"LET'S GET married." Seryosong-seryoso ang boses ni Alex nang humupa na ang init ng katawan nila. Nasa maayos na rin silang lagay ni Addy kaysa kanina. Their bodies are wrapped with each other in Addy's bed. Inaasahan ni Alex na manlalaki ang mata ni Addy. Mamimilog iyon sa gulat at sa tuwa. Matagal na niyang alam ang nararamdaman sa kanya ni Addy. Surely, matutuwa ito sa kanyang pag-amin na may ilang araw rin niyang pinaghandaan at inisip. Reaksyon naman ang tuwa ang nangyari. Tumawa si Addy. Pero iyon ay tawang may kasamang pang-aasar. O iyon ang nararamdaman niya. "Pardon?" Tumikhim si Alex. "I-I said, let's get married." "Seryoso ka ba, Xander?" "Seryosong bagay ang pagpapakasal. Bakit naman kita lolokohin?" "P-Pero bakit?" "May nangyari sa atin. Gusto kitang panagutan." Kumuno

