Sikel Villavicencio
Nang tumapat kami sa pinto, hinila ng binata ang pinto. Kitang-kita ang paghulma ng kaniyang braso sa ginawa niyang iyon dahil sa bigat ng pinto, tinanguan niya ako at hinayaang pumasok. Hindi ko inaasahan ang kaniyang mga ikinikilos, umaakto siya na parang walang nangyari kanina at hindi ko nagugustuhan iyon dahil mas lalo niya akong hinahayaang mag-isip nang malalim. Mas gugustuhin ko pa na hindi siya magsalita at itrato ako na parang ibang tao kagaya ng aking nakagawian.
Nang makapasok, kaagad na sumalubong sa akin ang lamig na bumalot sa paligid. Ilang aircon ba ang kanilang inilagay na sinakop nang husto ang bawat sulok ng bahay na ito? Napahawak ako sa akong braso, kinukuskos iyon gamit ang mga kamay upang makapaglabas ng init, para akong nasa ibang bansa sa sitwasyon kong ito. Habang ginagawa iyon, naagaw ang king atensyon ng malaking bandila ng bansa, at sa tabi nito ay ang larawan ng taong sadya ko rito. Nakaanggulo ito sa kaliwa, nakataas at salubong ang kilay, seryoso itong nakatingin at bakas ang awtoridad sa estilo ng kaniyang pananamit.
"Mom placed it there," napailing ang lalaki na pumasok na pala at tumabi sa akin. "She could have at least put a warming painting instead of that one."
Naiintindihan ko ang nais niyang iparating. Kung mayroon nga namang papasok sa bahay na ito, nanaisin nilang makipag-usap sa isang taong mukhang madaling pakisamahan at pakiusapan. Ngunit salungat ang nandito at hindi na ako magugulat doon. Hindi rin nakaiwas sa aking mga mata ang kulay gintong kurnina, hindi ko na kinakailangan pang hawakan iyon para lang makumpirma ang bigat at tekstura sapagkat sa tingin palang, hindi na maipagkakaila na may kamahalan ito.
Sa ilalim ng painting ay mayroong maliit na mesang kulay itim at sa ibabaw nito ay merong nakalagay na maliit na justice sculpture. Sa gilid ay merong isang pakurbang bukas na cabinet kung saan nakalagay ang mga libro na mukhang hindi pa nabubuksan o hindi kaya ay alaga lamang sa linis dahil sa kintab nito, at bukod sa mga libro, kapansin-pansin din ang mga tropeyo. Hindi ko maalalang pinangaralan siya sa kung anumang kategorya.
"He decided to show his awards through the years of being a journalist," lumapit siya roon at hinawakan ang isang tropeyo. Ipinakita niya ang mga katagang nakaukit doon na patungkol sa pagkapanalo sa paglangoy. "Look, he was even proud to present this one. Told you that sports runs in our blood, right?"
Pinagmasdan ko ang binata. Sumisingkit ang mga mata nito habang nakangiting ipinapakita ang mga achievements ng kaniyang ama, hindi makikitaan ng kahit anong bahid ng panghuhusga. Ilang taon na nga uli ito? Napakahusay naman ng taong iyon para maitago ang kaniyang mga baho sa loob ng ilang dekada. Hindi na ako nagsalita, hinayaan kong balutin kami ng katahimikan habang naglalakad sa pasilyo at tinitingnan ang mga paligid. Hindi ko nais na sirain ang model ng isang taong over achiever, mapagmahal na ama, at matapat na public servant sa mata at isip ng kaniyang anak.
May nakasalubong kaming isang babae na sa tantsa ko ay kasama nila sa bahay. Hindi ko maiwasang mapatingin sa babae dahil hindi tipikal ang itsura nito, mukhang sinadya nilang pumili ng tagapagsilbi na naaayon din sa kanilang mga katangian. Tumingin ito sa lalaki at sa akin, hindi ko alam kung dala lang ba ng pagod kaya kung ano na ang mga nakikita ko dahil napansin kong mukhang nasasaktan siya.
"H-hinahanap ka...na po kayo."
Tiningnan lamang ng lalaki ang babae, pumitik ito ng dila at lumapit sa akin. Hindi, hindi lang ito lumapit kundi hinila ang aking bewang. Hindi ko inaasahan iyon, halos mangilabot ako sa kaniyang ginawa at bilang isang natural reflex ay papalag sana ngunit inilapit niya ang labi sa aking tenga at bumulong doon.
"Just pretend," Magpanggap na ano? Nilingon ko ang babaeng nakayuko. Inilapit nito ang kamay sa mukha at sigurado akong umiiyak siya base na rin sa pagtaas at baba ng kaniyang likod. Tumingin ako sa binatang nakayakap sa akin na nakapaskil ang ngisi sa labi. Napailing na lamang ako sa kaniyang ginawa. Ito na ba ang makabagong paraan ng pagpapaselos ngayon ng mga kabataan? At papaano ako magpapanggap? Ni hindi nga ako makahinga sa sitwasyon ngayon.
Mukhang napangtanto nito na wala akong balak na sundin ang sinabi niya. Huminga na lamang siya ng malalim at nagsalita, "Why didn't you told us that you are going here? I could at least go to the airport to fetch you. So how is the life in states?"
Napangiwi ako. Sa tingin ba niya ay maniniwala ang babaeng pinagseselos niya na galing akong ibang bansa? Sa bitbit kong shouldered bag, sa suot kong t-shirt at jeans? Nahihibang ba siya?
Pumaroon kami sa hagdan. Nababalot ang sahig ng dark red at ross gold. Habang ang pader naman ay kulay puti na may mga detalyeng nakaukit doon at kulay itim, kapansin-pansin din ang mga painting ng bawat isa sa kanila. Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang huminto ako, napatigil din ang lalaki at nilingon ang nasa ilalim para makasigurado na hindi kami sinusunda ng babae kanina.
"Nice act, by the way." tmingin ito sa akin at naghihintay ng aking sasabihin ngunit tikom ang aking bibig. Nakatuon lamang ang aking pansin sa larawang nakadikit sa pader. "It's you."
Batid ko. Isang babeng taas-noo na nakatingin din sa akin, kulot ang buhok nito na umaalon hanggang dibdib, mapupulang labi, at buhay na mga mata. Perpektong-perpekto ang hulma, maging ang mga ngipin nito na nakalabas dahil siya ay nakangiti, ang kasuotan nito na ipinapakita ang magandang hubog ng katawan. Sa madaling salita, walang bahid ng kung anong kapintasan. Pero kapintasan bang maituturing ng itim na bumabalot sa mga mata, ang mga tigyawat, mga taling, ang tuyot na buhok, ang pagiging maputla at iba pang sugat? Hindi, hindi kapintasan iyon. Parte ng ating pagiging tao ang mga bagay na ito, at natural iyon sa atin. Hindi flaw kung maituturing ang mga ito dahil bahagi na iyon ng ating pagkatao.
Hindi ko alam kung papaano nila nagawa iyon—ang pagandahin ako sa mata ng mga taong makakikita. Ang magkaroon sila ng impression na isa akong perpektong tao. Hindi maipagkakaila na napakahusay ng artist na gumawa dahil nabigyan niya ng modification at justfication ang aking sarili, ngunit hindi ko makita ang pagkamangha. Hindi ko maramdaman ang pasasalamat dahil hindi ako ito. Masyado ko lang bang dinamdam ang lahat? Mali bang isipin ko na hindi nila gusto ang kagaya ko kaya pilit silang naghanap ng makakapagpabago sa katulad ko para maging kaaya-aya at katanggap-tanggap ako sa paningin nila at sa opinyon ng makakakita nito?
"Nasaan siya?" tukoy ko sa kaniyang ama
"I don't know, but I guess, he went to a meeting. They have been busy lately planning some sort of execution for their political plans." Muling naglakad ang binata, saka ako niyaya nito na sumama sa kaniya. "Why don't you come with us? We are having a family dinner. Dad will surely be in here sooner."
Nagpakawala ako ng hininga bago sumunod sa kaniya. Iwinaksi ko sa aking isipan ang mga nakita ko kanina dahil hindi naman iyon ang importante ngayon. Kinakailangan ko lamang makita ang kaniya ama dahil sa isang personal na bagay at pagkatapos niyon ay hindi ko na muling itatapak ang mga paa ko sa lugar na ito, kagaya ng dati.
Pumaroon kami sa isang bahagi ng bahay, salungat ng nasa ibaba, ang bahanging ito ay mas magaang kulay sa mata. Merong mga kurtinang kasing kulay ng pilak, at sa bawat pader ay merong nakadikit na bagay na nilalagyan ng mga kandila. Agaw pansin din ang isang house fire at sa taas naman nito ay isang family picture na kung saan naroroon din ako. Pero sa katunayan ay hindi nangyari ang bagay na iyon, ni kahit kailan ay hindi ko niyakap ang lalaking sadya ko ngayon.
Sa gitna ay naroroon ang pahabang mesa, merong anim na upuan at dalawa sa mga iyon ay may nakakuha na. Isang babaeng may itim na buhok na umaabot hanggang bewang ang nagse-cellphone, bakas sa ekspresyon nito ang pagkabagot. Nakasuot siya ng age-old jeans, habang ang nasa pang-itaas naman niya ay isang crop top na walang manggas na naging dahilan upang lumitaw ang kaniyang kaputian.
"Do I really need to take this off? Aren't we just going to take a picture together?"
"Yes, honey. I have told you for the nth time that your father needs to do this to make up his agenda. You can wear any loose shirt, a t-shirt will do. Anything that looks authentic."
"But I do still have things to do! I have to go livestream, and I am kind of late!" Pinaikot ng babae ang kaniyang mga mata. "How can you say that it is authentic if we only gonna wear it because of dad's agenda?" Napadabog ang dalaga, tumayo ito at pabalang na itinulak ang upuan na lumikha ng matinis na tunog na nakaiirita sa pandinig.
Tumayo rin ang kaniyang ina, may sasabihin pa sana ito nang mapansing may nagmamasid sa kanila. Tumigil din ang babae, ibinaba nito ang cellphone na hawak at tiningnan kami. Nilingon nito ang kaniyang ina na hindi makagalaw sa kinatatayuan, maya-maya ay lumapit ito sa akin at marahas na hinila ako. Bumabaon ang kaniyang matutulis na kuko sa aking balat, sinubukan siyang pigilan ng binata pero hindi ito nagpaawat, halos itulak niya ako pababa ng hagdan para lamang hindi ako makita, namumula ang kaniyang mukha sa galit.
Ang dalaga naman ay hindi makaimik sa tabi, kaliwa at kanan ang kaniyang tingin sa ina at sa akin. Hawak nito ang kaniyang cellphone nang mahigpit at kagat-kagat ang kuko. Hindi ito mapakali sa mga nangyayari, sinubukan nitong kunin ang cellphone gamit ang nanginginig niyang mga kamay.
"Don't you dare to do that!" Nalaglag ang telepono nito, mangiyak-ngiyak na pinulot niya iyon.
"No, call him!" Sigaw ng binata bago matalim na tiningnan ang kaniyang ina. "What the hell, mom? Why are you acting like this?!" Patuloy ako nitong hinihila.
"You should not interfere with other business, son!"
Nakarinig kami ng mabilis na mga yabag, iyon ang kasama nila sa bahay kanina. Sa tingin ko ay mauuwi lang sa wala ang pagpapanggap ng binata dahil sa mga nangyari, ngunit mukhang wala iyon sa mga iniisip niya ngayon. Desidido ito na makawala ako sa higpit ng hawak ng kaniyang ina.
"I have called dad," ang mga salitang iyon ang naging dahilan upang makawala ako sa babae. Sabay kaming napalingon sa dalaga na hawak ang cellphone niya na nakataas. "It is not like I do have any option, mom." Pinunasan nito ang kaniyang mga luha bago yumuko ito at saka umalis.
Pinagmasdan ko ang aking braso, namumula iyon at nagdurugo. Huminga nang malalim ang babae, ikinompustura ang sarili bago umalis na parang walang nangyari. Naiwan akong tulala habang sinasarili ang sakit ng ginawa niya. Wala akong kasalanan sa mga nangyari, ang asawa nito ang may dahilan ng lahat kung kaya bakit sa akin nito sinisisi at ibinubuhos ang galit niya? Ganon na ba ito ka-submissive sa lalaki kaya sa iba niya inilalabas ang mga masasakit na salita para lamang hindi matapakan ang sarili niya?
Hindi na bago iyon. Nagtatarabaho dati sa ibang bansa ang isa sa mga kapatid ng kaniyang ina at doon ito nakaranas ng pagmamalupit. Ang masahol pa rito ay kapwa babae rin ang nananakit sa kaniya na siyang sinasaktan din ng asawa nito. Nai-adopt ng babae ang pagiging sadista ng asawa kung kaya sinasaktan nito ang kasama nila sa bahay na umabot sa puntong ang kapatid ni mama ay sinasatan din ang kaniyang mga anak na parang dito binubuntong ang galit nito sa dating amo.
Sinubukan kong gawan ng justification ang mga nangyari. Kahit hindi ito ang pangunahing dahilan ng pagtungo ko rito, may parte sa akin na umaasa, nagbabakasakaling kahit ituring manlang nila akong isang tao.
"Here, let me." Iniangat ko ang tingin sa binata. Paulit-ulit itong humihingi ng tawad kahit hindi naman dapat. Nilagyan niya ng gamot ang sugat bago tinapalan ng band-aid. Mapapansin ang pagka-metikuloso nito sa ginagawa, magaan ang kaniyang mga kamay at mukhang sanay na sanay.
"There," ngumiti siya nang matapos ang ginagawa. "Looks like I have learned something in class, eh?" Pinagmasdan ko ang binatang seryoso sa kaniyang ginagawa. Pumatak ang pawis mula sa noo nito na kaagad niyang pinunasan gamit ang braso. Tumingala ito sa akin at natawa nang bahagya. Hindi dapat niya minamaliit ang sarili. Alam kong matalino siya at maabilidad mula pa man noon.
"Anong kurso mo?"
"Nursing, pre-med course," tumayo ang lalaki "You should be there...in my graduation."
Batid kong kahit hindi maayos ang pakikitungo sa akin ng kaniyang ina ay naging mabuti itong magulang sa kaniyang mga anak. Lumaking magalang at mauwain ang binata, alam kong kaya niyang abutin ang mga pangarap na naisin niya.
Dahan-dahan ang aking naging pagtango. Muling sumingkit ang kaniyang mga mata at niyakap ako. Muli akong naging tensyonado, ngunit nang lumipas ang ilang segundo, nakita ko na lamang ang sarili na niyayakap din siya pabalik.