MELTING BARRIERS #CHAPTER 22 Honey’s POV Nakarating naman kami agad sa Privè at marami ng tao. Agad sumalubong sa amin ang ingay at neon lights. Hindi naman ako masyadong nahirapan kahit na siksikan pa dahil kasama ko naman si Pierre at alalay to the max siya sa akin. Nang makaupo kami sa reserved couch niya ay napakaluwang nito. Siguro pang sampung tao. Tila naman nabasa nito ang nasa utak ko. ''More space more area to breath,'' he said. ''Teka lang hahanapin ko sina JB,'' bulong ko sa kanya. ''Baka mawala ka!'' pang-aasar nito. ''Diyan ka na nga maghanap ka ng maite-table mo,'' sabi ko saka ko siya iniwanan. ''Medyo madilim ang lugar at neon lights lang ang halos bumabalot sa ere but I don't really care hindi naman kalakihan ang space so makikita ko sina Jb in no time. Not unless

