" I love you, and that's the beginning and end of everything."-F.Scott Fitzgerald
" I cut it.... the day after you left.The day I found out na sobra pala kitang nasaktan.That you thoughts that I am a two timing b***h. That I choose him over you." Bulong ko.
Kinulong uli niya ako sa kanyang mga bisig ng mahigpit. Nanatili siyang tahimik. Yumakap ako sa kanya.
"I am so sorry for making you feel that way." Nagsisimulang manubig ang aking mga mata.
" I did not tell you the truth...." Naputol ang aking sinasabi ng biglang mag ring ang kanyang phone.
"It's okay." bulong nya sa akin na nakangiti, Kumalas siya sa akin at hinalikan ang aking noo. Inihiga niya ako muli sa kama at kinumutan, "Sorry, I need to take this call... Sleep." Tumayo siya at inabot ang kanyang cellphone. Ilang sandali ko pa siyang narinig na nagsasalita bago ako muli hinatak ng antok.
Napamulat dahil sa patuloy na pagtunog ng cellphone ko. Nagulat pa ako at iba ang room na nakagisnan ko. IIsa at malaki ang kama! Napangiti ako ng maalala ko ang mga nagyari. Suot ko pa rin ang polo niya na isinuot nya sa akin kanina. Inilinga ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto at hinanap siya.Wala na ang pinagkainan namin at napaltan na iyon ng bago at nakapwesto pa malapit sa gilid ng kama. Naagaw muli ang atensyon ko sa tunog ng ring tone ko na mukhang walang balak tumigil.
Nasaan na nga ba ang cellphone ko? Sinundan ko ang pinanggagalingan ng tunog at nakita ko na nakapatong sa side table. Inabot ko ito. Unknown number ang nakita ko sa screen. Sinagot ko ito.
"Good morning Destiny my love!" Agad na bungad niya sa akin.
"Good morning." Namamaos ko pang bati.
" How's your sleep?" Tanong niya.
"Okay lang." sagot ko.
" Eat your breakfast first before you go back to your room." Malabing niyang sabi. "Wala ka na bang balak na mag attend ng symposium today.... hmm?" May himig na pabiro niyang sabi.
"s**t! Oo nga pala! Nagsisimula na ba? Bakit mo ako ginising?" Nagulat kong sabi.
"Yes, it already started." Narinig ko pa siyang humalakhak. He is such a tease! Na miss ko talaga ito!"Be sure to eat, okay? I have to go. bye...." At naputol ang linya.
Minadali ko ang pagkain. Pagkatapos ay hinanap ko ang mga damit ko. Nakita ko naman ito sa may paanan ng kama at maayos na nakatiklop. Pagkabihis ay dinampot ko ang aking cellphone at magnetic key. Nakita ko na rin ang sapatos ko at agad na isinuot ito. Tinulak ko ang food tray palabas at tuloy tuloy na lumabas ng hotel room niya. Nagmamadali kong tinungo ang elevator upang pumunta sa tamang floor kung saan naroon ang aming hotel room.
Mabilis akong naligo at nagbihis ng isang simpleng above the knee white fitting dress at tinernuhan ko ng isang wedge strapless sandals at mabilis na bumaba sa pag pinagdarausan ng symposium.
Mabilis kong nakita si Doc Jas sa bandang unahang gilid at mayroon pang vacant na upuan. Doon ako umupo at napangiti siya ng makita ako.
"San ka galing?" may panunukso niyang wika.
" I got caught up somewhere." Nakangiti kong bulong. Pasimple kong nilinga ang harapapan ng stage at doon ko siya napansin na nakangising naka tingin sa akin. Kinabahan ako... napaka gwapo talaga!
Mabilis lumipas ang oras at natapos na rin pangalawang araw ng convention.
Pinapa direcho kami sa function hall upang doon na muling ganapin ang early dinner at konting kasayahan pagkatapos. Tumayo kami nina Doc Jas upang dumirecho doon. Hindi pa kami nakakalabas ng pinto ay nag vibrate ang cellphone ko. May mensahe, galing sa kanya.
"See you on the lobby now." Wow ha kung maka utos gusto parang gusto ko na makipag kita sa kanya...
Napangiti ako sa nasa isp ko... oo tama siya!
"Doc, pasensya na. I think I need to go somewhere." Paalam ko sa kanya.
Napangiti siya, "Napaka layas mo! Ingat!" Sabay beso niya sa akin.
Nagmamadali akong pumunta sa lobby. Nakita ko na siya malapit sa exit at ng makita ako ay sumenyas na sumunod sa kanya sa labas.
