Andie Gregorio “Andeng, dito ka muna sa papa mo ha? Babalikan kita mamayang hapon.” Pilit na ngumiti ako sa babae, may hawak siyang manika na inabot niya sa akin pero nakatitig lang ako roon. Bagong bili, naka-kahon pa. Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng regalo, madalas kasi ay nakatitig lang ako sa mga laruan ng mga border namin at kapag may pagkakataon, ninanakaw ko sandali para makalaro rin ako. Kaya sobrang tuwa ko nang makatanggap ng regalo, pero hindi ko magawang ipakita iyon. Hindi ko kayang maging masaya dahil iiwan ako ng babae sa taong hindi ko kilala. Babalik daw siya mamaya, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot dahil kahit saan naman ay palagi ako nitong sinasama, tumutulong pa nga ako sa paglalaba. Tumingin sa akin ang lalaki, kinuha nito ang bag na d

