Sobrang kaba ang nararamdaman ni Kari, dahil sa wakas ay ikakasal na siya. Hindi niya lubos maisip na matutuloy ang kasal na ito, dahil ang buong akala niya ay ayaw sa kanya ng kanyang groom. Kahit magkababata sila ni Brian ay hindi naman sila magkasamang namuhay sa palawan. Mula kasi ng maaksidente at namatay ng kanyang magulang, namuhay na sila sa Cagayan kasama ng kanya tiyo at tiya, ang siyang tinuring na niyang magulang dahil ang mga ito ang nagpalaki sa kanya at tinuring na tunay na anak.
Maganda ang papalaki sa kanya ng kanyang mga kamag-anak nakapag tapos siya ng pagaaral sa kusong business management at nagtayo ng negosyo, frozen foods na ineexport pa sa iba't ibang bansa may mga planta na siya sa iba't ibang lugar ng pilipinas at napalago ang negosyo dahil sa kanyang pag sisikap. Bukod sa pagiging cumlaude noong college, ay nakaroon pa siya ng maraming rewards at nakilala sa bansa, dahil sa kanyang negosyo. Masasabi niyang successful na siya sa kanyang larangan, at handa na siyang magpakasal.
"Are you excited"? pang aasar sa kanya ni fina ang matalik niyang kaibigan, at makulit.
"Ayiieee" pang aasar nito habang kinikiliti siya nito sa kanyang tagiliran.
"ayytss" Tigilan mo nga ako. Nakasimangot niyang sagot. Halo-halo kasi ang kabang nadarama.
"Tapos kana iha"? dinig niya sabi ng kanyang auntie shiela, habang papalapit ito sa kanya at lumuluha.
"Auntie.. bakit ka umiiyak? magpapakasal lang ako hindi ako mawawala".. sabi nito sabay punas sa mga luha nito gamit ang sarili niyang palad.
Niyakap siya ng ginang. "Parang diko kayang makita kang ikakasal" anak, sabi nito. natawa naman siya ng payak sa sinabi ng ginang.
"Auntie kaya ko to, wag kang mag-alala, ako paba"? pabirong sabi niya rito. naikinatawa ng ginang.
"Sana ay maging masaya ang iyong ina, kung nakikita kaman niya ngayon anak". dagdag pa nito. siya naman nagpatahimik rito. "sana nga ay masaya sila ni ama" bulong pa niya sa kanyang isip.
"Kailangan napo natin magpunta sa simbahan" sabi ng coordinator. kasabay noon ay inalalayan siyang lumabas ng mansiyon, kasama ang kanyang auntie at bff nito. at kahit ikakasal nga ay hindi pa din niya nakikita ang kanyang groom. Siya lang ata ang ikakasal na hindi pa nakikita ang groom mula ng 12years old siya, mga bata pa lang sila noon huli silang nag kita.
At habang lulan ng sasakyan papuntang simbahan ay, di niya mapigilang magbalik tanaw nung nakaraan buwan ng malaman na ikakasal na siya.
"Anak, kung ayaw mo naman hindi ka namin pipilitin", sabi ng kanyang uncle ng malaman niya na pinapakasal siya sa anak ng bestfriend ng kanyang ina. Noong mga bata pa sila ay alam niyang may kasunduan ang mga ito na pag tungtong nila sa tamang edad ay ipagpapakasal sila, malaki ang naging utang na loob ng Mendez sa kanyang pamilya dahil, ay kanyang ama ang nagbubukod tanging tumulong sa mga ito noong panahon na lubog at pa bankcrupt na ang kanilang negosyo. Ang kanyang ama nagbayad ng utang nila sa banko, at nagbigay ng puhunan upang makabangon muli. At sa paglipas ng taon, hanggang sa naaksidente ang kanyang ina ay nag bitiw ng pangako ang best friend nito, na sila ang mag-aalaga sa kanya. Ngunit, mas ginusto ng kamag -anak ni Kari na nasa poder nila ang dalaga, at ituring itong tunay na anak, at nagpapasalamat si kari sa kanila dahil kahit wala na itong magulang ay hindi niya naramdaman na may kulang sa kanya hindi niya naranasan maghirap, dahil andiyan ang kanyang tiyo at tiya na nagsusuporta sa pangangailangan niya, dagdag pa ang suportang binibigay ng pamilya Mendez sa kanya.
"Guwapo siguro mapapangasawa mo", pukaw sa kanya ni Fina habang malayo ang iniisip. siko naman ang naging tugon niya rito, kahit saan kasi ay ang daldal nito.
"Excited akong makilala siya" dagdag pa nitong asar, "puwede ba manahimik ka, lalo akong kinakabahan sayo eh." sagot nito ng pabulong kahit dalawa lamang sila sa sasakyan na yun at hindi sila naririnig ng driver ay kailangan niyang bumulong rito.
"Ito, naman!! wag kang KJ".. alam mo naman na excited lang ako para sayo!! i love you bff, sambit nito sabay yakap sa kanya na naluluha pa.
"OA, ha?? tinalo mo pa si auntie sa pagiging madrama." Asar niya rito.
"Ssstkk" pagmamaktol ni fina sabay pinagkrus ang nga braso.
"Ayan na pala oh, malapit na tayo.." turo ni fina sa kanya, sabay lingon niya sa direksiyon na tinuro nito. Sunod-sunod na kabog sa dibdib ang kanyang naramdaman, hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa sobrang kaba niya ay kulang na lamang himatayin siya.
Agad na binuksan ang pinto ng kotse, ng isa sa mga koordinator, Dalawang tao ang umalalay sa kanya makalabas ng kotse at inayos ang kanyang suot na gown. Samot-sari ang kanyang iniisip, una na doon kung ano ang itsura ng kanyang groom, pangalawa ay kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nagkita sila. dahil after 16 years ay ngayon lamang niya ito muling makikita. At ikakasal pa nga sila. Hindi naman lingid sa kaalaman niyang tumutol ito na pakasalan. hindi niya alam kung bakit nagbago ito ng isip.
Narinig niyang nagsisimula na ang marching song at nakahelera na ang nga bridesmaid at mga pares nito na mag marcha.
At hindi nga nagtagal ay siya na ang magmamarcha, papasuk ng simbahan.. Agad napalitan ang music ng ibang kanta.. Noong una ay hindi pa niya maiintindihan ang lyric na ito ng biglang naalala niya ang favorite song ng kanyang ama na madalas kantahin nito sa kanyang ina, agad ay nagunahan ang patak ng kanyang mga luha, umagos mula sa kanya mata..
habang nag mamarcha siya ay hindi niya mapigilang hindi humikbi..
"Wise men say..
only fools rush in..
but i can't help falling in love with you...
kanta ng mga choirs ng simbahan.
habang lumuluha siya palapit sa kanyang groom, ay sinalubong siya ng kanyang tiyo at tiya na tumatayo na kanyang magulang.. nakita niya ang groom sa harap malapit sa pari, hindi niya maaninag ang reaksyon nito dahil sa basang basa ng luha ang kanyang mga mata. Pinunasan ng kanyang tiya ang luha na nababalot sa mata niya, habang papalapit sa altar ay tuloy-tuloy parin ang pagkanta ng mga choirs...
Shall i stay..
would it be a sin..
if i can't help fallin in love with you...
like a river flows,
surely to the sea..
darling so it goes..
something are meant to be...
at habang palapit ng palapit ang kanyang hakbang sa kanyang groom ay hindi niya inaalis ang pag titig dito, hindi niya nababakas ang kasiyahan sa mukha ng lalaki, habang nakatingin ito sa kanya at sinasalubong ang kanyang mga titig.. na lalong nagpakaba sa kanya, at sabay tanong sa sarili kung tama ba ang ginagawa niya?
Siya ang unang bumitaw sa mga titig na iyon hindi matiis na titigan ng matagal ang lalaki dahil sa madilim na mga tingin na iyon..
Nang makalapit, ay hinagkan siya ni doña therese.. habang tuloy tuloy ang kanta ng mga choirs, at inisip niya na sana ay totoo nalamang ang pagmamahal na meron sila ni Brian.
"Take my hand..
take my whole life too..
for i can't help falling in love with you..
Pagtatapos ng kanta... at pagsisimula ng seremonyas ng kasal.