Chapter Three (First Night)

1057 Words
Sa Reception, ay hindi mapigilan ni Kari na kabahan sa mga kinikilos ni Brian. Ramdam kasi nitong napipilitan lamang ito makipag-halubilo sa ibang bisita. "Congrats"... bati ng nga bisita sa kanila, at ngiti lamang ang naging tugon nila sa mga ito. "Let's go.. uwing-uwi na ako. Pag-aaya ni Brian kay kari, kahit ayaw pang umalis ni kari ay napilitan na itong pumayag. "Wait mag-papalam muna ako kay auntie" paalam niya rito. hinayaan siya ni brian na makapag-paalam sa kanila pati narin sa kanyang mother in law, kay doña Therese. "Why? it's too early iha", wika ng ginang.. "Si Brian po kasi nag-mamadali ng umuwi" pagdadahilan nito, na siyang ikinatuwa ng biyanan niyang lalake si Don Alfredo. "Ibigay mo na sa kanila ang gabing ito, mahal".. bulong sa ginang na may ngiti sa labi.. agad naman nainitindihan ng ginang ang ibig sabihin ng asawa. Siniko nito ang asawa dahil sa mga iniisip nito. Alam niyang hindi magiging madali ang pagtrato ni Brian kay Kari dahil sa sapilitang pagpapakasal niya sa dalawa. Pero alam niyang darating ang araw nag magiging masaya ang dalawa, hindi niya gugustuhin na may ibang makikinabang sa yaman ng mga Mendez bukod kay Kari, dahil noon paman ay pangako na niya ito sa kanyang best friend. Ayaw niyang mapunta sa wala ang pinapaguran nila ng asawa niya, malaki ang naging utang na loob niya sa kaibigan kung kaya't ibibigay niya ang lahat ng nararapat para kay Kari. Tumayo ang Doña at lumapit sa anak na si Brian, "Bakit kaba nag mamadali iho? hindi pa tapos ang okasyon". Sabi ng doña. "Ma, im tired, may bukas pa naman na makakasama mo si Kari, gusto ko munang magpahinga sa ngayon at mausap siya. Pagdadahilan nito sa ina. Agad naman sumang-ayon ang doña. Hinayaan nitong mauna na itong makauwi ng mansiyon. Sa MANSYON.. ay hindi mapigilan ni Kari na kabahan. hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil first time pa lamang niyang makakaranasan ang ganito. "Never been kissed, never been touched" ang ganda ni Kari. at no boyfriend since birth ang lola mo. Nagkaroon siya ng ka M.U noong college pero na ghosting naman. Pumasuk siya sa kuwarto na tinuro ni Brian kanina kung saan sila matutulog? hindi niya alam kung sila ba o siya lang ang matutulog sa kuwarto na iyon. dahil mula ng nakauwe sila, ay hindi na niya nakita si Brian sa mansyon. Napatingin siya orasan na nasa bed side table. Pasado, Ala-una na pala ng umaga gaano ba siya ka tagal sa banyo mag-ayos ng sarili. hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang paulit ulit na nag toothbrush halos dumugo na ang gilagid niya dahil sa kakakuskos.. Masayado siyang kinakabahan sa First night nila ni Brian. Pero mukhang, siya lang ang umaasa na may mangyayari sa kanila ngayong gabi, dahil ang asawa niya ay hindi niya nahagilap kung nasaan. Pinikit na lamang niya ang mga mata ng makatulog, at bukas na lamang niya ito tatanungin kung saan ito nang galing. Yun ay kung makakausap niya ito ng maayos, ng hindi nakakunot ang noo sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay parang sasabog ang lalaki kapag kaharap niya ito. Samantala... Hindi malaman ni Brian kung saan niya pupuntahan si Sarah alam niyang ito ang nakita niya kanina sa reception, si Sarah iyong nakita niya nakatingin sa kanya kahit naka disguise ito ay kilala niya ang tindi ng dating nobya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at paano niya ito kakausapin, nakabuo na siya ng mga plano, kung paano siya babalikan ng dating nobya ang gusto na lamang niya ay makausap ito. Galing siya sa apartment ni Sarah ngunit wala doon ang dalaga, marahil ay nasa mga kaibigan niya ito nagpapalipas ng gabi. Alam niyang nasasaktan niya ng lubos ang dalaga at handa siyang huminge ng tawad sa dalaga bumalik lamang ito sa kanya. Habang nagdadrive ay nakaramdam na siya ng matinding pagod. Kung kaya't naisipan niyang umuwe na lang muna para mag-pahinga. Inabutan niyang tulog na si Kari, sa kanyang kuwarto. Si Kari. ang kanyang asawa oras palang ang nakakalipas. Wala siyang nararamdamang pagmamahal sa dalaga kahit, pa sabihin na lalo pa itong gumanda sa pag daan ng panahon, ngunit iba parin ang alam niyang nilalaman ng kanyang puso. Bukas ay lilipat na sila sa kanyang apartment sa Manila, nandoon ang trabaho ni Brian kung kaya't doon na sila titira kasama si Kari. Tinititigan niya si Kari habang mahimbing itong natutulog, iniisip na sana ay si Sarah ang katabi niya ngayong gabi. Sana ay si Sarah ang asawa niya. Hahaplosin niya sana ang pisngi ng dalawa ng bigla itong gumalaw. Agad siyang nagising sa binabalak na gawin. Ayaw niyang pagsamantalahan ang asawa, kahit na asawa lamang niya ito sa papel. Ayaw niyang magkasala kay Sarah. Tumayo siya at kumuha ng extrang kobre kama sa kabinet nilatag ito sa sahig. Sa sahig siya matutulog ngayon gabi total naman ay, bukas aalis na sila sa mansiyon, Hindi niya parin alam kung paano sisimulan mamuhay kasama ang babaeng hindi niya lubusang kilala at mag sasama sa iisang bubong. Kinabukasan... Nagulat si Kari sa tunog ng alarm clock mula sa kanyang cellphone. Kinapa niya ito at pinatay. alam niyang kailangan na niyang bumangon at pagsilbihan ang asawa, ito ang unang araw na pagsisilbihan niya ito pati narin ang kanyanh biyanan. Minulat niya ang mata, at tumingin sa paligid, wala siyang katabi natulog? Nasaan si Brian? tanong niya sa sarili, nang ibababa na niya ang mga paa mula sa kama, ay nakita niya si Brian sa sahig at mahimbing na natutulog. Matagal niya itong tinitigan, kung gaano kaamo ng mukha nito kapag tulog, ay siyang sungit nito kapag gising. bulong nito sa sarili. Hindi niya mapigalan ang humanga sa binata, ng makita niya ito sa simbahan sa mismong araw ng kasal nila ay humanga na siya sa binata, na ngayon ay asawa na niya hindi niya akalain na ganito ka guwapo ang napangasawa niya. Sana lamang ay tratuhin siya ng tama ng lalake. Tumatak na sa kanya na gagawin niya ang lahat para maging masaya ang pagsasama nila ng asawa. Hahaplosin sana nito ang buhok ng asawa ngunit gumalaw ito, kung kaya't naiwan na nakahang ang kanyang mga palad, natawa na lamang siya sa naiisip na gawin. Tumayo na siya ng tuluyan, at dahan-dahan lumabas ng kuwarto upang magsimula na siyang pagsilbihan ng almusal ang kanya bagong pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD