"It is better to loved and lost, than never to have loved at all."
-Alfred Lord Tennyson
Pinatay ko ang gripo matapos mag hilamos. Panay ang punas ko sa aking mga labi. Akala ko sa bawat punas ay mawawala ang matsa ng labi ni Nicco. Sa loob ng walong taon, ngayon lang ginawa sa akin iyon. Tumutulo ang ang aking luha. Sapagkat sa isip ko iisa lang nag nag mamay ari ng aking mga labi.
Six years ago....
Nagising ako sa pag tunog ng alarm sa cellphone ko, 5:30 na ng umaga. Nag inat inat ako, pagkatapos ay nagtiklop ng kumot at iniayos ang aking hinigaan, Pagkatapos ay nag derecho ako sa banyo upang gawin ang aking morning rituals at naligo. Basa pa ang buhok ko at suot pa ang pambahay ay lumabas ako ng kwaro. Bitbit ang notes ko upang ipagpatuloy ang pag rereview. Midterms namin ngayong araw, kaya halos wala akong tulog sa pag re review. pag dating ko sa kusina ay binuksan ko ang cofee maker upang gumawa ng kape. Binuksan ko rin ang ref, pero halos ubos na ang supply namin. IIlang piraso na lang ng hotdog ang natira. Nakakita rin ako ng ilang piraso ng tinapay. nag toast na lang ako ng tinapay habang pinirito ko ang hotdog na aking nakita.
Kasama ko sa bahaysi ate Margaux, ang girlfriend ng aking pangalawang kapatid na si kuya Troy na naka based pansamantala sa Cebu upang asikasuhin ang branch ng family business namin doon. Hindi nag go grocery si ate Margaux, karaniwan ako ang inuutusan nya na gumawa noon. Pero hindi pa nya ako binibigyan ng pambili. pati ang allowance ko ngaung buwan na sa kanya napatak ay nalimutan na rin yata nyang i abot.Wala naman akong nakikitang problema dun. Bukod sa hindi naman ako magastos ay karaniwan naman akong nakakalibre courtesy ng hunk kong classmate at instant body guard. Dahil simula ng unang araw na ako ay kanilang isinabay sa lunch ay iyon ang simula ng pambabakod nya sa akin.
Nagiti ako ng bilang tumunog ang message alert tone ng cellphone ko.
" My Destiny: Good morning Des ko!" At may tatlong heart pang kasama. Everyday yan pag 6 am. Consistent ganun din ng 10 p.m. bago siya siguro matulog. Pero ni minsan hindi ko iyon sinagot.Simula yan ng maisahan nya ako at nakuha nya ng walang kahirap hirap ang number ko.
Naka upo kami noon sa isang table and bench sa quadrangle habang nag aaral at iniintay ang aming susunod na klase. Napansin kong hindi siya mapakali hawak ang kanyang cellphone. Nang mag angat ako ng tingin ay nahihiya siyang nang hiram ng cellphone sa akin dahil may kailangan daw siyang i text. Napatingin ako kay Joy na nakatingin sa amin ngunit agad na nagbaba ng tingin ng mapansin na nakatingin ako. Hinugot ko sa bulsa ng aking blouse at kinuha ang aking telepono at inabot ko kay Ronn, at muling ibinalik ang aking atensyon sa aking ginagawa, Maya maya ay ibinalik nman nya sa akin ang aking phone at isiniksik ko uli ito sa aking bulsa.
Maya maya ay naramdaman ko itong nag vibrate. Kinuha ko muli ang phone ko at tiningnan ang mensahe. Napataas ang kilay ko. Mayroon akong mensahe mula kay My Destiny.Nagtaka ako kasi iilan lang ang contacts ko, yung dalawa kong kuya, Si ate Margaux sila lolo at lola, si nanay Luling ang katiwala sa bahay sa probinsya na para kong ina, at si Nicco. Phone ko ba talaga ito? Akin naman pero sino ito... nang aking buksan mayroong dalawang mensahe:
Ako: I love you!
My Destiny: I love you too!
Nanlaki ang aking mata... iisa lang ang gumamit ng phone ko! Bigla akong napatingin sa kanya. Nakatingin naman siya sa akin na nag puppy eyes pa habang nakapangalumbaba at may napaka tamis na ngiti sa kanyang labi.
Bwiset na Dela Pena ito! Pero sa totoo lang kinikilig ako at gusto kong magtatalon sa tuwa!
Naputol an pag de- day dreaming ko ng marinig ko ang iritableng boses ni ate Margaux. nakalabas na pla siya ng kwato at nakapasok na sa kusina ng hindi ko namamalayan.
"Yan lang ang breakfast natin?"
" Oo ate, wala na kasi taung stock. Need na nating mag grocery." sagot ko.
" s**t! bakit hindi ka mag grocery, alam mo na palang wala eh!" Iritable niyang sabi sa akin.
Naiinis ako sa sinabi nya. Sino ito upang pagsabihan ako ng ganito. Para akong maid. Sa maid nga namin sa probinsya hindi ako makasalita ng ganun. Pera ng pamilya ang ipinadadala sa kanya na pang grocery at pang allowance at pang bills namin bawat buwan. Ni singko wala siyang iniaambag dun, Girlfriend pa lang siya ng kapatid ko. Ako ang tunay na kadugo dito. Ngunit alam ko na kailangan kong maging mahinahon. At hindi ko rin ugali na makipagtalo o makipag away.At alam ko na ako ang talo dito.
"Ate wala ka pang ibinibigay sa akin na pang grocery." mahinahon kong sagot.
"Kung hindi ka namang tang** e sana inabonohan mo!" galit na sabi nito.
"Ate, wala akong i aabono. Bukod sa kulang ang bigay mo last month, nalimutan mo yata na iabot sa akin ang allowance ko this month." Mahinahon kong sagot.
Napatili ako ng makaramdaman ako ang init sa aking mukha na tumulo sa aking leeg. sa gulat ay wala akong idea sa nangyari. Nag sink in lang ng makita ko ang aking notes sa aking harapan na basa ng kape. Isinaboy nya sa mukha ko ang mainit na kape at bigla siyang tumalikod.
Inabot ko ang paper towel at dumirecho sa sink upang maghilamos. Tinuyo ko ang aking mukha, ngunit nahirapan ako sapagkat ang aking mga luha ay walang tigil na umaagos. Kumuha ako ng yelo mula sa ref at inilagay ko sa bahagi ng aking mukha na kumikirot. Habang ginagawa ko ito, nahagip ng peripheral vision ko si ate Margaux at inihagis sa mukha ko ang ilang piraso ng isang libong papel. Lumaglag ito sa sagig. Ngunit hindi ako pinulot. Sobra na ito.
"Ayan! Mukha kang pera!" Sigaw nya tumalikod ito at tuloy tuloy na umalis, muling pumasok sa kanyang kwarto at malakas na isinara ang pinto.
Napapikit ako. Muling tumulo ang luha ko. Hinagip ko ang aking cellphone at in off ko agad ito. Alam ko na maya maya lang tatawag na ang aking kapatid at introduction pa lang ang nararamdaman ko na sakit ngayon. Inayos ko na ang mga gamit ko sa mesa. Nabasa ng kape ang karamihan sa mga notes ko, Kaya hindi na ito magagamit pa. Pinulot ko na rin ang pera at bumalik ako sa kwarto at agad na nagbihis upang maka alis na at pumasok sa university. Sobrang sama ng loob ko. Hindi ito dapat pero wala akong magawa.
Naka upo ako sa aming tambayan sa quadrangle at naka tulala na lamang. Wala pa halos tao dahil sobrang aga pa. Naramdaman ko na lang na may nagsalita sa aking tabi.
"Huwag mo akong masyadong isipin... mahal na mahal kita!" sabay patong sa mesa ng dalawang paper cup at isang supot nabasa ko na itoy binili sa isang kilalang donut store sa may labas lang ng gate ng eskwelahan.
Bahagyang nabawasan ang bigat ng aking nararamdaman ng dumating siya at naupo sa aking tabi. Ewan ko ba bakit biglang lumakas ang aking loob. Ito ba ay dahil sa kanya? nabigla ako sa sunod na lumabas sa aking mga labi.
" Biro ba yan o totoo?" Nakalabas na ang mga salita ng mapansin ko na hindi ko dapat itong sinabi. Pero kasi pag andiyan siya parang ibang tao ako. Parang kayang kaya ko ang lahat.Parang walang mali sa sinasabi ko at ginagawa.
" Grabe ka nman Des, ilang buwan ko na yang sinasabi sa iyo. Hanggang ngaun ba ay biro pa rin sayo ang lahat? Hindi ako mag tittiyaga kung hindi ako seryoso sa iyo. Kung babae lang ang dami dyan na isang kindat ko lang! Wala e... mahal talaga kita kahit parang wala akong mapapala dito. basta alam ko lang masaya ako pag kasama kita." Bilang sumeryoso ang kanyang mukha habang sinasabi nya ito.
Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, hindi ako nag iisip. Sinabi ko lang ang nasa loob ko. "Mahal kita."
Bakas ang gulat sa kanyang mukha. Unti unti itong napangiti. napayakap siya sa akin at ibinulong nya kung gaano niya ako kamahal simula pa lang ng una niya akong makita, Pagkatapos ay tiningnan nya ako sa mga mata at ginawaran niya ako ng isang napaka tamis na halik sa aking labi.