"If my love can hold you. I'll keep you with me."
- Lisa Kleypas
Nang matapos ang aming midterm exams na naka schedule ng araw na iyon. Sinabayan ako ni Ronn pauwi tulad ng kinasanayan nya sa loob ng limang buwan. Inihahatid ako sa lobby condo at aalis na kapagka nakapasok na ako sa elevator.
Mas naging malambing siya sa akin. Yung pack bag ko ay kinuha nya sa akin at siya na daw ang magdadala. Hindi ako maaring tumangi kundi hahalikan daw nya ako sa harap ng maraming tao. Kaya hinayaan ko na lang siya. tinataboy ko siyang umuwi dahil meron pa rin kaming schedule ng exam bukas para makapag review agad siya since dadaan pa ako sa grocery para bumili ng stock sa bahay. Sasamahan daw niya ako. Ang loko sumama nga!
Para kaming mag asawa siya taga tulak ng cart at ako ang taga lagay ng items. Nang matapos na kami sa grocery ay siya ang may bitbit ng apat na grocery bags. Kinukuha ko para siya tulungan pero ayaw niya. Pati ang bag namin siya ang may bitbit. Ayaw din niyang ibigay. Ayaw daw niya akong mahirapan. Lihim na pumapalakpak ang puso ko. Consistent ang hunk na ito kahit sinagot ko na. Naglakad lang kami na masaya at nakangiti hanggang marating namin ang condo ko. Inaya ko siyang umakyat sa taas at makapag snack. Wala pa naman doon si ate Margaux kaya tingin ko ay okay lang.Hindi naman nya malalaman.At kung malaman nya ganoon din yun, Pagtutulungan ako nilang dalawa ni kuya na sabunin. Mapapagalitan at masasampal din naman ako dahil sa nangyari kaninang umaga. Dagdagan ko na at least, naging masaya ako!
Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya.Tumuloy kami sa kusina at ibinaba niya sa mesa ang bags ng groceries.
At parang bahay nya, inayos nya ang groceries sa shelves at ipinasok sa ref ang mga kailangang ipasok dun.
Anong prefer mong sandwich spread?" tanong ko sa kanya upang maihanda ang aming snack.
"Ikaw, yung favorite mo na lang para matikman ko." Malambing niyang sagot.
Kinuha ko ang nutella at nagsimulang magpalaman ng tinapay. " Ronn, uwi kana pagkatapos nating kumain ha. May exam pa tayo bukas. Need mo ring mag review." Paalala ko sa kanya.
"Okay." maikli nyang tugon. Pinapanuod nya ako habang nag titimpla sko ng juice. Pinagsalin ko siya sa baso at inabutan ng sandwich. Kumain na kami. Maya maya pa nagulat ako at bigla siyang nag tanong.
"Mahilig ka pala sa chocolates?"
"Oo. Ikaw?"Balik na tanong ko sa kanya habang nakangiti.
"Mahilig na simula ngayon." Nagulat ako doon.
"You mean hindi ka mahilig sa chocolates?" Follow up question ko.
"Ngayon pa lang." Nagulat ako ng lumapit siya ng sobrang lapit sa akin at muli nyang inangkin ang aking mga labi.
Mas matagal ngayon compared noong una. Hinawakan pa niya ang aking pisngi upang hindi maka iwas ang aking labi sa kanya. Bawat siil nya ay banayad ngunit punong puno ng intensity.Unti unting binubuka nya ang aking mga labi gamit ang kanyang dila at ng magtagumpay ay unti unting nararamdaman ko iyon dila na hinahanap ang sa akin. Tumigil siya ng kinapos na kami ng hangin. Muli siyang tumitig sa aking mata. "I love you." malambing nyang saad. " I love you too." Punong puno ng conviction na sagot ko. Napangiti siya at muli akong niyakap. maya maya ay bumitaw na.
"I have to go!"Sabi niya na parang walang nagyari.
"Okay." sagot ko.
Kinuha nya ang kanyang pack bag. Inihatid ko siya sa pintuan. Gusto ko sana ay hanggang sa baba ngunit sabi nya ay doon na lang daw ako at wag ng bumaba pa.
"Text kita pag dating ko sa bahay Des"
"Okay." sagot ko.
Binigyan nya ako ng kiss sa aking noo at tumalikod. nang bigla akong may naalalang tanong.
"Ronn?" Bigla siyang pumihit upang humarap sa akin.
"Hmmm?" malambing nyang tanong na nakangiti.
"Bukod sa puso ko, san ka ba talaga nauwi? Hindi ko alam kung anong kalokohan na pumasok sa isip ko.
" Mandaluyong love." nakangiti sabay kindat.
"Alis na ako, pasok kana."paalam nya.
Natigilan ako... loko yun ah! tatlong sakay yun mula dito kung hindi ako nagkakamali at dalawang sakay lamang kung galing sa university. Kung makahatid akala mo sa kanto lang umu uwi.
Malalim na ang gabi, pero gising pa rin ako.nakatanaw sa bintana at minamasdan ang kalangitan na punong puno ng bituin.
"Ronn, asan kana? Naalala mo pa rin ba ako? Kita mo ba sa yong kinarooonan ang mga bituin na natatanaw ko? Ako pa rin ba?Kasi naalala kita, hindi kita kayang malimutan. Ikaw ang lakas ko, ikaw ang buhay ko. Hindi magbabago. Mananatiling tapat ang puso ko sa iyo lumipas man ang panahon. Ikaw lang, lagi kong panghahawakan ang ating mga alala sa puso ko."
Hindi pa rin maputol ang aking mga luha nya na patuloy na umaagos sa aking pangungulila.
"Kahit hindi na ako,,,, ikaw pa rin sa akin....."