Chapter 11

1147 Words
Matapos niyang ihatid si Janella ay dumaan muna siya sa coffee shop na dati niyang pinagtrabahuhan para bumili ng cheesecake na paborito ng anak niya. "Oh my God Zarie ikaw na ba yan?" Gulat na tanong sa kanya ni Ms. Mitch. "Ms. Mitch! Namiss kita, kamusta na kayo? Yung mga dati ko pong kasamahan kamusta na?" Masayang bati niya dito. "Okay naman. Yung mga kasamahan natin dati nag abroad na yung iba. Karamihan ng staff dito ngayon mga working students pa rin naman. Ikaw kamusta ka na? Bakit bigla ka nalang nawala? Alam mo bang may gwapong lalaki na madalas nagpupunta dito at hinahanap ka? Halos araw araw ay dumadaan dito, nito na lang hindi nagagawi dito." Kwento nito. "Sinong lalaki Ms. Mitch ala naman po akong kaibigan na lalaki maliban sa mga dati kong kasamahan dito." Nagtatakang tanong niya. "Basta gwapo sya Zarie, matangkad, makapal ang kilay saka wavy yung buhok nya na halos umabot lang sa balikat." Paglalarawan nito na ikinakunot ng nuo niya. "Wala po talaga akong matandaan na ganon ang itsura. Di kaya ibang tao ang hinahanap non Ms. Mitch?" "I'm sure ikaw yung hinahanap, ikaw na ikaw yung description Zarie, ikaw lang naman ang babaeng matangkad mapute at may pagka Spanish look at my dimples na nagttrabaho dito." Sabi pa nito. "I really don't him Ms. Mitch, kwentuhan tayo next time kailangan ko na kasing umuwi. I'll drop by again next time." Pagpapaalam niya. "Sige ingat ka, dalaw ka dito anytime, marami kang utang na kwento sa akin." Nakangiting wika nito. "Mommy!" Masiglang salubong sa kanya ng kanyang anak pagpasok pa lamang niya sa front door ng mansyon. "How are you baby, look i got your favorite cheese cake." Lambing niya dito matapos halikan sa pisngi at yakapin ang anak. "Wow, you're the best mommy. I love cheese cake. Thank you mommy." Tuwang what ka nito. "But you can just eat it tomorrow okay? Come on let's go to our room now. You need to sleep na." Aniya niya sa anak. "Anne, pakilagay muna ang mga yan sa ref please. Ako na bahala kay Farris, Thank you." Utos niya sa yaya ni Farris. "Sige po ma'am, good night baby Farris good po ma'am Zarie." Pagpapaalam pa nito sa knilang mag ina. Inakay na niya paakyat sa kanilang kwarto ang anak niya. Pinatulog muna niya ito bago siya nagshower at nag skin care. Pagkatapos noon ay saka siya bumaba para kumain. Ayaw naman niyang kumain ng heavy meal kaya gumawa nalang siya ng sandwich at juice. Pahkatapos kumain at malinisan ang ginamit niya ay umakyat kaagad siya sa kanyang kwarto at nagpahinga muna sa veranda ng kanyang kwarto. Nang makaramdam na siya ng antok ay pumasok na siya sa loob at inilock ang into ng kanyang veranda. Kinabukasan ay maaga siyang pumasok sa opisina. "Alam nyo ba dadating na daw yung nagiisang anak ni Sir Leviste para pumalit bilang CEO ng LGC?" Wika ng isa sa mga empleyado nila. "Si Sir Samuel? Diba chef yun saka di naman sya biological son ni Sir Leviste diba?" Wika ng isa pa. "Ang balita ko meron daw siyang anak na babae. Sabi sa HR si Ms. Z daw yung magiging bagong boss natin." Sabi naman ng isa. "Sana kasing bait rin sya ni Sir Leviste hano? Saka na mapatigil nya pagrereyna reynahan ni ma'am Trixie." Hinaing naman nila. "Girls baka may makarinig sa atin mareport pa tayo. Ang importante ginagawa natin ng tama ang trabaho natin para di tayo matanggal sa trabaho kung sakali man na magkaroon ng mga pagbabago sa pamamalakad dito sa company." Sagot naman ng isa pa nilang kasamahan. Nang huminto ang elevatore sa floor kung saan ang accounting department ay nagbabaan na ang mga ito. Siya naman ay dumiretso na sa kaniyang opisina. Habang busy siya sa trabaho ay kumatok ang secretary niya si Janella. "Ma'am, may delivery po para sa inyo." Kinikilig na wika ng secretary niya habang iniaabot ang bouquet of roses sa kanya. "Kanino daw galing?" Tanong niya nang tanggapin niya iyon. "Walang sinabi yung nagdeliver ma'am, pero may card naman po." Sabi nito. Kinuha naman niya ang card na kasama ng bouquet at binasa iyo. 'Hope to see you again. From F.S.' "Kanino daw kaling ma'am?" Kinikilig na tanong ni Janella. "I don't know. Initials lang nakalagay, I don't have any idea." Sagot niya. "OMG ma'am may secret admirer ka. Di kaya dati mong manliligaw yan ma'am? Kase tignan mo yung message. Hope to see you again daw. So ibig sabihin nagkita na kayo dati pa." "Maybe, but I don't remember anyone with this initials." Napapaisip tuloy siya kung sino nga ba ang mystery guy na nagpadala ng bulaklak sa kanya. "Baka sya na ang lalaking makakapagpatibok ng puso mo." Biro ni Janella sa kanya. "Kinikilig ka na nyan?" Natatawang tanong niya kay Janella. "Syempre naman magkaka lovelife na ang super bait at cool kong boss." Sagot nman nito. "Sige ma'am balik na ko sa pwesto ko. Basta kung sino man yan ma'am feeling ko ang gwapo nyan, naiimagine ko para siyang holy wood actor." Pahabol pa nito bago lumabas na tinawanan nalang niya. Sanay na rin siya sa pagiging masayahin ni Janella kaya naman magaan din ang loob niya sa dalaga. Zarie's POV Halos araw araw ay nagpapadala na ng bulaklak ang secret admirer niya. Kaya naman naging usap usapan rin sa kumpanya iyon. Good thing na walang nagpadala ng flowers ngayong umaga. Nakakailang rin naman kase na palagi nalang topic sa chismisan though wala naman negative commets about me receiving flowers everyday. Pagdating ko sa office ay binati naman ako ng mga tauhan ko. "Good morning ma'am pretty." Bati ni Janella sa akin. "Good morning Janella. Pretty ka rin." Sagot ko naman sa kanya. "It's weekend everyone let's do our best to meet our deadlines okay." Wika niya sa mga kasamaha. "Yan ang gusto namin sa inyo ma'am Zarie palagi pong good vibes kaya nakaka inspire magtrabaho simula nung naging CFO ka namin. Parang ang gaan po ng lahat ng trabaho." Wika ni Jasmine. "Mas masarap kase magtrabaho kapag walang pressure, at nasa friendly environment tayo diba?" Sagot ko naman. "Tama ka po ma'am kaya love na love ka namin. Lalo na po ang pa meryenda kapag maraming workloads." Sabi naman ni Thea. "Naku basta talaga sa pagkain Thea." Pangaasar ni Alvin sa kanya. "Masisipag at maasahan kayo kaya deserve nyo yon. Pano work na muna tayo." Sabi ko nalang bago ako pumasok sa office ko. "Ah, ma'am tumawag po pala ang papa nyo punta raw po kayo sa office nya mga 9am daw po." Bulong sa akin ni Janella. "Okay Janella, thank you." pagkasara ko ng pintuan ng office ko ay dumiretso na ako sa office table ko at hinarap ko na kaagad ang mga kailangan kong taousin dahil bukod sa weekend na ay magkakatapusan na rin ng buwan kaya marami kaming hinahabol na deadlines.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD