Chapter 3 Cold

1184 Words
"Never love anybody who treats you like you're ordinary."                                                                     - Oscar Wilde      Huminto ang sasakyan sa isang malawak na parking lot. Tanaw na tanaw ang magandang tanawin na animoy ipininta ng isang sikat na pintor. Luntian ang paligid at tanaw na tanaw ang bundok. Mayroong isang maliit na istraktura ang ang nakatayo sa paanan noon. Maraming tao ang animoy nag iintay sa kanilang pag dating. Binuksan ni Nicco ang pinto at bumaba na ng sasakyan na walang pasabi.  Napangiti na lang ako. Anong bago ang sabi ko sa sarili ko. Nagsimula na rin akong bumaba, andun ang isang body guard nya at tinulungan akong makababa ng sasakyan. Naglakad akong nagmamadali papalapit kay Nicco. bahagya siyang tumigil at inintay ako. Nang akoy makalapit ay hinapit nya ang aking baywang at sabay kaming lumapit sa mga tao na sa kanya ay nag iintay.      "Welcome Congressman Gorospe, Madam!" Bati ng isang staff ng ampunan na sumalubong sa amin. Sinuotan niya ng kwintas na bulaklak si Nicco at pagkatapos ay ako. "Dito po tayo...." yaya nya sa amin habang kami ay inaalalayan papunta sa mga taong nag ipon sa isang lugar.      " Congressman!" bati ng mga ilang pulitiko na nag ipon doon sabay nakipag kamay sa kanya. dumirecho kami sa unahang bahagi ng ginawa nilang lugar pagtitipon at pina upo kami sa unahan. Marami ang hindi magkamayaw na kausapin siya. habang akoy nanatiling tahimik. Pagkakataon iyon upang mawala ang pagka hawak nya sa aking baywang.      Maya maya pa ay tinawag na siya sa unahan upang magbigay ng mensahe, Agad itong tumayo nakangiti at nagpa unlak sa kanyang mga constituent, Kitang kita ko ang pag iba ng lalaking nasa harap ko ngaun, mula sa isang mala yelong nilalang patungo sa isang simpatikong at kaakit akit na binata. napangiti ako... "Great actor." sabi ko na lang sa isip. Pag baba nya ng entablado ay hindi na siya bumalik sa aking kina uupuan at naging busy na sa pakikipag usap sa mga tao na kumakamay at nakikipag usap sa kanya. Pinag laruan ko na lamang kunwari ang aking phone, upang akoy malibang. Nag busi busihan na lamang ako kaysa magmukhang timang.      "Hello po maam!" bati ng isang staff sa amin. nakita ko ang ID na nkasabit sa kanya  at nabasa ang kanyang pangalan. " Hello Liza! kamusta?" sabay abot ng aking kamay sa kanya. Tila nagulat ito ngunit agad ding nakabawi.       " Tayo na pong kumain..." Nakangiti siya.  Sinamahan niya ako sa buffet table. "Kain kana rin." aya ko." Sige lang po maam."  sagot niya sa akin. "Liza, hindi ako kakain kung hindi kita kasabay." Naguguluhan siyang napatitig sa akin.     " Napilitan na doon kumain  si Cong. Tapos hindi mo pa ako sasabayan.Kawawa naman ako." Malungkot kong sabi. Ngumiti siya at kumuha na lang ng pang himaga upang ako ay pag bigyan.      Iginiya niya ako sa isang bakanteng mesa. Naupo kami doon at nagsimulang kumain. asikaso nya ako sa aking mga pangangailangan. "kain ka rin,"pilit ko. ngumiti siya sa akin. " Maam, matagal na po ba kayo ni congressman?" napangiti ako... saulo ko na ang sagit dito at ang mga susunod pa. " Oo, eight years na kaming engaged." Nagulat siya, "Wow maam, ang tagal na pala." sabay tingin nya sa akin. Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya sabay ang pagsubo ko pagkatapos.      "Kailan po ang kasal?      " Hindi pa kasi ako handa. Iniintay pa nya ako."       " Aba maam, baka po mainip si congressman!"  Yaan nga ang gusto ko sagot ng isip ko.Ngunit kailangan kong magpangap.      " Hindi yan maiinip. It will be his lost!" biro ko.      "Marami po kasing may gusto sa kanya. Tulad po noon..." sabay nguso sa  lugar na kinaroonan ni Nicco. Napansin ko ang ilang babae na halos sawang lumingkis sa kanya at ang ilan ay halos suman at lumuwa na ang dibdib. Kinapa ko ang aking damdamin.... ngunit wala akong maramdaman.      "Okay lang sa akin yan, sanay na ako." matapat kong sagot sa aking kausap.      "Hindi po kayo selosa? sabagay eight years ba naman. Matatag na po siguro ang pundasyon ng inyong pag mamahalan." muntik ng bumara ang kinakain ko sa aking lalamunan, kaya napainom agad ako ng tubig.      "Kamusta naman ang mga bata?" ang pag iiba ko sa aming usapan. At mula sa sandali na iyon iyon na lang ang topic ng aming usapan. Pagkalipas ng kalahating oras ay lumapit na sa akin ang isang body guard ni Nicco.      "Maam, excuse po. Tayo na daw po." Magalang niyang sabi. Nginitian ko siya at lumipat ang aking tingin sa staff ng ampunan. "Thank you Liza sa time mo ha." Matapat kong pasasalamat. Kung hindi ba dahil sa kanya e 'di napanis na ang laway ko at nagbi busihan ako sa cellphone ko. "Susubukan kong bumalik upang makatulong."      "Ay maam salamat din po.Ingat po kayo." pamama alam niya. Bineso ko siya at niyakap.      "Maam hindi lang po pla kau maganda, sobrang bait nyo din." nakangiti niyang sabi, Kumaway ako at naglakad na palayo.      " Dey! Kasama ka pla!" nakangiting bati sa akin ni admin. Tumigil ako at kinamayan siya,      "Kamusta po?" bati ko.      "Hindi kita napansin, akala ko nag iisa siya. Yung mga babae tuwang tuwa sa kanya!" nanunukso niyang sabi.      "Ok lang naman po un. Hindi naman po ako madamot." Ang balik biro ko sa kanya," Sige po at baka magalit sa akin pag dating sa sasakyan at wala ako dun." may himig pag bibiro na sabi ko sa kanya, Kumaway ako at dumirecho na sa kanyang sasakyan.      Nag intay pa ako sa sasakyan ng ilang minuto pa, bago ko naramdaman ang kanyang pag pasok.       "Tayo, dun tayo kila maam mo." Makapangyarihan niyang utos sa kanyang driver. Walang imikan namagitan sa amin sa buong panahon ng amig byahe pauwi. Walang maririnig kundi ang mahinang music mula sa car stereo. Maya maya pa ay pumasok na ang sasakyan sa  isang gate na malaki. Huminto na ang sasakyan at muli siyang naunang bumaba, Tulad ng dati inalalayan ako ng kanyang body guard.      "Pasok tayo." sabi ko sa kanya at nag pauna akong pumasok. Sa may pinto nakita ko naman na nakatayo ang body guard ni Lolo.      "Kuya si Lolo?" tanong ko dito. Nasa study po maam. Pumihit ako at hinarap si Nicco.      "Andyann daw, pasok ka batiin mo muna." Sabi ko kay Nicco.      " Huwag na. Sabihin mo na lang na dumaan ako. Mukhang may kausap pa. Pagod na ako. babalik pa ako ng Manila."      "Okay. Ingat ka." sabi ko sa kanya.      Tumango lang siya. maya maya'y bigla niya akong hinigit at hinnalikan ang aking mga labi. nangatog ako sa takot. Ngunit wala akong nagawa. Wala akong magagawa.      Maya maya pa ay tumigil na siya at tumalikod na. Sumakay sa kanyang sasakyan at sumibat na ng alis.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD