Lumipas pa ang ilang buwan, ay ganon parin ang naging Routine ng dalawa araw-araw.
Uuwe si Brian sa bahay nito pag gabi, Pero umaalis din, dahil doon ito natutulog sa condo ni Sarah. Si Kari naman ang naiiwan sa bahay at nag dadahilan sa katulong kung bakit lagi itong wala. Iba't ibang dahilan na ang kanyang ginawa para lamang mapaniwala ang kasambahay na maayos ang pagsasama nila. Parang si Sarah na ang naging asawa ni Brian dahil sa naging set up nila. Umuuwe lamang ang lalaki sa sarili niyang bahay kapag may kailangan ito, walang magawa si Kari, sa kagustuhan ng lalaki. kahit masakit ay alam nito ang lugar sa puso ni Brian. Hindi niya kailanman mahihigitan ang pagmamahal nito kay Sarah.
Nasa isang parke siya kasama ang kaibigan na si Fina, inaaya niya ang dalaga na mamasyal para naman magkaroon siya ng peace of mind sa sarili. sa mga nagdaan na buwan kasi ay halos hindi na siya nakakatulog ng maayos, sa mga ginagawa ni Brian, naalala nga niya ang nangyaring sagutan nila nung minsan kinausap niya ito..
"Bri, can we talk? tanong niya rito ng dumating ito galing sa trabaho."Bakit, ano yun? inis na sagot ni Brian sa kanya. At alam niyang wala ito sa mood.
"Si mommy kasi inaaya tayong umuwe ng Palawan para sa anniversary ng Parents mo"
Imbis na sagutin ay tinalikuran lamang siya nito, at dire-diretso na umakyat sa kuwarto. Naiwan si Kari na nakaawang ang bibig. Naiinis siya sa inaasal ng lalaki, Dahil sa galit ay umakyat siya sa silid nito dire-diretso itong pumasuk sa loob ng kuwarto ng lalaki.
"Bri,? Bri? Harapin mo ako!! bulyaw nito rito.
"Wag, mo akong sisigawan naririnig kita"!! Bulyaw na balik ni Brian kay Kari.
"Naririnig? naririnig mo pala ako bakit hindi ka sumasagot? ano? napipi kana?" Tinalikuran siya ni Brian.
"Kinakausap pa kita!! sabay pigil nito sa braso ng lalaki, dahilan para humarap ito sa kanya.
"Don't touch me!! sita nito saka iniwaksi ang kamay ni Kari. Nagbigla si Kari, kaya't nasampal niya si Brian dahil sa pagiging arogante nito sa kanya. Sa bigla ay, natulala si Brian sa ginawa sa kanya ni Kari, narealize na lamang na nasampal siya nito ng ilapat ni Kari ang palad nito sa pisnge niya. "BRI, i- im- im sorry" mangiyak-ngiyak nitong sabi. "Im sorry" ulit nito. Ngunit nanlilisik lamang ang mata ng lalaki habang naka tingin sa kanya."File the devorce now"!!! utos ni Brian sa kanya. Saka siya nito tinalikuran at muling umalis. Walang nagawa si Kari kundi ang umiyak ng palihim at kimkimin lahat ng sakit nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit pa siya nagtatagal sa sitwasyon na meron siya. Alam niyanf hindi niya deserve na tratuhin ng ganon ni Brian. Mayaman siya, at kaya niyang mabuhay ng mag-isa, pero bakit hindi niya maiwan ang lalaki laging nag-papasakit ng damdamin niya. Paano niya sasabihin sa Auntie niya na hindi siya masaya sa Marriage na meron siya.
"Hoyyy" pukaw sa kanya ni Fina. Nagising siya sa pagbabalik tanaw. Humarap siya sa kaibigan at kinuha ang juice na inaabot nito sa kanya.
"Thank you" tipid niyang sabi.
"So? What now"? panimulang tanong ng kaibigan. Nasa isang sulok sila ng plaza, habang umiinom ng juice. naupo sila sa isang bench na gawa sa bato. May mangilan-ngilan na bata nag lalaro ng sa slides at duyan. Walang masyadong tao sa plaza na iyom kung kaya't nakakapag-usap sila ng maayos.
"I don't know". tipid niyang sagot habang nililibot ang mata sa paligid. "What"?? Anong hindi mo alam"? pukaw ni Fina sa atensiyon niya. Umayos siya ng upo at hinarap ang kaibigan, gusto niyang huminge ng advice mula rito.
"Tanga ba ako kung sabihin kong nasasaktan ako, sa ginagawa ni Brian sa akin"? We already married for 5 months but, si Sarah parin ang kasama niya gabi-gabi. I don't know how kung paano ipapaliwag sa biyanan ko na yung anak nila sa ibang babae umuuwe, tapos gusto ng biyanan ko na magka-apo sa akin eh, wala nga nangyayari sa amin ng anak niya" mahabang salaysay ni Kari sa kaibigan na parang lahat ng sama ng loob ay sinabi niya rito.
" Then, you have choice.. Devorce him". Maikling sagot ng kaibigan. Hindi na kailangan ng paliwanag dahil yun lang ang paraan para makalaya sa marriage na meron siya, pero bakit ayaw niyang gawin? May nararamdaman ba siya para sa asawa? Sa sinabi ni Fina ay parang natauhan siya, Kung niyang Kausapin si Brian na ibigay nalamang sa asawa ang kalayaan na gusto nito. Pero bago niya gawin iyon ay kailangan niya munang makausap ang Auntie niya. Kailangan niyang umuwe ng Palawan para makausap ito at madalo na rin sa Anniversary ng biyanan niya, pero paano kaya niya maisasama si Brian sa pag uwe niya?.
________________________________
Nag desisyon si Kari, na Umuwe muna ng probinsiya. Nakabuo na siya ng plano kung ano ang idadahilan sa biyanan niya kapag hinanap nila ang asawa at kung bakit hindi ito nakasama sa kanyang pag-uwe. Habang nag-aayos ng mga dadalhin na damit ay, may kumatok sa kanyang silid. Alam niyang si Brian iyon wala namang ibang tatawag sa kanya dahil kanina pa nakauwe ang kasama nilang katulong sa bahay, tatlong araw na din mula ng hindi sila nag uusap ng lalaki. Agad niya itong pinagbuksan ng pinto.
"Yes"? malumanay ng tanong sa lalaki.
"Kailangan na nating umalis ngayon" Sabi ni Brian. Napakunot ang noo niya dahil sa hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Brian.
"Kailangan na natin umuwe, ngayon sa palawan, tumawag si mommy pinapauwe na tayo. Napanga-nga siya sa narinig, sasama ito sa kanya sa paguwe. "Ah, as in now"?! ulit nitong tanong na hindi makapaniwala. "Bingi kaba"? Asar nitong sabi Kay Kari. "No-Akala ko bang-- hindi na niya natuloy ang sasabihin ng pinigilan na siya ni Brian na magsalita. "I give you 5 minute to prepare"… Saka ito tumalis at umalis sa harap niya.
"Dali-daling nag ayos si Kari, mabuti ay kasalukuyan na siyang nag eempake bago siya kinausap ni Brian, ang kailangan nalang niyang gawin ay mag bihis. Natapos siya saktong 5 minutes, ay may kumatok muli sa pinto ng kanyang kuwarto, ng buksan niya ay Nabungaran niya ang lalaki, na may dala na din itong mga gamit. " Let's go, wag kang pabagal-bagal nag hihintay na ang chopper sa atin"..sabi ni Brian. Saka siya nito iniwan na tulala.
"What"? chopper? tanong niya sa sarili.. ano daw?
Agad niyang kinuha ang bagahe na dadalhin saka hinabol si Brian na palabas na ng bahay.
"Wait!! bakit sa chopper?? Ayaw ko! Maktol ni Kari Natatakot kasi siyang sumakay ng Chopper Mas gusto pa niyang mag eroplano.
"Wala kang choice, chopper ang mabilis at madaling paraan para makauwe tayo agad". Ayaw kong maghintay sa airport ng matagal may lakad kami ni Sarah bukas". Paliwanag ni Brian. "Its Sarah again"!! bulong ni Kari. "Okey fine, mauna kanang umuwe bukas nalang ako, sayang yung ticket ko".. paliwanag nito. "No, We need to go home na magkasama yon ang gusto ni mommy"! bulyaw ni Brian sa kanya. "Paano naman ang gusto ko"!! bulong ni Kari sa sarili.
Sa huli ay walang nagawa ni Kari kundi ang sumama sa asawa. Dasal na sana ay maging safe ang magiging biyahe nila.
Nang makarating sila sa opisina ni Brian ay Umakyat sila ng rooftop, doon ay nakita ni si Alden ang pinsan ni Brian at may kasama pa itong isang kaibigan nila at mukhang ito ang magiging piloto ng Chopper na kanilang sasakyan papuntang Palawan.
Akmang lalapitan siya ni Alden at hahagkan sana sa pisnge ng pumagitna si Brian sa kanila at, nilayo siya sa pinsan nito. Kunoot noo siyang, napatingin kay Brian dahil sa inasal nito., Agad siya nitong hinila at inalalayan paakyat ng Chopper, sumunod si Brian sa kanya, saka na din sumakay si Alden. Kasama pala nila itong luluwas ng Palawan. Inabot ng lalaking kasama ng Piloto ang kanila mga gamit, Si Alden na ang nag-abot ng mga iyon at nilagay sa kanyang tabi. Sinuotan Ni Brian ng HeadPhone, sa bigla ay napa pikit siya dahil sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya. Maya-maya pa ay ramdam niya ang pag-angat ng Chopper, bigla siyang napakapit ng mahigpit sa braso ni Brian habang nakapikit, sa sobrang kaba. Ayaw niyang bitawan ang lalaki, Baka himatayin siya kabado na siya namamawis na ang palad niya sa takot na nararamdaman na anytime ay bigla silang bumagsak. Naramdaman niyang inakbayan siya ni Brian na para bang sinasabing Ayos lang ang lahat, unti-unti ay nagdilat siya ng mata. Namangha sa nakikita sa kanyang paligid habang umaangat ang choppe, namamangha siya nag liliwanag na ilaw sa baba. Kahit naging stable na ang lipad ng Chopper ay naka akbay parin si Brian sa kanya. Ayaw naman niya itong sitahin dahil baka mag iba ang mood nito, naiisip niyang kaya siguro naka-akbay si Brian sa kanya ay dahil nakikita sila ng Pinsan niyang Alden, kailangan nilang mag panggap na in love sila sa isa't-isa.
Napalingon siya sa gawi ng asawa, napansin niyang malalim ang iniisip nito, kahit hindi siya mag-tanong ay alam niyang isa lamang ang nasa isip ng kasama. "It's Sarah, and Yes.. Sarah Again".
Nasasaktan siya pero hindi niya kailangan ipakita. Kailangan niyang itago ang lungkot na nararamdaman, sa lahat ng taong nakakakilala sa kanya except sa kaibigan niya. Naisip niyang sana ay magawa niyang paibigin si Brian yun ang goal niya na mahalin siya ni Brian pabalik. Kailangan niyang ipaglaban ang karapatan sa asawa, kahit meron pa silang Aggreement nito.
Ang tanong niya sa sarili, paano niya iyon gagawin? paano siya mag-sisimula kung ang asawa naman ang lumalayo sa kanya. Magagawa pa ba niyang mapa-ibig ito?