Chapter 10

1588 Words
"Good morning papa." Bati niya sa kanyang papa ng pumasok siya sa dinning area. "Good morning my princess. Handa ka na bang magsimula sa trabaho anak, ayaw mo ba munang magpahinga muna?" Sagot anong sa kanya ng kanya ama. "I'm ready papa, marami pa po akong kailangang pag aralan." Sagot niya. "Why don't you accept the COO position anak you don't have to work as assistant Finance manager." Wika ng kanyang ama. "May mga gusto lang po akong pag aralan sa finance department papa. Saka gusto ko po munang mag observe kaya ayaw ko po munang ipakilala nyo ako bilang anak ninyo. Tutal naman po walang ibang nkakaalam na anak nyo ako maliba sa mga tauhan natin sa Paris. I also love instructed them not to mention about our relationship to others papa kaya wag po kayong mag alala. Alam ko po mga ginagawa ko." Sagot niya. "If that's what you want princes. Kung ako lang masusunod you must take over the CEO position so I can step down as the CEO." Sabi ng papa nya. Ito kase ang Chairman at CEO ng Leviste Group of Companies. Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na siya sa kanyang ama na mauuna nang pumasok sa opisina. "I have to go papa ayaw ko pong malate sa first day ko sa trabaho." Wika niya bago humalik sa oisngi ng kanyang ama. "Manang kayo na po muna bahala kay Farris, mamaya pa po dating ng magiging yaya paki orient na din po sa magiging trabaho nya." Bilin naman niya kay manag Flor. "Walang problema iha, ako na ang bahala wag kang mag alala." "Salamat po. Bye papa." Muling paalam niya bago lumabas ng dinning area at dumiretso na sa labas ng bahay kung nasaan nakapark ang sasakyan niya. Kaagad naman siyang sumakay dito at nagdrive papunta sa kanilang kumpanya. Pagdating niya sa kumpanya ay nagtungo siya sa HR department para magreport. "Good morning ma'am, I'm Zarina Mikaella Castro po bagong Chief Finance Officer." Pagpapakilala niya sa HR manger. "Good morning too Ms. Leviste , here's your employment ID. Ayos na rin po ang office ninyo" Wika nito. "Thank you ma'am, I'll go ahead po." Magalang niyang paalam dito. "Ahm... Ms. Leviste, mag iingat ka kay Mrs. Lorenzo at sa anak nito. Maraming umaalis na staff ng Finance department dahil sa kamalditahan ng mag inang iyon. Mula nang maging Head of Strategic Finance ang asawa ni Mr. Lorenza at Head ng financial Audit ang anak niya ay lantaran na ang pagmamanipula ng magina sa pricing sa mga pagbili ng Industrial materials sa mga project ng companya. Walang lang makapag reklamo dahil mataas din ang posisyon ng asawa niyang si Mr. Antonio Lorenzo.." Babala nito sa kanya. Kilala niya si Mr. Lorenzo dahil isa ito sa mga board member ng kumpanya ng papa nya. Accounting head si Mrs. Lorenzo at nasa parehong department din naman ang anak nito. "Salamat po sa info. How about the former CFO, wala manlang ba syang nagawa tungkol doon?" Tanong niya. "Wala rin pong ginawa kundi mag approve lang ng mga ginagawa ng mag ina." Sagot nito. "Ako na po ang bahala Ma'am I will gather enough evidence para mapatalsik ang pamilyang Lorenzo sa kumpanya. Oo nga pala make sure na walang ibang mkakaalam sa tunay na identity ko dito sa company. Nasabi na siguro sa iyo ni papa ang tungkol dito, I will be Zarina Castro for now." Sabi niya. "Okay po ma'am. Good luck Ms. Castro and welcome to LGC." Sabi pa nito bago siya umalis. Unang araw palang niya ay nakarining na kaagad siya ng reklamo. Siguradong hindi alam ng kanyang ama ang tungkol dito dahil protektado ni Mr. Lorenzo ang mag ina niya. Ngayon ay alam na niya kung saan siya magsisimula. Hindi nga siya nagkamali sa deoartment na na pili niyang simulang linisin. Pagdating niya sa floor kung saan ang magiging opisina niya sa sumalubong sa kanya ang isa Secretary na inasign ng papa niya para sa kanya. "Good morning. Welcome to Finance Department ma'am, I will be you Secretary po na napili ni Sir Leviste sinabi nya na rin po ang tungkol sa inyo, Janella Suarez at your service ma'am." Magiliw na wika nito. "Good morning Janella. Can you gather some copies of file for financial reports especially the expenses ng company for the past five years isama mo na ring yung mga contract ng projects. Make sure walang makakaalam ok?" Utos kaagad niya dito. "Right away ma'am, naibilin na rin po iyan ni Sir Leviste kaya naiprepare ko na rin po. Ihahatid ko nalang po sa office mo." Sabi naman nito. "Thank you Janella." Pasasalamat niya bago pumasok sa office niya. Ilang sandali lang ay kumatok ang kanyang Secretary at bitbit na nito ang lahat ng mga ipinahanda niyangFinancial reportes dito. "Kumpleto na po yan