Andie Gregorio Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa paboritong pwesto ni Sierra nang makarating kami rito. Walang taong nakaupo roon pero bakit may nakikita ako? Ilang beses ko nang kinusot ang mga mata ko pero nandoon pa rin siya, at sa tuwing susubukan ko nanmang pumunta roon at hawakan siya, tumatagos lang ang kamay ko. Napahilamos ako ng mukha, tangina nababaliw na ata ako. Simula nang dumating ako sa lugar na ito, wala nang matinong nangyari sa akin. Iniisip ko kung ano ang posiibleng dahilan at isa lang ang pumapasok sa isip ko: dahil sa magnanakaw ako. Kahit naman palagi kong isisi sa babaeng ‘yon ang dahilan kung bakit kami nandito, kahit pa sabihin ko na dahil masyado akong naging mabait sa kaniya kaya ako nadamay, hindi pa rin maalis sa utak ko na kasalanan ko rin