Paglabas ko ay nakita ko siya na nakapamulsa at may kausap na lalaki. Nag dalawang isp ako kung lalapit pa. Maya maya ay nakita ko na pumasok siya sa isang kotse at kinawayan ako.
Tumunog ang cellphone ko at sinagot ko.
"Comme on, lets go! Hurry up love." ang sabi sa kabilang linya.Sumunod ako at pumasok sa loob ng sasakyan. Isinara ko ang pinto ng kotse. Pagkaharap ko sa kanya ako ay nagulat dahil binati niya ako ng isang napakatamis na halik sa labi.
"I miss you." bulong niya pagkatapos nya sa labi ko.
Nginitian ko siya at tinanong, "San tayo pupunta?"
Nginitian niya ako at kinindatan pagkaraan ay hinawakan ang aking kamay.
Makaraan ng ilang minuto ay huminto na ang sasakyan. Bumaba siya at ini abot ang kanyang kamay sa akin upang alalayan akong makababa. napangiti ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko napigilang hindi humanga sa aking nakita. Napakaganda ng kalikasan na aking nakita, may mga malilit na burol at ilog na kung saan ay mayroon mga naka himpil na mga bangka. Nag aagaw na ang liwang sa dilim... mamamangka pa kami. naisip ko. Dahil doon kami patungo.
Naang makalapit na kami sa ilog ay hiniram nya ang aking cellphone. Hinapit nya ako papalapit sa kanyang malapad na balikad hanggang naka hilig ako doon. Tinaas nya ang cephone ko nag take ng pictures namin, ilang click ang narinig ko. Ibinalik nya sa akin ang cellphone ko, ngunit hindi niya ako binitawan. Kihuha nya ang sa kanya at nag take uli ng pictures namin. Nang magsawa sa ginagawa ay inalalayan nya ako na makasakay ng banka bago siya sumunod. Ano ba ang trip nito pati aming damit ay hindi bagay sa aming ginagawa, Naka slacks siyang gray at naka long sleeve polo na kulay white na may nakapatong na gray din na coat.Kung titingnan kami, para kaming ikakasal. Napangiti ako sa pumasok na idea na iyon sa aking isip. Sa aking likod doon siya naka upo. Hinapit niya ako upang makasandal sa kanyang malapad na dibdib.Damang dama ko ang kanyang hininga. Nagsimulang sumagwang ang bangkero at uti uti kaming pumapagitna sa ilog. Laganap na ang dilim ng marating namin ang gitna niyon. Akoy nabigla sa aking namalas. Para akong nakakakita ng libo libong christmass light na nakasabog sa paligid ilog. Maya maya pa ay nagsalita ang isa naming kasamang bangkero patungkol sa mga ilaw na iyon. Firefly pla, At kami ay nag fire fly watching sa gitna ng ilog! Para akong bata na nakakita ng nakaka mangha. Sa sobrang tuwa ko ay tumaliod ako upang makaharap siya at mayakap!
"Salamat!" bulong ko habang magkatapat ang aming mga mukha.
Hindi siya sumagot at isang marahang halik lang ang kanyang tinugon. Himampas ko siya sa braso. Nag inarte naman na kunwari ay nasaktan. Nakangisi akong umirap.
"Nakakarami ka na!" At narinig ko ang malutong niyang tawa.
Namalagi kami sa bandang iyon ng ilog. Napansin ko rin na mayroon ding mga ilan mga bangka ang naroroon at nanunuod din. Napayakap ako sa aking saliri ng makaramdam ng lamig. Bumitaw si Ronn sa pagkaka akap sa akin sa likod at hinubad ang kanyang coat. Ipinatong niya sa balikat ko at muli akong niyakap mula sa likod.Hindi ko alam kung gaano katagal ang aming pinamalagi sa gitna ng ilog upang panuurin ang mga kulisap na iyon. Ganoon din katagal na nakasandal ako kay Ronn at yakap niya ako sa likuran. Maya maya ay naramdaman ko na lang na muling kumikilos ang bangka. Napansin ko na parang mayroong istraktura kaming tinatahak. Floating restaurant?
Inalalayan ako ni Ron upang maka akyat ako at makalipat mula sa bangka. Maya maya pa ay ako ay kanyang hinapit sa baywang upang makalapit sa kanya. Inalalayan niya akong makaupo sa isang mahabang upuan na walang sandalan sa tabi ng isang mahaba ring mesa. naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. pinag tapat niya ang aming mga daliri at at tiniklop ang kanyang daliri, tumingin siya sa akin at dinala ang aming magkahawak na kamay sa kanyang labi. Habang nakatingin sa akin.
Maya maya pa ay dumating na ang mga pagkain sa mesa. Bigla akong natakaw sa nakahain sapagkat lahat ito ay mukhang masarap. Pinag sandok ako ni Ronn ng pagkain gamit ang isang kamay nya. Dahil mukhang ayaw niya na bitawan ang isa kong kamay. Pareho kaming kumain na gamit ang iisang kamay. Nagsusubuan at nagbibigayan. Napangiti ako." Clinggy!" Feeling ko ako ang pinaka maganda at pinaka importanteng tao sa buong mundo!
Katatapos lang namin sa pagkain ng nag simula na ang palabas upang i entertain ang mga guest. Hindi ko inexpect na magiging ganito ang aking ikatlong gabi dito sa Palawan. Lalo na at makita ko at makasama ang lalakinng nasa tabi ko at may hawak ng aking kamay.
Nang matapos na ang show ay bumalik na kami sa hotel. Hindi pa rin niya binibitawan ang aking kamay. Sumakay kami ng elevator. I was expecting na pipindutin din nya ang floor ko. Pero ung sa kanya lang ang pinindot nya. Kay i press ko sana ang third botton ng hinila nya ang kamay ko and he boyishly winked at me!He grinned! Ang sexy nya! Kinilabutan ako dun at nagwala ang mga paro paro sa aking tyan,
Tumuloy kami room niya. Thankfully walang tao sa corridor. Agad nyang binuksan ang room niya at hinila ako papasok.
""Hey.., you enjoyed?" Tanong nya.
" Yes naman. Thank you."
" Anong thank you, me bayad yun Des.Malulugi ang negosyo pag libre!" Biro niya.
Ang I kiss him. Ang he lead me again to blissfull feeling.
" You freshen up, para makapag pahinga kana. Or you want me to do it again? Biro nya.
Bigla ako napatungo at na concious ng maalala na hinugasan niya ako kagabi.I bit my lower lip.
"Your blushing love! Humahakhak nyang sabi.
"I'll do it myself! buong tapang kong sabi. " I dont have clothes, I have to get it."
"You wont need that tonight love...." ang loko kumindat pa! "Ronn!" angal ko!"
Nakangiting ikinuha nya ako ng shirt at boxers nya at ini abot niya sa akin.
"Are you sure, you can do it alone?" Habol na biro nya.
Hindi na ako sumagot at nag tuloy na sa banyo. Narinig ko pa ang halakhak nya bago ko naisara ang pintuan.
Pagkatapos ko, binuksan ko ang pinto habang tinutuyo ang aking buhok. Napatigil ako sa aking narinig. Naka upo siya sa couch, Nakapatong sa isang hita niya ang gitara, Magkahiwalay ang mga hita nya. Nag gigitara siya at nakanta....namangha ako. Napaka tagal ko ng hindi iyon narinig at nasaksihan... playing guitar is his hobby during college. Ilang beses na rin nya akong kinantahan noon. kaya hindi na ako nagtaka pa.
"... and I dont want to go on pretending that gonna be a happy ending...If I should love again, once I've learned to love again..." Napatitig ako sa kanya habang damdam niya ang bawat salita sa kanta. Tangal na ang sapatos at medyas nya, nakabukas na rin ang ilang bitones ng while long sleves nya... ang hot nya....Napatingin siya sa akin at kumindat. ipinagpatuloy lang nya ang pag gigitara at pagkanta na akala mo ay nag sho show...at feel na feel na nakatingin sa akin. He 's my Ronn. He is back!
"You need my autograph love?" Tukso niya sa akin. Ibinaba nya sa couch ang gitara at lumapit sa akin. Tumigil siya ng wala ng espasyo sa pagitan namin. Amoy na amoy ko ang kanyang panlalaking pabango.Iba na ito sa naalala kong gamit niya dati, ngunit dumedepina sa kanyang pa rin sa kanyang personality.
" I told you, you wont be needing that" Tukoy sa kanyang shirt na agad niyang itinaas upang mahubad sa akin. Nagsisimula na naman akong makaramdam ng init ng naramdaman ko ang kanyang mga labi at kamay na humahaplos sa aking katawan. Hanggang sa tuluyang muli naming pinag saluhan ang tamis ng nais ng aming mga katawan.
* The "song" is a line form "To Love Again" by Odette Quesada