Pagkatapos Kumain ay umakyat na sa Kuwarto si Brian para hanapin si Kari, alam niyang na galit niya ang asawa dahil sa ginawa niya rito kanina. Ewan ba niya,hindi niya alam ang pakiramdam kung bakit ganon na lamang ang inis niya kapag may nakikita siyang ibang lalaki na nakatingin sa asawa. Lalo na ang pinsan niyang si Alden, mula pa sa Manila, hanggang sa bahay nila ay nahuhuli niya ang malalim na titig ni Alden kay Kari nahuhuli niya ito ng pahilim na titig na titig sa asawa kung kaya't ginawa niya ang lahat, para hindi humiwalay sa asawa kahit saan ay nakasunod siya rito at ayaw niyang bitawan ang kamay ng asawa kahit pakiramdam niya ay naiinis na ito sa kanya. Gusto niyang panindigan ang pag papanggap nila na maging totoo sa mga taong kaharap nila lalo na sa magulang niya, pero sa puntong ito ng ginagawa niya wala siyang nararamdaman na peke ang lahat. hindi niya alam. kung bakit hindi niya maintindihan ang sarili.
Nakita niya si Kari, na nakahiga sa kama hindi na ito nakabihis ng pantulog lalong hindi pa ito kumakain dahil sa inis nito sa kanya kanina ay umalis nalang ito bigla. Susubukan niya sana itong gisingin. Pero binigyan niya muna ng pagkakataon ang sarili na titigan ang asawa, Naisip niyang kung sana noong mga bata pa sila ay agad nilang napansin ang isat'isa at may namuo ng pag-mamahalan sa kanila baka siguro hindi sila hahantong sa arrange marriage.
Nagkaroon lang sana sila ng pagkakataon na makilala ang isat isa baka minamahal niya ito. Hindi mahirap mahalin si Kari, maalaga ito at maasikaso sa kanya, sa kanilang dalawa siya ang nag babale-wala sa asawa kahit alam niyang madalas niyang nasasaktan ang asawa ay wala siyang paki-alam. Si Sarah lang ang naging focus niya sa nagdaang limang buwan
Walang araw na hindi, sila nag aayaw ng nobya lahat ng bagay ay ibinigay niya rito mapasaya lamang ito at mawala ang pagiging selosa nito. araw-araw ay gumagawa ng paraan ang dalaga na magkaroon sila ng pagtatalo pakiramdam niya ay nagiging toxic sa relasyon nila, laging inuungkat nito ang sitwasyon na meron sila, lalo ang pag-kawala ng tiwala nito sa kanya. "Wala na akong tiwala sayo, magkasama kayo sa isang bahay imposibleng walang nangyayari sa inyo, asawa mo siya... kabet!! mo lang ako!!" yan ang laging isinusumbat ni Sarah sa kanya kung kaya't para mapasaya lamang ang dalaga lahat ng luho ay binigay niya rito kahit mga materyal na bagay, mga luxury items na pinag-bibili nito na hindi naman mahalaga, hinayaan lamang niya ang dalaga. Nasagad na lamang siya nung isang araw bago ang uwe nila dito sa palawan na naexceed na ng dalaga ang credit card niya, kulang na lamang ay saktan niya ito sa sobrang galit, Sa inis niya ay hindi niya ito kinakausap gusto niya itong turuan ng leksiyon. Lagi nitong sinasabi na mahal na mahal siya ng dalaga pero bakit parang hindi na niya iyon maramdaman? naging materialistic na ito, na ibang-iba nung una niya itong nakasama.
Ibang-iba sa ugali ni Kari, kung ikokompara, Maalaga, marunong mag-luto at maasikaso sa kanya.
Samantala ang dalaga ay, hindi marunong mag-luto, ramen lang ang alam nitong lutuin. hindi marunong mag-linis ng bahay umaasa lang sa katulong niya, at mahilig gumimik kasama ang barkada. Alam niyang may ganong side ang dalaga noon pa, alam niyang magbabago rin naman ito kapag naging mag-asawa na sila pero sa pinapakita na ugali ni Sarah sa kanya ay pakiramdam niya mahirap na itong pakisamahan.
Titig na titig siya sa mukha ng dalaga habang natutulog naglalaro sa isipan niya ang mga nangyari sa kanila, sa mga nagdaan na limang buwan kung paano niya ito napahirapan at pilit na pinapirma sa aggreement, kung paano niya nasaktan ang damdamin nito. Napaka-amo ng mukha ng asawa, habang natutulog hindi niya napigilan ang sarili na hawakan ang mukha ng asawa dahilan para magising ito.
"Wake up, sabi ni Brian.
"Nabumangon kana diyan, mag bihis kana at magpapa-akyat ako ng pagkain mo". Sabi nito.
