Memories

2049 Words

Andie Gregorio Tuluyan nang umalis si Sierra. Palubog na ang araw, pero hindi pa rin ako makapaniwala na tinuloy nga niya ang mga sinabi niya. Umalis siya rito na para bang wala siyang iniwan na taong halos mamatay na dahil sa uhaw. Napahilamos ako ng mukha at napahiga nalang. Ano bang dinadrama ko? Hindi ba ito naman ang gusto ko? Ginusto kong manatili rito at kahit anong pilit ng babaeng iyon ay nagmatigas ako. Hindi ko pa rin makalimutan kung papaano siya magsalita na para bang walang nangyari sa kaniya, na para bang hindi siya kailanman nawalan ng alaala. Ang tigas talaga ng mukha niya, sino kaya ang mas hindi nag-iingat at padalos-dalos ang desisyon kaysa sa akin? Hindi ko pa nga naikwento sa kaniya na may dinukot ang mga alien na ‘yon pero kung umasta siya, akala niya kakayanin niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD