bc

The Wedding Agreement

book_age18+
25
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
family
HE
second chance
arranged marriage
billionairess
heir/heiress
drama
bxg
serious
campus
office/work place
selfish
like
intro-logo
Blurb

Matapos, maikasal si Kari at Brian ang akala ni Kari ay magiging maayos ang lahat sa kanila ni Brian, hindi niya akalain na darating sa puntong aalilain siya nito, at babalewalain. Hindi sanay si, Kari na sumuko kahit ipagtulakan siya ni Brian palayo, wala sa bokabularyo nito ang madaling matalo. Kahit isang taon lamang ang agreement nilang iyon, ay hindi niya hahayaan na mauwi sa wala ang kasal na pinangarap niya noon pa. Ginagawa ni Kari ang lahat para mahalin siya ni Brian kahit alam niyang hindi siya nito mahal. Alam niya, Against ito sa kasal na gusto ng kanyang magulang, at dahil sa kultura na meron sila.. wala silang magagawa kung hindi sumunod sa napagkasunduan. Mahal nila ang kanilang magulang kung kaya't kahit gustohin man ni Brian na tumutol dahil hindi si Kari ang pinangarap na pakasalan ay sumunod siya sa kagustuhan ng kanyang magulang. Wala siyang nagawa kung hindi, talikuran ang pangako kay Sarah na magpapakasal sila. Saan nga ba hahantong ang pagpupumilit ni Kari na ayusin ang kanilang relasyon? Paano na si Sarah na pinakamamahal ni Brian?

chap-preview
Free preview
Chapter One (The wedding)
Maaga palang ay nagkukumahog na ang mga tao, sa mansiyon dahil sa pagdaraos ng kasal. Si Kari at Brian, na matagal ng magkababata ay kahit kailan hindi pumasuk sa isip na ikakasal silang dalawa. "Are you ready bro"? Tawag ng kapatid ni Brian na si Kain.. "No, not yet"! sagot nito, sa taong nasa pintuan ng kanyang kuwarto. Bigla niyang narinig ang mga yapak nito na papalapit sa kanya. "Duh!, paano ka mamatapos kung hindi ka naman kumikilos?? Bry? it's 9am already at 10am ang kasal mo, gusto mo bang malate"? sermon niya nito sa kanya. ngunit tahimik lamang itong nakaupo sa gilid ng kama habang, titig na titig sa singsing na hawak nito. Ito kasi ang engagement ring nila ni, Sarah na binalik sa kanya, matapos nitong sabihin na ikakasal siya sa iba. "Come on, bro" kumilos kana dahil malelate kana ulit pang sabi ni kain sa kanya. At dahil hindi nga ito kumikilos ay siya na mismo ang humila sa kapatid papasuk sa banyo upang makaligo na ito, walang nagawa si Brian kundi sundin ang gusto ng kapatid, hindi naman lingid rito na napipilitan lamang siya sa kasal na iyon, kasal dahil sa isang pangako. Habang nasa banyo si Brian ay, nag flashback sa kanyang alaala ang, mga nangyari sa kanila ni Sarah sa mga nagdaang taon hanggang sa huling sandali na magkasama sila. Nagkakilala sila ni Sarah, dahil sa pinsan nitong si Alden. College pa lamang sila noon, Electrical Engeeniring ang kurso nito, na ayaw na ayaw ng kanyang ama, dahil ang gusto ng ama para sa kanya ay siya ang mag manage ng nag-iisa nilang negosyo. Magkaklase sila ni Alden sa kurso napupusoan niya. Si Sarah naman ay, BA ang kursong nakuha. Sa mga taon nila sa college ay naging maayos naman ang takbo ng kanilang pamumuhay, hanggang sa nakilala ni Brian si Sarah at niligawan, kalaunan ay sinagot siya nito at inayang mag pakasal. Nang maka Graduate ang dalawa at nagkaroon ng trabaho, ay naisipan nilang magsama sa iisang bubong. Hindi alam ng magulang ni Brian ang ginagawa nito. Kung kayat wala silang balita sa nangyayari sa binata dahil noong nag-aral ito ng college ay naging independent na ito sa mga magulang. Nagkaroon ng construction business si Brian dahil sa sariling pagsisikap, samantalang si Sarah naman ay nagtatrabho sa isang kompanya. Nais ni Brian na ipakilala si Sarah sa kanyang magulang at ipaalam sa mga ito na ikakasal na sila, kung kaya't nag desisyon silang lumuwas ng Palawan para, maipakilala sa kanila si Sarah. "Sigurado kabang magugustuhan ako ng mommy mo"? tanonh ng nobya habang hawak nito ang kanyang braso. Nilipat ni brian ang kamay nito sa mga palad ni sarah na ngayon ay malamig marahil ay dahil sa nerbiyos na nararamdaman. "Ssshh, im sure magugustuhan ka ni mommy", mamahalin ni mommy ang taong mahal ko, wag kang mag-alala. sagot nito upang mawala ang kaba na nararamdaman ni Sarah, kasabay pa nito ang paghalik nito sa labi upang tuluyang mawala ang kaba nito. "Let's go"? Aya ni brian sa kanya. Tango lamang ang naging tugon ng nobya. At sabay na nilang inakyat ang hagdan papunta sa mansiyon na iyon. Naabutan nilang nakaupo sa sala si Doña Therese,habang kausap ang katulong, ng maramdaman ang prisensiya ng dalawa ay pinaalis agad nito ang katulong. "Ma? This is Sarah, my fiancee".. pagpapakilala ni Brian sa ina. "Im glaglad to.. , hindi pa man tapos si Sarah sa sasabihin ay nagsalita na ang Doña, "Hindi kita gusto para sa anak ko"!! may diin nitong sabi. "Ma!! suway ni Brian sa ina. Ano ba yang sinasabi mo?? tanong nito na may bahid na inis sa mukha. "Oh, bakit? may plano na ako para sayo, anak kung sino ang gugustuhin at pakakasalan mo". may diing sabi ng ina. At ako ang masusunod na sabagay na iyon, dagdag pa nitong sabi bago talikuran ang dalawa. Walang nagawa ang magkasintahan kung hindi ang umalis ng mansyon na may bahid ng lungkot at pagsisisi dahil hindi man lang naipagtanggol ni Brian ang nobya sa ina. Ilang buwan pa ang lumipas, ay patuloy parin ang magkasintahan sa pagsasama. Sa kabilang banda ay, nalaman ni Brian na nagkaroon ng sakit ang kanya ina. May Cancer pala ito at stage 3 na. Habang nachechemo ang ina ay isa lamang ang nasa isip ni Brian, dahil sa pagmamahal sa ina ay gagawin niya ang lahat ng naisin nito. lahat ng hilingin nito sa kanya ay kanyang susunduin kahit anong gustuhin ng ina makabawi lamang siya sa pagkukulang dito at mapasaya lamang ito. Binisita nito ang ina sa kanilang mansiyon at, kinausap. Hiniling ng Doña ang nag-iisang pangako nito na matupad. "Brian, anak? panimula ng doña habang nakaupo sa wheel chair at hawak ang kamay ng ina. "Yes ma? tugon ni Brian. " Diba sabi mo, lahat ng gusto kong hilingin sayo tutuparin mo"? panimula nito habang nakatingin sa malayo mula sa beranda.. tanaw na tanaw nito ang mga berdeng mga puno at langhap na langhap nito ang sariwang hangin sa mga oras na iyon. "Yes, Ma, everything na gustuhin mo ibibigay ko kahit ano"! walang pag-aalinlangan na sabi ni Brian. "Gusto kong tuparin mo ang pangako ko sa aking matalik na kaibigan bago ito namatay ay nangako ako sa kanila, na ako ang bahalang tumupad ng pangarap nila para sa anak nila, kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.. "gusto kong pakasalan mo si Kari anak"!! Masuyong sabi ng kanyang ina habang lumuluha, bigyan mo siya ng maayos at masayang buhay kasama ka. Dagdag pa ng ina nito. Walang nagawa si Brian kung hindi ang tumango at pumayag sa kagustuhan ng ina. Doon lamang niya nakita ang matatamis ng ngiti ng ginang. sa kauna-unahang pagkakataon mula ng magkasakit ito sa wakas ay nakakangiti na ito, at masaya na napapasaya niya ang ina. Pero sa kaloob looban niyon, ay ang lungkot sa kanyang puso kung paano pakikisamahan ang babaeng hindi naman niya lumubusang kilala. May bahid ng takot na mawawala sa kanya ang taong kanyang tunay na mahal, dahil sa naging desisyon nya. "Brian!!brian!! Are you done?!! sunod na sunod na katok ang nagpakigising kay Brian mula sa karaan. Boses ng kanyang ina ang kanyang naririnig marahil ay kailangan na niyang mag madali sa pagkilos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.2K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.3K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook