Chapter five (House Rules)

1385 Words
Nakalipas ang maghapon ay sa wakas nasa Manila na sila ni Brian. Kita niya sa mukha ni Brian ang pagod sa biyahe. Pumunta sila sa parking lot ng airport at doon ay kinuha ng asawa ang nakaparadang sasakyan nito, nilapitan niya ang guard na nagbabantay doon at may inaabot. Huminto sa harap niya ang sasakyan ng asawa, nakatayo lamang si Kari sa nakahintong sasakyan ng biglang businahan siya ng asawa. "Hoy, ano ba? sasakay kaba o iiwan kita"? asar pa nitong sabi bigla ay natauhan ito sa narinig. binuhat niya ang mabigat na maleta para isakay sa compartment ng sasakyan nito, ni hindi man lang siya tinulungan ng asawa kung kaya't ganon na lamang ang inis niya ng pabagsak niyang sinara ang compartment. "Ano ba, nang-aasar kaba"? Asar nitong tanong kay kari. Irap lamang ang sinagot ng babae sabay sakay sa likod ng sasakyan. "At gagawin mo pa, talaga akong driver mo"? naiinis na tanong nito, sa babae kung kaya't napilitan si Kari na lumipat ng upo sa harapan. Habang nasa biyahe, ay samo't-sari ang tumatakbo sa isip ni Kari, isa na doon kung matatagalan ba niya ang ugali ng lalake, paano kung lage lamang silang mag-aaway nito at hindi sila magkakaintindihan. Hanggang kailan kaya siya tatratuhin ng binata na parang wala siyang kuwenta. kahit na anong gawin niya ay hindi niya masasagot ang mga tanong na nasa isip nito, dasal na lamang niya ay sana maging maayos ang lahat sa pagitan nila ni Brian. Natigilan si Kari sa pag-iisip ng huminto ang sinasakyan nito, sa isang magarang bahay sa loob ng subdivision. Halos magagandang bahay ang nasa kanyang paligid at isa na doon ang bahay ni Brian. "Ibaba mo mga gamit mo", utos nito sa kanya ng maka-baba ito ng sasakyan. Walang nagawa si Kari, kung hindi sundin ang utos ng hari. Nang makuha ang gamit sa compartment ay agad siyang pumasuk sa loob ng bahay, namangha si Kari sa ayos ng bahay nito dahil kahit lalaki siya ay malinis at maayos ang bahay ng lalaki. Wala pang ilang minuto, ay tinawag na siya ni Brian, at pinaupo sa sopa kaharap sa inoupuan nito. "May ilan akong house rules sa bahay ko, panimula ni Brian. "Una wag kang papasuk sa kuwarto ko, kahit na anong mangyari" "Pangalawa, wag mong gagalawin ang gamit ko ng hindi ko sinasabi." "Pangatlo, ang kuwarto mo ay nasa guest room dito sa 2nd floor. may sarili kang bathroom, at lahat ng gamit na kailangan mo, wag mo lang pakialaman ang privacy ko". "Wag mo akong ituring na asawa, dahil hindi din kita ituturing na asawa ko." Pagtatapos nito sa mga nais niyang sabihin. Sa lahat ata ng sinabi nito ay ang pinaka huli sa lahat ang tumatak sa isip nito, ang wag siyang ituring na asawa. Masakit man ay sumang-ayon siya sa kagustuhan ng lalaki. Hindi pa man nag-iinit ang puwet niya sa pagkakaupo ay, nasasaktan na siya sa inaasal ng lalaki, makakayanan kaya niya ang mga susunod pang sakit.? Nang matapos sila sa kanilang naging usapan ay, Itinuro ni Brian sa kanya ang magiging kuwarto nito, kahit maganda at maaliwas ang kanyang bagong kuwarto, ay may lungkot na gumuguhit sa kanyang mukha, hindi niya lubos maisip na pinasuk niya ang ganitong problema sana lamang ay malagpasan niya ito, ng mag-isa. Nagising si Kari, mula sa tawag sa kanyang cellphone hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa pag-iisip sa naging usapan nila ni Brian kanina. Kinuha niya ang cellphone at tinignan ang caller si Fina, agad niya itong sinagot. "Hello," "Hi newly wed? kamusta ang honeymoon bes"? pang-aasar nito. "Sana nga, totoong may honeymoon" bulong niyang sagot rito! "Omg, so what do you mean?? walang ganap ganon?, as-in hindi ka na bumbum??" pangungulit na tanong ni Fina. Natatawa naman si Kari sa mga sinasabi ng kaibigan, marahil ay nahampas na niya ito kung kaharap lamang niya ito. "By the way, naayos mo na ba ang schedule ko about sa mga branches natin dito sa manila"? pag-iiba nito ng topic. "Yes, and after 3days ay may mga schedule kana ng orientation, at presentation ng mga new product natin, na marelease sa market by end of the month, nag send na din ako sa email mo ng mga new design ng packaging natin at kung anong mga products ang need palitan ng packaging, i need your reply, asap para ma rush yung pag-papalit ng packaging dahil, kailangan pa ng approval sa taas ng napili mong design bago marelease". And lastly, yung request mong sasakyan ay puwede ng madeliver sayo anytime basta ibigay mo lang ang address. nakahanap nadin ako ng apartment malapit sa workplace para makasunod na ako diyan sayo." "Good, good job, bes" yan. na lamang ang naging tugon nito sa mga nireport nito sa kanya. "Ooppss, hindi pa ako tapos", putol nito sa gagawin niya, dahil alam ni fina na bababaan niya ito ng tawag. "Yes? pag-aalangan niyang tanong sa kaibigan, "Hay naku, wag kang chacharot-charot diyan, sagutin mo nalang kasi yung tanong ko? ano na bakit walang nangyari sa inyo ng asawa mo? di ka niya trip?? Naku baka naman lalake ang trip niya?" pang-iinis nitong sabi. "Anong trip mo"? pati ba naman yan, naiisip mo pa.? hay naku, saway nito sa kaibigan. Sabay pindot ng endcall. Kahit tapos na niyang kausapin si Fina ay pumapasuk parin sa isipan nito, ang huling sinabi ng kaibigan, baka nga may ibang gusto ang lalaki, at hindi siya, baka nga katulad niyang lalaki rin, ang gusto nito?? dahil sa pag-iisip ng hindi maganda ay nasabunutan niya ang sarili. "ahhh, Fina!! kung ano-ano kasi ang pinapasuk mo sa utak ko"! pagalit niyang sabi kahit hindi naman niya kaharap ang kaibigan. Bumaba si Kari, upang magluto ng hapunan. Naisip niyang buksan ang ref, at maghanap ng lulutuin. wala naman naka saad sa house rules na bawal mag luto diba? tanong niya sa sarili. nagugutom na siya kaya't gusto na niyang magluto ng kakainin nila ni Brian. Nang makita na walang laman ang fridge kundi puro alak at sofdrinks, ay nakuntento na lamang siya sa cup noodles na nasa kabinet, kailangan niyang mag grocery para sa pagkain nilang mag-asawa. Speaking of asawa, hindi parin mawala-wala sa isip nito ang huling usapan nila ni Brian kanina, na wag itong ituring na asawa, hindi niya alam, kung bakit ganon na lamang ang inis nito sa kanya. Habang kumakain siya, ay nag ring ulit ang kanyang cellphone, ang biyanan niya ang caller. "Hello, ma?"bungad niyang sagot sa tawag. "Nakarating naba kayo iha"? Kumain naba kayo? sunod-sunod na tanong ng Doña. "Yes, Ma nasa bahay na po kami, hindi pa po kami kumakain dahil wala pa akong malutong pagkaing dito, siguro bukas na ako magluluto kapag nakapamili ako. sagot niya sa kabilang linya. ”Yung pinadala kong food na pinabaon ko sa inyo,nakain niyo ba? By the way may ipapadala akong food sa inyo on the way na siya.. yan nalang ang kainin niyo ngayon at bukas okey"? sabi ng doña. "Yes ma, thank you" sagot ni Kari sabay patay ng tawag. Nang maalala ang sinabi ng biyanan ay kinuha niya ang blue na bag kasama sa kanyang mga bagahe. nakalimutan na niyang may pagkain nga pala silang dinala, sana ay hindi pa napanis ang mga ito. Inilabas niya isa-isa ang mga iyon at binuksan ng makita ang laman sa loob at tinignan kung panis naba, ay nilagay niya sa ref ang iba na alam niyang maari pang initin bukas. Maya-maya ay may nag doorbell, naisipan niyang pag buksan ito, dahil baka ito na ang magdedeliver ng pagkain nila at hindi nga siya nagkamali, ng makuha na niya lahat ng pinadeliver ng biyanan, ay tinawagan niya ito at nag pasalamat. Dali-dali siyang umakyat sa taas upang tawagin si Brian ngunit bigo siya walang Brian na nag bukas sa kanya ng pinto. Lumabas siya upang hanapin ang lalaki napag-tanto niyang wala ang sasakyan ng binata, sa garahe. Saan na naman kaya ito nag punta? tanong ni Kari sa sarili. Sa huli ay pinili nalamang ni Kari na kumain mag-isa. Nang matapos ay binuhat niya ang ganyang bagahe at dinala sa kanya kuwarto. Una niyang kinuha ang laptop at nagbukas ng mga emails. Lumipas pa ang ilang sandali, ay unti-unti na niyang tinapos ang ibang gawain sa trabaho na dapat ay sa susunod na araw pa niya gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD