Sa loob ng kotse, ay tahimik na nagpapakiramdaman ang dalawa. Walang gustong manguna kung sino ang unang magsasalita. Hindi alam ni Brian kung paano sisimulan na sabihin sa dalaga ang iniisip nito. Mula ng sinundo niya ito sa Plaza hotel ay kahit isang salita mula rito ay wala siyang narinig.
Ahmm.. pukaw ni Brian sa katahimikan.
"I know, na di mo magugustuhan itong sasabihin but please, pakinggan mo muna ako"? pakiusap nito habang nakatingin kay Sarah. Hindi naman umaalis ang tingin ni Sarah paharapan, o kung saan man nakabaling ang tingin nito, ayaw niya kasing dumako ang tingin niya sa direksiyon ni Brian. Tahimik parin ito, at ayaw mag salita.
"I've Talked Kari already, sinabi ko sa kanyang mag dedevorce kami after One year, at pakakasalan kita", doon lamang dumako ang tingin ni Sarah ng marinig nito ang salitang kasal.
"Are you for real? sasaktan mo ang asawa mo ng dahil lang sa akin"?
"Alam na niya ang lahat, na hindi ko siya mahal!! ikaw ang mahal ko, She already know the truth and we have agreement about this!!" Paliwanag ni Brian. Umiwas ng tingin ang dalaga sa kanya, itinuon nito ang tingim sa labas ng sasakyan. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin o iisipin. Mahal niya si Brian, mahal na mahal pero kasal na ito at ayaw niyang maging kabet.
"So? anong plano mo? maghihintay ako ng isang taon, bago ka bumalik sa akin? tanong ng dalaga sa kausap ngunit naka tingin parin ito sa malayo.
"No, it's not like that, gusto kong ituloy kung anong meron tayo, tulad ng dati walang magbabago sa atin dalawa. kung ano noon, hanggang ngayon ganun parin, wag mo akong iiwan please"? pag mamakawa nito sa dalaga. Kasabay ng pag mamakawa nito, ay kinuha niya ang kamay ng dalaga at pinagsalikop nito ang kanilang mga palad.
"Please, my love? please forgive me, ma-aayos din ang lahat". Dagdag pa nito.
Walang nagawa si Sarah, kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ng nobyo. Sa nakikita niya kay Brian ay determinado itong ayusin kung ano man ang meron sa kanila, Mahal na mahal niya ang nobyo kung nakikita niya itong lumalaban para sa kanila ngayon, ipaglalaban din ito sa paraan na gusto niya.
Niyakap niya si Brian at marahan na hinalikan sa labi. Nabigla man si Brian sa pag halik ni, Sarah sa kanya ay sapat ng sagot iyon mula sa nobya na pumapayag siya sa kagustuhan nito. Sa huli ay hinalikan niya pabalik ang dalaga, naging mapusok ang naging palitan nila ng halik, halos walang may gustong humiwalay sa naghihinang nilang mga labi, naputol lamang ang kanilang halikan ng pareho na silang halos mapugto na ang hininga, ganon nila na miss ang isa't-isa.
Nilisan nila ang lugar na iyon, kung nasaan man sila. Na may ngiti sa labi. Bumalik sila sa kanilang pinanggalingan sa Plaza hotel, isa din itong condomium at dito ang dalaga pansamantalang nanatili habang wala pa itong mahanap na mauupahan. Mabuti at pumayag ang kaibigan nito na mag stay muna siya sa condo nito habang nasa ibang bansa ito.
"Dito ka nalang matulog please"? Aya ni Sarah sa nobyo habang nasa sala sila at nag mo-movie marathon. Tumango ang binata, dahil gusto din niyang makasama ang dalaga ng matagal.
Hindi nag tagal ay nag aya na itong matulog, at sabay na silang pumasuk sa kuwarto, Doon ay ginawa nila kung ano ang dating ginagawa ng magkasama, ang tanging nais lang ay ang maipadama sa kung gaano nila kamahal ang isat isa. Ayaw na nilang isipin sa ngayon ang darating na bukas ang mahalaga sa kanila ay masaya sila.
__________________________________
Maagang nagising si Kari at nagluto ng almusal. Alam niyang wala pa ang asawa dahil hindi niya nakita ang sasakyang ng asawa sa garahe. Habang hinahain ang pagkain sa mesa ay may kumatok sa pinto, nagtungo siya doon upang mapag buksan ang dumating.
"Hi po, ako po si Editha ang pinadala na makakasama niyo dito. ni Doña Therese". Paliwanag ng dumating. Inaasahan na ito ni Kari dahil bago paman ito dumating ay tumawag ang kanyang biyanan na ipapadala daw itong katulong.
"Sige po, tuloy po kayo." Pag-aaya ni Kari at nilakihan ang bukas ng pinto. Alam ni kari na kabisado na ng katulong ang bahay na ito ni Brian dahil dati-rati daw ay siya ang naglilinis sa bahay na ito, kuwento ng kaniyang biyanan, kaya pumayag ito dahil stay out ang work niya at sa malapit lamang ito umuuwe.
"Ikaw po pala ang asawa ni sir Brian"? Tanong ng may edad na babae kay Kari, ng makapasuk na ito sa loob ng bahay. Ngiti lamang ang naging tugon niya rito. Dirediretso ito sa kusina, at sisimulan na sana ang trabaho ng pinigilan ito ni Kari.
"Ah Manang, kain po muna tayo"? Aya niya rito. Ah, sige mauna kana. tanggi ng matanda. "Halika na wala akong kasabay, kaya mag sabay na tayo". pagpupumilit ni Kari. Sa huli, ay pumayag ang babae at nagsimula na silang kumain ng sabay.
Napasarap ang kuwentuhan ng dalawa kung kaya't hindi na nila namalayan ang oras natutuwa kasi si Kari sa kakulitan ng matanda. Kahit may edad na, ay kitang kita sa kanya ang kasiglahan nito at mukhang walang iniindang problema.. Natahimik lamang sila ng may papasuk na sasakyan sa loob ng Garahe.
"Si sir Brian na po ata yan?, tanong ni Editha. Napalingom din ito sa gawi ng Garahe, at namataan niyang pababa na ito ng sasakyan.
Nabutan sila ni Brian sa kusina, nabigla pa ito sa pamilyar na mukha na nakangiti sa kanya, siya naman lapit ni Kari sa kanya at hinalikan ito sa labi.
"Hi, hon? Tapos na work mo? tanong nito sa asawa, napilitan tumango at ngumiti si Brian kahit naguguluhan sa inaatok ni Kari.
"Sir, goodmorning po. Bati ni Edith sa amo habang nililigpit ang kalat sa mesa na mga hugasin. Tango lamang ang naging tugon nito sa matanda sabay akyat patungo sa silid nito.
Kahit nagugulohan ang matanda sa inaasal ng amo ay binale-wala na lamang niya ito, naisip niyang baka wala sa mood ang among lalaki.
"Maam, gusto niyo po paghain ko si sir"? Tanong ni Edith sa among babae habang tinatanaw ang asawa paakyat sa silid nito. "Sige ate, susundan ko muna siya sa taas", paalam ni kari dito.
"Brian? Tawag ni Kari habang kumakatok sa silid nito. Limang minuto na siyang nasa harap ng pintuan ng silid nito at nakakasampung beses na niyang tinatawag ang binata ngunit wala siyang naririnig na sagot mula sa asawa. Naiisip niyang baka galit ito sa kanya dahil sa ginawa nitong paghalik sa lalaki kanina. Nang kumatok muli ito, at wala paring nakukuhang sagot mula sa lalaki, ay naisipan na lamang niya bumaba. Nakaka tatlong hakbang pa lamang siya ng hagdan ay narinig niya ang pag bukas ng pinto. Nakita si Brian na bagong ligo at maaliwas na ang itsura niyo, ibang iba sa Brian na nakasimangot ang mukha kapag kaharap siya.
"WHAT? WHAT!!! pukaw ni Brian kay Kari, dahil mukhang naging tuod ito sa harap niya.
"what do you need? tanong muli nito sa kaharap.
Nagising naman ang diwa ni Kari, mula sa ilang minutong pag iimagine sa harap ng Asawa.
"Ah, nakahanda na yung pagkain" sabi nito habang nakayuko sa kaharap. Busog ako, kumain na ako kasama si Sarah.
Sa narinig, ay parang tinutusok ng karayom ang dibdib, dahil sa kirot na nararamdaman. "SARAH AGAIN"! bulong ng kanyang isip. Ayaw na nga sana niyang ongkatin pa ang naging usapan nila sa nagdaan na araw, ngunit mukhan kailangan nila itong pagusap ng maayos.
"Can we talk"? Aya ni Kari kay Brian. Sa huli ay tumango ang lalaki, "Go to my office now"!! Utos nito kay Kari saka tumalikof at naglakad papunta sa opisina nito.
Pag pasuk sa looba, ay hindi na nagpaligoy-ligoy si Brian, hindi pa man nakakaupo si Kari ay nagsalita na agad ito. "Need to clarify something to you"! Sabi nito na parang naiinis, "Don't kissed me again"! Saway niya rito. Ang kaninang naka yuko na babae, ay napaangat ang tingin dahil sa narinig.. "Apektado ba siya sa halik ko"? Bakit siya naiinis"? Mga tanong nito sa sarili na gusto niyang magkaroon ng kasagutan. Sa huli ay nanahimik na lamang siya.
"Sorry, pero diba dapat maging sweet tayo sa harap ng kasama sa natin sa bahay"? kilala siya ni mommy mo, baka magsumbong siya sa mommy mo kapag nag-papanggap lang tayo na mag-asawa. mahabang paliwanag ni kari kay Brian. Nakita niyang matagal bago nag-isip ang asawa, at mukha naman nainitindihan nito ang naging dahilan niya. "Pero, ang totoo naexcite itong nakita nung dumating ito kanina, kung kayat bigla niya itong nahalikan sa labi."sa hindi malaman na dahilan ay parang gusto niyang maging maayos ang pagsasama nila ni Brian at gusto niyang e work out kung anong meron man sa kanila ng binata. Napatanong tuloy siya sa sarili kung ano ba ang e wowork out niya ay wala nga palang sila.. pumirma na siya sa aggreement, may mag babago paba??