Chapter Seven (Agreement)

1021 Words
Kakatapos pa lamang ni Brian na maligo, ay nakatanggap siya ng text mula kay Sarah. Taranta siyang kinuha ang cellphone at agad binasa ang text nito. "Magkita tayo sa Plaza hotel mamayang 7pm". Agad naman nitong ni replyan ni Brian may kasama pang "I love you at I miss you" sa text. Wala naman naging reply si Sarah sa huling text ni Brian. Naghintay pa ng ilang minuto si Brian dahila baka mag reply pa ito pero bigo siya. Nagdecide na lamang siyang matulog na, upang makapagpahinga ng mahaba, Atleast para sa kanya ay masaya na siya na pumayag si Sarah na gusto niyang pakiusap rito. Ipapaliwanag niya lahat sa nobya, ang lahat at gusto niyang mangyari. Kababalik palang ni Kari mula sa pamimili, at dala na niyang ang bagong sasakyan nito Vios. Marahil ay magugulat si Brian kung bakit may bagong sasakyan sa Garahe nito. No choice siya kung hindi bumili ng bago dahil wala naman siyang magagamit na sasakyan dito sa Manila. Ayaw niyang maging pabigat sa lalaki kapag may sariling lakad siya na kailangan puntahan lalo pag tungkol sa trabaho sa klase kasi ng work na meron madalas ang meeting at orientation nito sa labas, kung kaya't malaking bagay ang may sarili siyang sasakyan, pero gagawin parin niya ang lahat makuha lamang ang loob nito. Isa-isang binaba ni Kari ang mga pinamiling Grocery at pinasok sa loob ng bahay. Napatingin pa siya sa suot na relo, pasado alas singko na pala ng hapon. Kailangan na niyang magluto ng Hapunan nila ni Brian. Naiisip niya tuloy kung tulog o gising naba ang asawa, napatingala pa siya sa taas at pinapakiramdaman ang sarili kung may yapak ba siyang naririnig. nang mapag tantong wala lang iyon, ay isa isa na nitong nilabas sa plastic ang lulutuing ulam, at saka nilagay sa lababo. Inuna na muna niyang i lagay sa kabinet lang ng groceries bago simulan ang pagluluto, ilang sandali pa ang lumipas ng biglang may nagsalita mula sa likuran nito, dahil sa gulat ay muntik niya pang mabitawan ang hawak na tupperwear paglalagyan sana niya ng hihiwaing gulay. "My god"!! bakit kaba nang gugulat!? singal nito kay Brian. "Sorry, hindi ko sinasadya. hingi nitong paumanhin. siya man ay natahimik dahil sa pag hingi ng tawad ni Brian, marahil ay nagulat ito sa inasal niyang pag singhal dito. "Maari ba kitang kausapin sandali"? Pag-aya ni Brian sa kanya Inaya niya ito sa sala. doon lamang napansin ni Kari ang brown envelope na dala nito. Meron itong nilabas na dalawang papel na galing sa envelope na iyon, ang isang kopya ay inabot sa kanya. "AGREEMENT" yun ang unang salita na nabasa niya na nakasaad sa papel na hawak niya. Pero bago pa niya mabasa ang kabuoan na nakasaad doon ay, Nagsalita na si Brian. "Look Kari, ayaw kong mag mukhang masama sayo o sa pagsasama natin na'to kahit ikaw ayaw mo din siguro itong arrange marriage na ito diba? unless kung noon pa ay gusto mo na? pero kung ako kasi ay hindi ako masaya sa sitawasyon natin na ito, napilitan lamang ako na pakasalan ka dahil kay mommy, hindi kita mahal Kari, wala akong kahit na anong pag-mamahal sayo, si Sarah ang girlfriend ko, si Sarah ang mahal ko at gusto kong pakasalan. Nakipag-hiwalay siya sa akin kahit ayaw ko, kaya gumawa ako ng paraan para bumalik siya sa akin, please Kari itong agreement na ito lamang ang paraan para maniwala si Sarah na mahal ko siya, naiintindihan mo ba ako? may boyfriend kaba? puwede mong balikan ang boyfriend mo basta pagkatapos ng 1year na pag-sasama natin mag devorce na tayo." Paliwanag ni Brian habang nakatingin kay Kari na may pagsusumamo. Matagal bago sumagot ang kausap, marahil ay hindi pa nag sisink-in sa kanya ang lahat ng sinabi nito. Nakatitig lamang siya sa hawak na pape na nasa kanyang harapan. "Agreement" "Walang kahit anong rason para sa deborsiyo. Matapos ang isang taon pagsasama kung nanaisin mag hiwalay ng magkaparehong panig walang tututol sa desisyon ng bawat isa." ito ang nakasaad sa papel na iyon. May mga bagay siyang gusto linawin kay Brian gusto niyang malaman kung bakit siya nagpakasal gayon may may nobya naman pala ito. "Bakit ka pumayag na makasal tayo"? tanong ni Kari. "Dahil kay mommy, alam mong may sakit siya cancer, nang gumaling siya at natapos niya ang chemo niya nangako ako sa kanya na bawat hilingin niya ay tutuparin ko, at isa na doon sa mga hiling niya ang maikasal tayo, gusto ko siyang makitang masaya kaya kahit ayaw ko sa plano niya pumayag ako" "Paano kung ayaw kong pumayag sa agreement na to?" "Wala kang magagawa, gagawin ko parin ang lahat bumalik lang si Sarah sa akin" "Nasisiraan kana ba? paano kung malaman ito ng magulang mo"? "Walang makakaalam nito dahil tayong dalawa lamang ang nakakaalam sa kasunduan na yan." unless may mabanggit ka kay mommy". "Ipaglalaban ko ang karapatan ko,dahil asawa mo ako"!!! "Wala kang karapatan sa kin dahil hindi kita mahal!! asawa lang kita sa papel!!" Huling nasabi ni Brian saka iniwanan si Kari na umiiyak. Walang nagawa si Kari, kundi ang umiyak habang tanaw si Brian na lumabas ng bahay kasabay niyon ang narinig niyang tunog ng pag andar ng sasakyan na nagpapahiwatig na umalis na ito. Naiwan siyang nakaupo parin sa sofa na umiiyak, ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong sakit, ang ayawan ng kanyang asawa na akala mo ay may malala itong sakit para layuan siya. Inayos nalang niya ang mga ulam na sana ay lulutuin niya para sa kanila ni Brian, binalik niya sa ref lahat ng nilabas niya kanina, total ay siya na naman mag isa ang maiiwan ngayong gabi mag papahinga na lamang siya, nawalan na siya ng ganang kumain dahil sa nangyari. Gusto niyang mag isip. Ang mag isip ng tama ang tanging makakapag bigay linaw sa kanya ng lahat. Isa na doon ay kung tama pa bang manatili siya sa piling ni Brian gayong araw palang ang binibilang mula ng maikasal sila, para sa kanya masyado pang maaga para sumuko, pero anong ipag lalaban niya gayong ang taong gusto niyang ipaglaban naman ang nagtataboy sa kanya palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD