Andie Gregorio “Darius…hindi, hindi p’wede.” Mabigat ang talukap ng mga mta ko, iminulat ko ‘yon pero malabo pa rin kaya pinunasan ko ‘yong muta. Malamig ang paligid, hindi kagaya ng kanina na kulang nalang ay isipin ko na nasa impyerno ako. Amputa kung hindi ka ba naman masunog nang buhay sa lugar na ito, ewan ko nalang. Unang naging malinaw sa akin ay ‘yong mga natuyong dahon na nasa itaas, mabuti nalang talaga hindi kami umalis dito. Wala naman kaming planong umalis, wala sa isip namin na dito nalang muna kami pero mas okay nga kung ganun ang gawin namin. “Hindi kita p’wedeng iwan…walang maiiwan.” Napataas ang kilay ko dahil sa mga narinig. Akala ko nag-iimagine lang ako na nagsasalita mag-isa si Sierra pero totoo pala, legit na mukhang tanga siya ngayon. Huh? Napabangon ako nang w