ma'am, nagsave na rin po ako ng soft copy naisend ko na po sa email nyo ma'am." "Thank you Janella, dumating naba ang Head ng Strategic Finance at Accounting?" Tanong niya. "Yes ma'am, sigurado po akong maya maya lang ay nandito na ang mga iyon." Sagot nito. "Okay, wag ka munang tatangap ng bisita or any appointment ngayong araw, I will be busy reviewing those files. And I still have some documents for approval here right?" Wika niya. "Copy ma'am. Lalabas na muna po ako, may mga tatapusin pa rin po akong reports sa table ko" paalam nito. Tinanguan lang niya ito at nagsimula na sa pagbabasa ng mga reports. Maayaos naman ang financial reports sa naunang dalawang taon ng pagkumparahin niya ang mga ito. Nagbago lang at tumaas ng halos 20% ang pricing ng Industrial Materials sa nakalipas na tatlong taon. Maraming discrepancies at may mga lumalabas na pera sa kumpanya na hindi naman sa mga project napupunta. Lumipas ang isang Linggo ay natuklasan niya ang mga anumalyang pinaggagawa ng pamilya Lorenzo. Alam niyang mahihirapan siyang mapatalsik ito sa kumpanya pero gagawin niya ang paraan para malinis niya ang pamamalakad sa kumpanya. Sinabi niya sa kanyang papa ang mga natuklasan niya kaya kaagad nitong ipinatawag ang kanilang company lawyer para mapagplanuhan ang susunod nilang hakbang. Kasalukuyang siyang busy sa pagbabasa ng mga email sa kanyang computer ng pumasok ang mag inang Sina Mrs. Lorenzo at Trixie Lorenzo. "Why you didn't approve the financial request for the Renovation of Leviste Tower in QC?" Gigil na tanong ni Mrs. Lorenzo. "As far as I remember I am the CFO and I have the all the rights weather I will approve all the reports and request in this department Mrs. Lorenzo. Even before you submit your request, I already inspect the location with the contractors. According to them it will not need that huge amount of money to spend for renovation dahil regularly maintained naman ang lahat ng condominium buildings and hotels ng LGC." Mahinahong wika niya. "If you really want me to approve that let me request a conference meeting with the contractors at isama na reported n natin ang board members oara mas maliwanagan ang lahat." Dagdag pa niya. "Eh mayabang ka pala eh. Sino ba ang nagpasok sa iyo at ang lakas ng loob mo na sumuway sa utos ng mommy ko? Oh, baka naman gusto mong makarating pa ito kay daddy para hindi ka na umabot ng isang buwan sa kunoanya na ito." Mataray na wika ni Trixie. "So ganito pala ginagawa nyo sa dating CFO ng kumpanya. I'm sure Mr. Leviste didn't know what's happening inside his company." Paninita niya sa mag ina. "Aba at kabago bago mo lang ang lakas na ng loob mo na magmalaki ah. Humanda ka dahil may kalalagyan ka pag nalaman ng daddy ko ang pagsalungat mo sa amin." Banta pa ni Trixie. "Hindi ako natatakot sa inyo dahil alam kong nasa tama ang ginagawa ko." Sagot niya. "Sa palagay mo ba sino sa atin ang paniniwalaan ni Mr. Leviste ha. Para sabihin ko sayo malaki ang tiwala ni Mr. Leviste sa amin lalo na sa asawa ko." Nanggagalaiting wika ni Mrs. Lorenzo. "Kung yan ang paniniwala nyo then fine. Lalabas din ang baho ng pamilya nyo. At pag nangyari yon sisiguruhin ko na mapapatalsik kayo sa kumpanyang ito." Banta niya. "Yun ay kung may makukuha kang ebidensya laban sa amin at kung paniniwalaan ka ng mga executives." Wika naman ni Trixie. "Is that all? Yan lang ba ang ipinunta nyo dito sa opisina ko? Wala ba kayong trabaho? Ipinapaalala ko lang ako pa rin ang CFO at hindi nyo ako maisasali diyan sa mga gawain nyong pagnanakaw sa kumpanya. Maari na kayong umalis sa opisina ko marami pa akong trabaho." Sabi niya at hinarap na ang kanyang computer saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Umuusok naman ang ulo ng mag ina sa sobrang inis sa kanya. Hindi niya namalayan ang oras ala sais na nang kumatok ang secretary niya para magpaalam na mauuna nang umuwi. "I'm sorry Janella di ko namalayan ang oras. Next time you can go home after working hours. Hindi mo naman ako kailangang hintayin okay." Sabi niya. "Naku walang problema ma'am saka may tinapos rin po kase akong mga documents na kailangan nyo pong ipadala kay Atty. Ezguera." Sagot niya. "Thank you Janella, maaasahan ka talaga, hindi nagkamali si papa sa pagpili sayo. Mabuti pa ihahatid nalang kita, sumabay ka na sa akin baka mahirapan ka nang makasakay." Sabi ko. "Naku ma'am baka maabala pa po kayo saka mapapalayo pa po kayo." Pagtanggi ng secretary niya. "It's fine Janella, let's go para di ka masyadong gabihin sa pag uwi." Sabi niya matapos i-off ang computer niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD