Andie Gregorio Hindi ko alam kung ano ang nakamamangha: Ang katotohanan ba na merong mga taong nakasakay sa isang malaking drone o ang takot ko sa mga nangyayari kaya napa-dasal ako bigla. Siguro nga tama sila, na kapag alam mong wala kang laban sa problemang kinakaharap mo, magbabakasakali ka nalang na maririnig ka ng kung sinuman ang nasa itaas. Hindi naman ako maka-Diyos, siguradong wala na talagang option kanina kaya ko nagawa iyon. Kung meron lang paraan para makatakas sa kanila, maglaho nalang bigla para hindi nila maramdaman ang presensya ko ay ginawa ko na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tumatakbo. Parang kanina naman ay sobrang lapit lang ng distansya, pero ngayon, pakiramdam ko nakarating na ako sa buwan dahil sa walang tigil kong pagtakas sa mga alien na ‘yon. Ano p

