Ligtas naman silang nakarating ng Palawan. Sa airport ng Palawan ay doon sila ibinaba ng Chopper, may naghihintay na agad sa kanila, ang driver ng mga Mendez. Nagtaka pa si Kari kung bakit dalawang sasakyan ang dala ng mga ito gayong tatlo lamang silang sasakay hindi ba sila kasya sa isang sasakyan? tanong niya sa sarili, ng makuha ang kanilang gamit at maisakay sa sasakyan ay na una ng sumakay si Alden, may inabot pang susi ang driver kay Brian para doon sa isang sasakyan, saka siya giniya ng lalaki pasakay doon. Hindi na siya nag tanong sumunod na lamang siya sa trip ng asawa. Pero may tanong sa isip kung magkaaway ba sila ni Alden?
Nang maging ayos na ang lahat ay umalis na sila sa airport na iyon. Naunang umalis ang sasakyan kung saan naka sakay si Alden, sila naman ay naka convoy lang sa mga ito.
Habang nasa biyahe, binasag ni Brian ang kanilang katahimikan."We need to talk, sabi nito" Tumango lamang si Kari, at inaabangan ang ano mang sasabihin ng asawa. "Kailangan natin, magpanggap na maayos ang pag-sasama natin sa pamilya ko." panimula ni Brian.
Napalingon si Kari sa gawi nito. "Anong gusto mong gawin ko?" tanong niyang may pagtataka.
"Maging sweet ka sa akin sa harapan ng pamilya ko, gawin natin na kunwaring masaya tayo, Gagawin lang natin kapag nakikita nila tayo o kapag andiyan sila, ano? kaya mo ba"? Tanong ni Brian. Saglit na nag isip si Kari, bago sumagot.
"Kaya ko, pero may kondisyon ako, may hihilingin akong pabor sayo pag-uwe natin ng Manila" sagot naman ni Kari, pumayag si Brian sa kondisyon ni Kari kahit hindi pa niya alam kung ano ang gusto nitong hingiin na pabor rito.
"Can i ask, you something?" Tanong si Kari sa kanya.Nag-isip muna si Brian bago sumagot.
"Yeah". pag sang-ayon nito.
"Kaya ba, inakbayan mo ako kanina nung nasa Choppee tayo dahil nandoon yung pinsan mo? Saka bakit tayo gumamit ng ibang sasakyan"? Tanong ni Kari.
"We need, privacy.. And yes kailangan kong ipakita ang ganon dahil andoon siya, Don't worry hindi ko na ulit yon gagawin except kapag nasa harap tayo ng mga relatives ko. Paliwanag nito habang nakatingin sa tinatahak na daan habang nag mamaneho.
May gumuhit na naman na sakit sa puso ni Kari, sakit na lagi niyang nararamdam kapag nasasaktan ang kalooban niya at dahil ito kay Brian. Binalot sila ng katahimikan, halos walang gustong magsalita sa kanila hanggang sa nakarating sa Mansion.
__________________________________
Samantala sa Mansiyon ng mga Mendez ay abala ang lahat sa preparasyon para sa gaganaping Anibersyo ng Mag asawang Mendez. Ngayon ay disperas ng kanilang anibersaryo at inaasahan na nila ang pag dating ng ibang kamag anak para sa gaganapin salo-salo kinabukasan. Naging abala ang lahat ng tao sa mansiyon lalo na si Doña Therese na nais ng makita ang anak na si Brian at ang Asawa nito.
Excited siyang makita ang anak, upang malaman ang estado ng buhay may asawa nito. Kahit na pinangunahan niya itong mag desisyon sa mapapangasawa niya alam niyang magiging masaya si Brian sa piling ni Kari. Alam niya iyon dahil ina siya, at bilang ina ang tanging gusto lamang nito ay ang makakabuti para sa anak. At isa si Kari, sa alam niyang makakabuti para sa anak, niya. Kilala na niya ang manugang mula pagkabata nito, kaya alam niyang lumaki itong mabait at mabuting tao. Idagdag pa kung paano ito nag sumikap sa sarili at narating ang karangyaan na meron siya, nag mana nga ito sa kanya ina na kanyang bestfriend, kung paano naging masagana ang pamumuhay dahil sa pagsisikap niya. Ganon ang nakikita ni Therese sa manugang. Kaya ganon na lamang niya kanais na maikasal ang dalawa.
Naging abala si Doña Therese sa pag hahain ng pagkain sa mesa. Alam niyang parating na ang kanya mga bisita.
____________________________________________
Nasa tapat na ng mansiyon si Kari at Brian, nauna ng bumababa si Brian ng sasakyan bago pinagbuksan si Kari ng pinto. Bago lumabas si Kari ay isang malim na hininga ang pinakawalan nito, saka ipinostora ang pekeng ngiti. Kung titignan ay mukha silang tunay na nagmamahalan, magka hawak kamay pa silang pumasok sa loob ng mansiyon, Kita niya sa hardin ng Mansiyon ang lawak at ang garang disensyo ng inaayos na Event para bukas. Napansin niyang halos dumating na din ang ibang kamag anak ng asawa mula sa malayong lugar. Talagang pinag-handaan ang Anibersaryo ng kanyang biyanan. Inalaayan siya ni Brian na umakyat ng hagdan papunta sa loob ng bahay, magkahawak parin sila ng kamay at walang gustong bumitaw. namamawis na ang palad ni Kari dahil sa kaba. Nang makarating sa main door ng Mansiyon, muli siyang huminga ng malalim. Sa pagbukas ng pinto ay mukha ng biyanan na babae ang bumungad sa kanya. Agad niyang binitawan ang kamay ng asawa at yumakap sa biyanan.
"Hi, Iha, sabay kayap sa kanya ganon din ang ginawa nito sa anak.
"Kamusta ang biyahe?" tanong ng biyanan habang naka akbay ito sa braso niya, at tuluyang pumasuk sa loob ng bahay.Halatang giliw na giliw ang doña sa pagdating ng manugang. Natutuwa siya sa nakikita niyang progreso sa pagsasama ng dalawa, alam niyang hindi magtatagal ay makakapag adjust na ang mga ito sa buhay may asawa, sa sobrang pagka giliw niya sa manugang ay nabalewala na ang anak niyang si Brian. Dumiretso sila sa sala, doon ay naroon na ang ilang kamag-anak kasama si Alden. "Uy, the newly wed, kamusta ang honeymoon"? Biro pa ng isang pinsan ni Brian. Napangiwi si Kari, sa narinig saka pinisil ang palad ni Brian. "Bro, wag kang mang-asar kararating lang namin, balik na sagot ni Brian rito. 'Naka-buo naba? biro naman ng isang tita ni Brian saka ito ngumiti sa dalawa. "Alam mo bro, mag leave ka muna sa trabaho para naman maka-buo na kayo ni Kari, asar ng isa pa niyang pinsan habang nakayakap sa asawa nitong buntis,at halatang ini-inggit ang dalawa. Pekeng ngiti lamang ang iginagawad ni Kari, sa mga biro ng relatives ng asawa, na-a-asiwa kasi siya sa mga tanong, o biro ng mga ito hindi niya mapigilan ang sarili na maiinis.. Naiinis dahil paano ba naman niya magagampanan ang pagiging mabuting asawa sa kabiyak kahit peke lang, ganong kahit halik ay di man siya magawang halikan ni Brian, yung bagay pa kaya na mag-s3x sila?
Naiilang siya sa mga tingin na pinupukol ng mga kamag-anak ni Brian sa kanya, dahil mula pa kanina ay alam niyang sa kanila lamang nakatinging ang lahat, paano ba naman kasi kahit saan siya mag punta ay nakasunod ang lalaki sa kanya, ayaw bitawan ang kanyang kamay kahit sinasaway na niya ito, Aaminin niyang nagugustohan niya ang ganong side ng ugali ni Brian ang pagiging clingy pero ayaw niyang lage itong nakasunod sa kanya, pakiramdam niya ay iniinis lamang siya nito.
Nasa sala sila, at nakikipag halo-bilo sa mga pinsan ni Brian, Nag-uusap tungkol sa mga negosyo at nakakasabay naman siya sa mga ito dahil yun naman ang trabaho na meron siya.
"Kelan mo sisimulan ang opening ng business mo dito sa palawan, Kari"? Tanong ng tita ni Brian.
"By two months po siguro tita, inaayos pa po kasi ibang requirments." Paliwanag nito.
"Good, iha maganda yan at kunin mong manager itong si Nate kapag nakapag tapos". rekomenda ng kanyang biyanan na ang tinutukoy ay ang pamangkin nitong malapit ng maka-graduate. Napatingin siya sa gawi ng babaeng tinutukoy ng kanyang biyanan, nakita niya ang maaliwas na ngiti nito sa kanya. sa tingin niya ang magkakasundo naman silang dalawa, lalo ang kailangan naman talaga niya ng manager sa bagong business na bubuksan niya. "Sure, ma". sagot niya sa biyanan saka ngumiti ganon nadin kay Nate na kita ang tuwa sa mga mata.
Maya-maya pa ay nag aya ng mag-hapunan ang lahat sa isang mahabang lamesa sila nag salo-salong lahat, sila mag-katabi ni Brian, sa Gilid ni Brian ay si Alden sa gilid naman ni Kari ay si Nate kahit sa pagkain ay magkahawak ang kamay ng dalawang siniko niya si Brian saka bumulong na bitawan siya nito, patay malisya ang asawa na para bang walang naririnig.
"Bitawan mo na kamay ko, masyado ka ng obvious" saway niya rito saka pinandidilatan ng mata. "No." may diin na sagot ni Brian. "Paano tayo, makaka-kain ng maayos"? tanong sa asawa, kuhang-kuha na niya ang inis kay Brian.
"Susubuan kita". diin nitong sabi.
At ganong nga ang ginawa ni Brian sa kanya, sinusubukan siya nitong subuan habang kumakain, sobrang namumula na ang pisngi niya sa inis sa lalaki. Ayaw na niya itong pansinin sa ginagawa nito. Nagugutom na siya pero kung ano-ano pang kalokohan ang iniisip ng asawa sa kanya. Akma siyang tatayo para umalis sa tabi ni Brian at lumipat ng ibang upuan, pero bigla lang siya nitong hinila pabalik sa tabi niya. "Puwede ba,? inis niyang sambit sa lalaki, lahata na sakanya ang sobrang inis pansin niya nakatingin na sa kanila ang lahat. Kahit nakatuon ang atensiyon sa pagkain ang mga mata naman ng mga ito ay sa kanila naka tingin. Tumalikod siya ng walang paalam sa lahat saka umakyat patungo sa kanilang kuwarto, alam niyang sa kanya naka-tingin ang lahat ng tao na naroon sa inasal niya kanina, hindi na niya napigilan ang galit at sobrang inis sa lalaki. Mag-papakalma muna siya pag-baba niya mamaya hihingi din siya ng dispensa sa mga kamag-anak nito alam niyang hindi mabuting asal ang ginawa niya, wala na siyang magawa sobra gigil na gigil na siya sa lalaki.
Hanggang kelan niya kaya matatagal ang ugali niya, hanggang kelan niya kaya magagampanan ng maayos pagiging pekeng may bahay nito. Kung ganon ang istilo ng pagiging sweet ni Brian sa kanya puwes! ayaw niya!!! Naitanong niya tuloy sa sarili ganito rin kaya siya kay Sarah?