sa akin sa airport. Lumat  ito at magalang na bumati, kapagdakakinuha nito ang aking bagahe at igiya ako papunta sa sasakyan na maghahatid sa akin sa condo ni Nicco sa BGC. Pinagbuksan ako ng pinto sa likod. Agad akong nagpasalamat.  Gusto ko munang umidlip habang daan. Halos wala akong tulog kagabi at masama ang aking pakiramdam sa lungkot at pangungulila kong nararamdaman.       Pakarating ako sa condo ni Nicco, agad akong binati ni Simmonette. Siya ang girlfriend ni Nicco. Sa biglang tingin halos magkamukha kami. Paano ba naman, palaging iginagaya sa kanya ang hair style ko. medyo maliit at malaman lang siya sa akin. Mahilig siya sa make up at ako ay hindi.Ginawa ito upang mapagkamalan ako siya at siya ako. Matagal na sila ngunit dahil nga sa arranged marriage namin ako ang legal pero siya ang kasama.      Nakasimangot niya akong sinalubong. Sino ba naman? Sa aming sitwasyon  ay nakaka asiwa." Halika dito at ng mayusan ka na!" singhal nya. Civil lang kami sa isat isa.      "Bakit naman kasi ako. Pede ka nman!"  Hindi ko maitago ang aking inis.      "Hindi pwede, nandoon mga kakilala nyo at ang family nyo pareho." Sagot nito habang nilalagyan ako ng foundation.       " Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nai aamo na magpakasal kayo? Kahit ako ang maunang umayaw..." nagulat ako sa sarili ko. masyado yata akong tumapang ngayon.       Napatigil si Simmonette. At bumuntong hininga na lamang.      Natapos ang pag aayos nya sa buhok at make up ko. Kinulot lang ang dulo ng lampas balikat kong buhok. Pinasuot nya sa akin ang isang haltered chiffon dress na metallic brown na humuhubog sa aking katawan.Fit ito  at umaabot hanggang tuhod at tinernuhan ng brown na 5 inches cigarette high heals.  Sinundo ako sa  condo ng isa nyang body guard at sinabihang nag iintay na sa sasakyan ang kanyang boss.     Nang makarating kami sa isang sikat na hotel ay tumuloy sa grand ballroom nito. Doon ay nagkakatipon ang mga kilalang tao sa pulitika at negosyo. Hinapit nya ako sa aking balakang, na bigla naman akong napaiktad. Naramdaman niya ito at sinaan ako ng tingin, Wala akong nagawa kundi magparaya.      Marami kaming nakasalubong na kanyang kakilala at mga kasamahan. Marami na ring wine ang naimon nito.Dahil lahat ng mag alok ay hindi niya tinangihan. Hindi nito inaalis ang kanyang kamay sa aking balakan. Maya maya ay may kumaway at tumawag sa kanya sa isang grupo na nag uusap usap. Lumapit kami doon. "Meredette! naka uwi ka na rin pala!" si Tito James, bineso ko siya at nginitian. Lumapit din si Nicco at naki high five  naman sa kanyang tito. Kinamayan naman nya ang mga kalalakihan naandoon  din gayon din ang ilang kababaihan na tila mga spouses naman ng ilan. Ipinakilala ako ni Tito James sa isang lalaking nasa pagitan ng 50-60 years old. Pamilyar sa akin ang lalaki ngunit hindi ko matandaan  kung saan ko siya nakilala. Dr. Ronnald, this is Dr. Meredette Evangelista, grand daughter ni Gov at  at soon to be wife nitong aming si Nicco."Pakilala sa akin. Inilahad ni Dr, Ronnald ang kanyang kamay upang makipag kamay sa akin.      "Nice to meet you! Why your name and you seems familiar... do we met before?"      " Hindi ko po matandaan doc, pero familiar din po kayo." ang matapat kong sabi.      " Baka sa mga charity events or symposiums" singit ni Tito James.      At naiba ang kanilang usapan at dumako sa support  nila Doc Ronald sa mga charity events at medical missions ng pamilya  nila Nicco. Maya maya ay dumating na rin si Lolo agad akong nagmano. Hinayaan lang niya na magmano at tumango ngunit hindi na ako pinansin at kina usap man lang, Hindi katulad ng pag bati niya kay Nicco. Para lang akong palamuti sa harap ng usapan na iyon. Mas gusto kong umuwi at magpahinga. Maya maya ay  bigla bumilis ang t***k ng puso ko at ikinurap kurap ko pa ang aking mata. Kinukuha nyang ninong si Doc Ronald sa kasal namin ni Nicco three months mula ngaun! Puro congratulations ang narinig ko mula sa aking mga katabi. Hinapit ako ni Nicco sa dibdib nya at hinalikan sa labi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. nahihirapan pa rin akong i absorb kung anong narinig ko. Nang maka tyempo ay nagpaalam na pupunta muna sa powder room.      "Are you sure you can manage  by yourself babe". Malambing na sabi ni Nicco pero sapat upang marinig ng lahat. Ang plastic mo ang gusto kong ibulalas. Tumango na lang ako. Pigil na pigil ko na huwag tumulo ang luha ko. Pagpasok ko sa powder room ay may mga tao pa. Agad akong pumasok  sa aisang cubicle at doon ko pinakawalan ang luha na kanina ko pa pinipigil." Huwag kang umiyak Dey, mag isip ka!" ang sabi ko sa sarili. bakit napaka bilis magbago ng sitwasyon ko. Kanina ng mag simula ang araw na ito ay ako ay nasa ulap pa... bakit ngayon bago magtapos,bumagsak akong bigla sa impyerno!      Nanginginig ang mga kamay at hilam ang luha na kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng aking purse bag. Tinatawagan ko si Ronn, hindi ko alam ang gagawin ko.... Ngunit naputol na ang tawag, wala pa ring sumasagot, Pinindot ko ang redial... ngunit ganun pa rin. Ilang beses kong sinubukan. nag ri ring lang pero walang nasagot. "Ronn... nasaan ka na?" bulong ko. Nang mawalan na ako ng pag asa na sasagot pa siya ay ibinalik ko sa purse bag ko ang aking phone ng bigla itong mag ring. puno ng pag asa na si Ronn ito ngunit pangalan ni Nicco ang nakarehistro sa screen.... Bilang lumaglag ang aking nalikat.Ttumikhim ako upang ayusin ang aking boses at sinagot ko iyon.      "Hello..."      " Asan ka na? Bakit ang tagal mo? Naiirita niyang sabi.      "Marami kasing tao. Palabas na rin ako. sandali lng." Pagdadahilan ko.      "Bilisan mo dyan." Utos nya, at pinutol na rin niya ang tawag.       Kinakailangan kong maka isip ng paraan para hindi matuloy ang kasal.... kailangan.       Pagka ayos ko sa sarili ko ay muli akong pumunta sa grupo kung nasaan si Nicco at si lolo. Kausap ni lolo ang isang magandang babae. kahit na sabihin na medyo may idad na ito ay bakas pa rin ang kanyang kagandahan na nasa tabi ni Doc Ronnald.Paglapit ko ay pinakikaka nila sa akin si Dr. Zandra Dela Pena ang asawa daw ni Doc Ronnald na presidente ng Far East Medicals  Group of Companies. Agad kong nakilala na sila ay nakatuon s pharmaceuticals, hospitals at at care giving homes. Isa sa pinaka malaki sa Pilipinas. Magiging katuwang daw siya ng asaw bilang ninang sa amin sa kasal. Inabot niya ang ang kanyang kamay sa akin. Makikipag kamay sana ako ng nagulat ako at bigla niya akong niyakap. Binati niya ako at tinanong.      "You look familiar, have we meet? Mangha niyang tanong sa akin.      " Hindi pa po ata maam. Tipid kong sagot. Naramdaman ko na nman ang paghapit sa aking balakang ni Nicco. Idinait niya ang kanyang katawan sa akin. Tila sinasabi nya akoy kanyang pag aari. Dumating na rin sila Tita Cora at si Tito John, mga magulang ni Nicco. Binati ko rin sila ng yakap at hinalikan ang kanilang pisngi. Ngunit ang init na yakap nanaramdaman ko sa kay Dr. Zandra ay kakaiba totoong totoo.      Matagal pa rin sila sa pag uusap sa kasal na mukhang planadong planado na. Habang kinukwento nila sa mga naroroon.Ako na  bride ay wala man lang kaalam alam sa mga detalye. Ganoon din ang mga usapan sa pulitika at negosyo. Sa mga sandaling iyon ay para lang akong tau tauhan na walang pakiramdam habang patuloy silang nagpasya sa aking buhay.      Hindi ito maaring matuloy.....                                                                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD