Hindi malaman ni Brian kung saan hahanapin si Sarah, mula ng nakabalik siya kanina galing palawan ay agad na siyang umalis para hanapin si Sarah, nagpunta siya sa Apartment nito ngunit wala na raw ito doon. Hindi niya makontak si Sarah dahil pinapatayan lamang siya nito ng tawag. Hindi na niya malaman kung ano ang gagawin, para makuha muli ang loob nito at magtiwala sa kanya, hindi niya kayang bitawan si sarah dahil mahal na mahal niya ito. Nakabuo na siya ng plano kung paano niya mapapayag ang dalaga na balikan siya, Alam niyang mali ang kanyang gagawin at siguradong ikagagalit ito ng pamilya niya ngunit, ito nalang ang paraan para bumilik ang dalaga sa kanya.
Lahat na ata ng possibleng lugar na puwedeng puntahan ni Sarah ay napuntahan na niya ngunit walang sarah ang nagpakita sa kanya. Isa nalang ang lugar na hindi pa niya napupuntahan kung saan ito nagtatrabaho pero wala na siyang oras para tumuloy pa doon gabi na at kailangan na niyang magpahinga. Ayaw niyang umuwe sa kanyang bahay kung kaya't nagtungo siya sa kanyang opisina, dito niya naisipan magpalipas ng gabi. Bukas na lamang siya uuwe sa bahay at kailangan niya makausap si Kari, sa iisip niyang plano.
Kinabukasan... Nagising si Kari sa tunog ng Alarm clock nasasanay na siya sa ganon routine, ang magising ng maaga para mag asikaso ng almusal kahit noon pang dalaga siya, ay siya ang nagluluto ng pagkain para sa kanyang tiyo at tiya, madalang lang siyang makauwe ng palawan kung kaya't sinusulit niya ang bawat oras na makasama ang mga ito at mapagsilbihan. Bumangon na siya sinimulan ang kanyang morning routine, saka na ito nag-tungo sa kusina upang mag-asikaso ng almusal sumilip siya sa garahe ngunit wala pa doon ang sasakyan ni Brian para siyang nadismaya dahil hindi pala ito umuwe kagabi. "Ganon, na lamang ba ang galit, nito sa akin dahil ayaw na niyang umuwe sa sarili niyang pamamahay"? bulong ni Kari sa sarili.
Sa kabilang banda... Maagang nagtungo si Brian sa opisina ni Sarah, wala pa ang dalaga kung kaya't hinintay na lamang niya ito sa lobby. Lumipas pa ang ilang minuto ay nakita na niyang dumating ito, sinalubong niya ito ng yakap, nagulat pa ang dalaga sa nakitang itsura nito, walang ligo at mukhang hindi pa kumakain ,naawa siya sa nakikita niya sa dating nobyo mukha kasi itong misirable. "Sarah, please kausapin mo ako, give me 5 minutes para magpaliwanag sayo, please, My love?" pagsusumamo ng lalaki sa kanya. Ngunit hindi natinag si sarah sa pakiusap ng lalaki tinalikuran niya ito at tuloy-tuloy ang pag pasuk sa elevator, akma pa siyang hahabulin ni Brian ng hinarangan na siya ng guwardiya. Walang nagawa si Brian kundi ang umalis sa lugar na iyon na masama ang loob, dasal nalang niya na sana ay bigyan siya ni Sarah ng pagkakataon na makausap niya ito.
"Boss, ayos ka lang ba? tanong ni Thor isa sa mga empleyado ng kanyang kompanya na malapit sa kanya. Tinapik pa siya nito sa balikat dahil parang hindi man lang niya narinig nito.
"Napabaling naman ang tingin si Brian sa lalaking tumapik sa kanya, malayo kasi ang narating ng kanyang pag-iisip kung kaya't hindi niya namalayan na may mga tao na pala sa harap niya na nakatingin sa kanya. "Boss ayos ka lang ba"? tanong muli ni Thor sa amo. Tango lamang ang naging tugon nito. Inabot ni Thor ang blue print na hawak at pinakita sa amo, kung ano ang magiging plano sa construction site na hinahawakan nilang project. Malawakan ang proyektong ito kung kaya't kailangan niya itong tutukan at isa lamang siya sa mga engineer na humahawak sa proyektong ito. Dahil mahalaga para sa kanya ang project na iyon, kahit wala pa siyang ligo, tulog at pahinga ay dumiretso na siya sa site para makita ang progreso nito dahil halos apat na araw din siyang nawala. Heto, nga at bumalik man siya ay wala naman sa isip niya ang trabaho.
"Boss, magpahinga ka muna halata kasing pagod kana", walang pag-aalinlangan sabi ni Thor. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagsimula ng maglakad, nais na muna niyang suriin ang buong construction site bago siya umuwe. Nakasunod naman sa kanya si Thor, at naka-abang sa kung ano man ang sasabihin nito o ihahabilin sa kanya. Nang makitang nasa ayos naman ang lahat, ay nag desisyon na siyang umuwe, ngunit bago pa siya makasakay ng sasakyan ay sinabi niya kay Thor na tawagan siya Alden kung sakaling mapadaan ito sa site. Alam niyang si Alden ang susi para malaman niya kung nasaan si Sarah isa si Alden sa mga Engineer na humahawak sa project kaya alam niyang mapapagawi ang Pinsan niya roon.
Sa kasalukuyan.. nakapag-linis na ng bahay si Kari. Naisipan niyang mag grocery kung kaya't nag book siya ng grab papuntang mall. Nang may narinig na busina akala niya ay ang Grab na binook niya ang dumating, patakbo pa siyang lumabas ngunit na gulat siya ng si Brian ang dumating. Hinintay niyang makalabas ng sasakyan si Brian.
"Bri,? Ah aalis lang ako sandali para mag grocery, paalam niya rito, habang napako ang tingin sa mukha nito.. nababanaag niya kasi ang pagod ang lungkot sa mga mata ng asawa. Alam niyang ayaw siya nito, pero dapat ba ay maging ganito ang kilos ng lalaki? parang pinaparusahan lamang nito ang sarili niya.
Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng asawa, tulad ng nangyari kahapon sa mansiyon ay dinaan lamang siya nito. Nakasunod naman sa kanya si Kari na may halong awa at hindi alam ang sasabihin sa asawa.
"Nagugutom kaba? Gusto mo pag-hain kita? Nagpadala ng food si mommy kagabi, gusto mo ba initin ko"? sabi ni kari. Ngunit mapang-uyam na tingin lamang ang pinukol ni Brian sa kanya.
Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tubig, saka umakyat sa taas, dala ang isang baso at pitchel ng tubig. "Wag kang susunod sa akin"!! babala ni Brian sa babaeng kaharap. Walang nagawa si Kari kundi ang tignan na lamang ito habang paakyat ng hagdan papunta sa kanyang kuwarto. Nang hihina ang mga tuhod na napahawak sa upuang kahoy at doon ay umupo siya, hindi mapigilan ang sarili na hindi mapaluha dahil sa inaasal ng asawa. Ilang minuto pa ang lumipas ng makarinig ng busina mula sa labas. dali-dali siyang lumabas ng bahay ay sinara ang pinto.
Habang nasa biyahe siya papunta mall kung saan siya mamimili, naisip niyang tawagan si Fani. "Hello, bes? bungad nitong sabi ng sagutin nito ang tawag niya. "Ipadeliver mo yung kotse sa mall na sasabihin ko sayo, ibigay mo yung number ko doon sa agent na kausap mo, para pagdating doon sa lugar ay matawagan niya ako" paliwanag nito sa kausap. Ilang sandali pa silang nag usap ni Fani bago niya patayin ang tawag. Kahit hindi pa dapat ay gusto na niyang bumalik sa pag tatrabaho hindi siya tatagal sa ganoong pakikitungo sa kanya ng asawa, kaya kahit ayaw iya pa sanang bumalik sa work at nais niya munang pagsilbihan ang asawa ay kailangan na niyang, umiwas nalang muna dito.