Chopsuy.. fried egg, fried bacon, vegetable salad
At menudo ang limang klaseng putahe na nakahain sa lamesa ang pinagkaabalahan niyang lutuin. Bukod pa doon ang mga prutas na ihahain mamaya. Ito kasi ang unang araw nila ni Brian bilang mag-asawa kung kaya't gusto niyang ipagdiwang ito kahit katatapos lang ng selebrasyon kahapon. Habang nag aayos sa mesa ay nakita niyang pababa ng hagdan ang biyanan na babae, sinalubong siya nito ng mahigpit na kayap at halik sa pisngi.
"Nakapag-luto na po ako Auntie", paalam niya rito.. agad naman sumimangot ang ginang sa narinig.. "Iha, mommy or Mama na ang dapat mong itawag sa akin, matagal ko ng gustong marinig sayo na tawagin mo ako ng mommy, alam, mo naman na pangarap kong magkaroon ng anak na babae diba? at ikaw iyon ang binigay sa amin ng Ama.! mahabang paliwanag nito, hindi maalis kay Kari ang mag-alangan dahil, nahihiya parin siyang tawagin ng ganon ang biyanan.
"Please, i want to hear it iha".. pakiusap ng doña na may pag-susumamo sa kanya.
"Okey, Mommy"! sambit ni Kari na may hiya, napatili naman sa tuwa si doña Therese
"How about me?? I want you to call me daddy iha" sabi ng biyanan na lalake habang pababa ito bg hagdan. "Sure dad", salubong na yakap nito sa biyanan. Walang hanggang pasasalamat sa diyos ang bulong niya sa sarili..dahil biniyayaan siya ng mababait na biyanan. Sa tingin niya ay kay Brian na lamang siya mahihirapan sana ay mapaamo niya ang lalaki. Tungkol naman sa kapatid nito ay mabuti naman ang trato nito sa kanya. Alam niyang may pag aalinlangan parin ito, sa kanya, pa sasaan ba't makakabonding niya rin ito.
"Wow, niluto mo ba itong lahat iha"? tanong ng doña. habang paupo ito sa hapag kainan.
"Yes ma, gusto ko sanang pagsilbihan kayo kahit sa pagkain lang.. paliwanag ni Kari.
"No need iha, alam mo naman kung gaano kahalaga sa amin ang pagpayag mo na mag pakasal kay Brian, ang tanging hiling ko lang sayo ay habaan mo ang pasensiya mo sa kanya". sabi ng Doña. Hindi na lamang siya sumagot sa sinabi ng ginang dahil nakita niyang pababa na ng hagdan ang asawa.
"Goodmorning, bri.. Bati niya rito ngunit hindi lamang siya pinansin nito, dumaan lamang ito sa harap niya.
"Bri, umayos ka infront of your wife" saway ng daddy nito. "Im sorry dad, tugon Brian.
"Goodmorning, bati nito kay Kari ngiti na lamang ang tinugon nito sa asawa kahit may kaunting kirot sa puso nito, pakiramdam niya ay napahiya siya sa harap ng biyanan dahil sa inasal ng kabiyak sa kanyak.
"Okey, Let's eat?" aya ng Doña sa kanila, at sabay sabay na silang kumain.. kita niyang ganado kumain si Brian sa mga luto niya at puro papuri naman ang natatanggap niya sa mga biyanan. Ang asawa naman nito ay tahimik lamang sa mga sinasabi ng magulang, wala siyang ka reareaksyon sa mga papuri nito sa kanya. Pagka-tapos silang kumain, ay inaya si Brian ng kanyang ina na mag-usap, Si Kari naman ay umakyat sa kanilang kuwarto at inayos ang kanyang mga gamit, dahil gusto ng lalaki na maaga silang lumawas ng manila. Hindi man siya sanay tumira sa siyudad ay makikibagay siya, kung siya kasi ang masusunod ay dito na lamang siya sa palawan titira dahil sa kanyang trabaho,.. kahit naman saan siya dalhin ay may mga branches siya ng business niya sa ibat ibang lugar, at kahit hindi siya pumasuk sa opisina ay kumikita siya araw-araw. At magagawa parin niya ang kanyang trabaho.
"Let's go,? Aya ni Brian sa kanya ng makita itong nakaayos na siya at handa ng umalis.
"Yeah, tanging sagot niya sabay hila ng kanyang maleta. Hindi siya nitulungan ni Brian na buhatin ang kanyang gamit bagkus ay tumawag ito ng katulong na magbubuhat ng gamit niya. Hinayaan na lamang niya ang mga ito.
Habang pababa siya ng hagdan ay nakaabang na sa kanya ang kanyang mga biyanan, marahil ay para mag paalam.
"Pinagbaon kona kayo, iha kapag nagutom kayo sa airport ay yun nalang ang kainin niyo", paalala ng doña. "Yes, ma.. thank you po". sagot niya rito.
"And you? sabay turo kay Brian ang lagi kong paalala sayo anak? wag mong kalilimutan ok"? paalala nito sa anak, tango lamang ang naging tugon nito sa ina, sabay alis at nagtungo na ito sa sasakyan. Huling yakap pa ang binigay ni Kari sa mga biyanan, bago niya ito iwan.
Samantala... Alam ni Sarah na wala na siyang karapatan kay Brian dahil may asawa na ito. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para, pumunta sa reception ng kasal ng dating nobyo. Gusto niya kasing malaman kung totoo bang ikinasal na nga ito, Galing pa siya ng manila dahil doon ang kanyang trabaho, kasama niya si Brian na tumira sa iisang bubong kahit may sarili siyang apartment. iniwan niya ang apartment sa palawan para lamang makasama ang lalaki at maghanap ng trabaho sa manila, ang kanyang ama ang patuloy na nagbabayad ng kanyang dalawang apartment kahit kaya naman niya itong bayaran mula sa sariling bulsa ay hinahayaan niya ang ama na gawin ito para sa kanya. Alam niyang nakita siya ni Brian, kaya dali-dali siyang umalis sa lugar na iyon dahil alam niyang hahabulin siya ng lalake. Masama ang loob niya sa lalake dahil hindi man lang siya nagawang ipagtanggol nito. Nang araw ding iyon ay bumalik siya ng manila. Nasa plano na niya ang lumipat ng apartment kung saan hindi siya mahahanap ni Brian. Gusto na niyang tuluyang kalimutan ang binata. Ayaw na niyang maghabol pa sa lalaki dahil alam niyang siya lamang ang masasaktan sa huli. Tanging hiling na lamang niya ay makalimutan niya agad ang dating nobyo, kung kaya, niya itong gawin. Sana lang ay magawa niya at hindi mag-bago ang isip nito kapag nag krus ang kanilang landas. Naiisip na rin niyang mag resign sa trabaho at mag apply sa iba, pero bago mangyari iyon ay kailangan niya munang unahin ang ibang bagay na mas importante sa kanya, at iyon ay ang makalipat ng bagong matitirahan. Kasama niya ngayon si Alden ang pinsan ni Brian, matagal na silang magkaibigan nito kung kayat alam na nito ang mga iniisip at nararamdaman niya.
"Sarah? ayus ka lang ba?" Pukaw ni Alden sa kanya, dahil siguro ay pansin nito ang pananahimik niya.
"Oo naman, bakit"? tanong ng dalaga. "Sure kabang ayos ka lang talaga"? paulit-ulit na tanong ng binata. "Oo nga, ulit na sagot nito.
"Hindi ka okey, tignan mo nga yang ginagawa mo, inaayos ko yang tinutupi mo ginugulo mo naman ang ginagawa ko, paano ka matatapos"? Asar nitong sagot. Napatingin siya sa mga nakalatag na gamit sa kama, inaayos nga pala nila ang iilan niyang gamit na dadalhin sa kanyang pag-lipat. Dahil marahil sa lalim ng pag-iisip ay nawala na ito sa sarili.
"Im sorry, den".. bulong nito. Lumapit sa kanya ang binata at inalo-alo ito, dahil hindi mag-tatagal ay bubugso na naman ang kanyang luha.
"Andito, lang ako para sayo trust me.. makakayanan mo din ang lahat".. sabi nito, upang kumalma siya. Napatingin ito sa gawi niya at pilit na ngumiti.
"Thank you, for always here for me.. sana lage ka lang andiyan? please" pag susumamo nito..
Kasabay nito ang pag buhos ng kanyang mga luha.. Hanggang kailan kaya siya mapapagod sa kakaiyak para lamang makalimutan ang taong minamahal.