TRECE Hindi rin nagtagal ay bumaba si Caiden at agad na natuon sa kanya ang tingin nito. “We need to talk,” sabi nito na salubong ang mga kilay. Napatingin siya kay Selena na nakatingin din pala sa kanya. “K-Kailangan ba tayong dalawa lang?” nag-aalangan niyang tanong dito. “Is there any problem with that?” suplado nitong tanong sa kanya. “Follow me.” Napasinghal siya sa kawalan at inirapan ang binata. Napaka-bossy! Bakit parang iba ang ugali nito kapag nandito sa lupa? And for Heaven’s sake! Ang galing niya mag-ingles! Ginag*go ba siya nito? “O-Okay lang ba na iwan muna kita?” tanong niya rito. Nakangiti naman itong tumango. “Go on, mukhang importante talaga ang sasabihin sa’yo. Ang seryoso ng mukha, eh.” “Okay, pero matanong ko lang. Magaling ba talaga iyon magsalita ng Ingles?” m