Bumangon si Kari at umayos ng upo, Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Dahil siguro sa pagod at inis, na nararamdaman. Nakatingin parin si Brian sa kanya, Binabantayan ni Brian ang bawat kilos nito. "Why? Wag kang O.A wala kang kamag-anak sa room natin". Inis niyang sabi kay Brian. "Oh, Wag mo akong intindihin, go mag bihis kana para makapag pahinga kana" utos nito kay Kari. "Ang pangit mong umakting ng pagiging Sweet nakakasakal", kung ganon ang istilo mo wag nalang, Inis niyang sabi sa lalaki. Nawala ang ngiti ni Brian sa kanya. saka siya nito nilapitan at agad siniil ng halik sa labi. Nagpupumiglas si Kari sa ginagawa sa kanya ni Brian, noong una ay ayaw pero katagalan ay bumigay din siya, napasandal na lamang siya sa headboard ng kama, at unti-unti ng sumasabay sa mga halik ng asawa, May lumalabas na mumunting ungol sa kanya dahil sa kiliting dulot ng mga halik ni Brian sa kanyang leeg, unti-unti na siyang hinihiga ni Brian sa kama ng may kumatok sa kuwarto nila. Bigla silang bumalik sa katinuan. At mabilis na lumayo sa isa't isa. Sa hindi malaman na dahilan, tumayo si Kari at patakbong pumasok ng banyo, naiwan si Brian na tulala at iniisip ang maling nagawa sa asawa. Hindi niya napigilan ang sarili, na halikan ang dalaga hindi alam kung ano ang nagtulak sa kanya para gawin iyon. Nagising siya sa pag iisip ng may kumatok muli, Nang buksan ang pinto ay ang mommy niya ito, "Where's Kari? usisa ng ina. "Nasa banyo ma.. nag bibihis. sagot nito.
"Wag mo naman, mahirapan si Kari anak may laman na sabi ng ina. kahit di niya sabihin ay alam ng ina kung ano ang nangyayari sa kanila ni Kari.
"We working on it ma, don't worry". Sagot niya sa ina para mapanatag na ito. "Promise me, na hindi mo siya sasaktan" paki-usap nito.
"I promised". pag sang-ayon ni Brian sa ina. saka niya ito niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.
Nag-paalam na ang Ina na bababa.
"Sabihin mo kay Kari, na bumaba na siya at ipaghahain ko siya, ng pagkain okey"? "Yes ma" huling sagot niya sa ina saka na ito lumabas ng kuwarto.
Sa banyo, ay napilitan si Kari na maligo kahit ayaw niya, hindi niya alam ang gagawin. nahihiya siyang lumabas ng banyo at makita si Brian naiinis siya sa sarili bakit siya bumigay sa mga halik ng lalaki, samantalang noong nasa manila sila ay parang diring-diri ito sa kanya noong hinalikan niya ito na halos smack nga lang iyon ay sasabog na ito sa galit. Ngayon itong ginawa nila ay hindi lamang smack. Kundi Torrid kiss, na siyang nagustuhan niya., naiisip niyang parte din ba ito sa pag papanggap nila? parte ba ng pagpapanggap nila na may mangyari sa kanila? Nasasaktan siya sa isiping iyon na lahat ng ginagawa ni Brian sa kanya ngayon ay hindi totoo dahil in reality si Sarah parin ang mahal niya, si Sarah parin ang lahat para sa kanya,Muli nakaramdam na naman siya ng munting kirot na gumuhit sa kanyang puso, dahilan para para maluha siya. Pabor na sana sa kanya ang lahat, gusto niyang mapa-ibig ang asawa, magagawa kaya niya kung nagdadalawang isip siya? Lalakasan niya ang loob para magawa niya ang kanyang plano, kahit sa huli ay alam niyang magiging talo siya. Atleast she tried, at hindi nalang sumuko basta. Minadali niya ang sarili sa pag-sasabon sa buong katawan, at iniwaglit sa isip ang nangyari sa kanila ni Brian kanina. "Bahala na" bulong niya sa sarili.
"Kari, Are you done?" tanong ni Brian sa kanya habang nasa banyo siya. Bumaba kana para kumain sabi ni mommy, dagdag pa nito.
"Oo, sige patapos na ako." sagot ni Kari. At kahit nga tapos na siyang maligo ay ayaw parin niyang lumabas ng banyo, ayaw niyang makita si Brian dahil nahihiya siya rito. Narinig niyang bumukas at sumara ang pinto ng kanilang kuwarto, naisip niyang marahil ay nakalabas na si Brian, kaya nadahan-dahan siyang lumabas ng banyo, saka siya nag mamadaling nagbihis, At nag-ayos ng sarili, ng makuntento sa ayus ay lumabas na siya ng kanilang kuwarto, at nag tungo sa kusina. Doon nakita niya ang biyanan kasama ang tita ni Brian na nag-uusap natahimik ang dalawa ng makita siya. agad siyang nilapitang ng doña at inalalayan na maupo sa upuan na para sa kanya, kung saan doon ay may nakahain na pagkain sa mesa, nahihiya man sinunod na lamang niya ang gusto ng biyanan, sobrang suwerte niya talaga sa kanyang biyanan at malaking pasasalamat niya sa diyos dahil binigyan siya ng biyanan na mabait sa kanya.
"Kumain kana iha, pinagsabihan kona si Brian na wag kana niyang aawayin", sabi ng doña sa kanya. Nangiwi si Kari sa narinig, naisip niyang napagalitan si Brian dahil sa inasal nito kanina na agad nalamang siyang umalis sa hapag-kainan ng hindi nagpapa-alam sa kanila "Sorry ma". hingeng paumanhin niya dito. "It's alright iha, kilala ko si Brian, kaya napag-sabihan ko na siya. Ngumiti na lamang siya sa doña kahit ang totoo ay, mahihiya siya rito. hindi na siya sumagot o nagpaliwanag pa. Kumain na lamang siya ng tahimik.
Nang matapos siyang kumain ay nag-paalam sa kanila ang Tita ni Brian na mag-papahinga na ito. Siya naman ay aktong ililigpit ang kalat sa lamesa ng pigilan siya ng biyanan. "Wag mo ng galawin yan iha, hayaan mo na ang mga makutulong diyan." Saka nito tinawag ang isa sa mga kasambahay para iligpit ang mga kalat.
"Let's go upstairs may ipapakita ako sayo. Aya ng doña sa kanya. Wala siyang nagawa kundi sumunod sa biyanan. Pumunta sila sa kuwarto ng kaniyang biyanan. Umupo siya sa isang upuan doon malapit sa may bintana, sa kuwartong iyon ay tanaw na tanaw mo ang liwanag sa hardin, mula sa beranda, napaka-gandang pagmasdan ng mga iba't ibang kulay ng ilaw na nakasabit sa buong Hardin, at ginawa iyon para sa event na gaganapin bukas.
"Ayos lang ba kayo ni, Brian anak? tanong ng Doña sa kanya habang nakaharap din kung saan siya naka-tingin, nabaling ang tingin niya sa doña dahil sa tanong nito, bigla siyang kinabahan kung nahalata ba nito na peke lang ang pinapakita nitong kasweetan sa anak. Hindi siya agad naka-imik sa biyanan dahil pinag-iisipan niya pa kung ano ang dapat isagot niya rito. Nang mapansin ng doña na matagal siya bago sumagot, at nakatingin lamang siya sa malayo ay may inabot sa kanya ang doña na isang maliit na box. Tinitigan niya ito bago buksan, napa-nganga siya sa nakita ng buksan niya ito isang heirloom necklace na may flower design na pendant at diamond sa mga gilid nito, isang napaka gandang pamana at sa itsura pa lamang nito ay alam mong hindi basta-basta ang halaga nito. Kinuha sa kanya ng doña ang maliit na box atsaka nilabas doon ang kuwintas. "Galing ito, sa lola ni Brian, at Galing naman daw iyan sa Biyanan ng aking Biyanan. Isa itong heirloom at ikaw lamang ang nagbubukod tanging mag mamana nito, anak. Paliwanag nito habang sinusuot sa kanya ang kuwintas. Humarap sa kanya ang doña saka siya nito hinawakan sa magkabilang pisnge hindi na malayan na tumtulo na pala ang kanyang hula, ang pigil na iyak na kanina niya pa gustong gawin ay hindi niya nagawa dahil nag-uunahan ng bumuhos ang mga ito. Hindi niya mapigilan ang sarili na humikbi at namnamin ang yakap ng biyanan, bigla siyang nangulila sa kanyang ina. Walang katumbas na pagmamahal kapag yakap siya nito lalo kapag malungkot siya.
"Im sorry ma". Gusto niya sanang sabihin pero hindi niya magawa. Ayaw niyang masaktan ang doña ng dahil lang sa kanya. Kaya nasabi niya sa sarili na gagawin niya ang lahat mapamahal lamang si Brian sa kanya. "Sana ay lawakin mo pa ang pag-iintindi mo sa anak ko." pakiusap ng Doña sa kanya. Wala siyang sinagot sa ginang, bagkus niyakap niya lamang ito ng mahigpit. Para sa kanya sapat na iyon bilang sagot niya sa kahilingan nito. Gagawin niya ang lahat para rito.
Ala-Una na ng madaling-araw ay wala parin sa kanilang silid si Brian, mula ng lumabas siya kanina para kumain, hanggang sa matapos silang mag-usap ng kaniyang biyanan, at bumalik muli sa kanilang kuwarto ay hindi na niya ito nakita. Nagtataka siya kung saan ito nagpunta. Ayaw naman niyang mag-tanong sa biyanan dahil nahihiya siya rito, at ayaw na niyang maka-istorbo sa mga ito. Hindi siya makatulog dahil sa pag-aalala sa asawa.
Nang aktong babangon siya upang magpunta sa banyo ay siya namang bukas ng kanilang kuwarto, agad siyang humiga patagilid, upang hindi siya mapansin ni Brian na gising pa siya. Narinig niyang may kausap si Brian sa cellphone nito ngunit pabulong lamang ito sumagot sa kausap. "Puwede bang, intindihin mo rin ako"? sabi nito sa kausap niya. Alam niyang si Sarah iyon dahil sa tono ng pagsasalita ni Brian at sa mga sinasabi nito ay alam niyang ang nobya ang kausap nito. "Napapagod na ako sana naman intindihin mo rin ako". paki-usap niya rito. Naramdaman niyang gumalaw ang kama at alam niyang umupo na si Brian sa tabi niya. Hindi na ito nagsasalita, maharil ay tapos na ito sa kausap niya. Tumayong muli si Brian, at binuksan ang switch ng ilaw sa banyo, narinig niya ang tunog ng lock ng pinto ng banyo kung kaya't nag mula't na siya ng mata atsaka umayos ng higa. Huminga siya ng malalim. Napaisip kung ano kaya ang problema ng asawa? marahil ay may pinagtatalunan ang mag kasintahan kaya ganon na lamang ang tono nito sa kausap kanina. Narinig niya ang pag-ring ng phone ni Brian, na nasa bedside table, ng silipin niya ang caller ay si Sarah ito(Babe) wala naman itong karelasyon bukod kay Sarah. Naiisip niyang sagutin ang tawag nito, pero mas nangibabaw ang paninindigan na wag paki-alaman ang hindi kanya. Hinayaan niyang mag-ring ng mag-ring ang cellphone ni Brian. Inabutan siya ni Brian na gising at naka sandal sa headboard ng kama.
"Bakit gising kapa? tanong ng lalaking kalalabas lamang ng banyo, habang nag papatuyo ng buhok. "Ang ingay kasi ng phone mo". tipid nitong sagot. Gumuhit naman ang kunot sa noo ng lalaki dahil sa naging sagot nito. Nang lapitan at buksan ang cellphone ay 10miscalls from babe ang naka rehistro sa cellphone niya.
Kabaliktaran sa naiisip niya ang ginawa ni Brian, imbes na mag call back sa nobya nito ay pinatay nito ang cellphone niya, ngayon lamang niya nakitang binalewala nito ang nobya, kaya bago sa kanya ang mga kinikilos nito, alam niyang may problema si Brian ramdam niyang may bigat itong dinadala. "Tumabi ng higa si Brian sa kanya, ramdam niyang pagod na ang lalaki, dahil sa malalim na paghinga nito. Ayaw niyang magtanong sa asawa, dahil baka mapahiya lamang siya. Gusto niya sanang kausapin ito at tanungin kung bakit niya pinatayan ng Phone si Sarah, noong nasa manila sila mabilis pa sa alas kuwatro siya kung umalis ng kanilang bahay kahit isang text lang ni Sarah. Wala pang 5mins na nasa bahay siya ay aalis na naman siya ulit. Nasanay siya na ganoon ito, sa nobya niya kaya nagtataka siya kung bakit ganito niya tratuhin ngayon si Sarah. Napabaling siya ng higa, nabigla pa siya ng sobrang lapit lang pala ni Brian sa kanya, at hindi ito tulog kundi nakatitig lamang ito sa kanya. Naamoy niya ang mabangong hininga nito, at may amoy din alcohol. Naisip niyang kaya pala ito nawala ng ilang oras dahil uminom pala ito. Namalayan niyang unti-unting lumalapit sa kanya ang binata at konting-konti nalang ang pagitan nila, ay maglalapat na ang kanilang labi. Hindi nga siya nagka-mali hinalikan siya ni Brian, Ibang halik ito, hindi tulad ng halik nito kanina. Halik na may pagnanasa, mula sa kaibuturan ng kanyang puso ay nararamdaman niya ang pag-nanais na maangkin siya ng asawa. Ramdam nito ang pananabik, Pero di niya alam kung may kasamang pag-mamahal. Nagugustuhan ng katawan niya ang mga haplos ni Brian sa kanya. Haplos na may kasamang pag iingat. At Sabik na maangkin siya. Hindi na siya nag dalawang isip at agad na pumayag sa kagustuhan ng asawa. Para sa kanya ito na ang simula na lahat. Namalayan na lamang niya na wala na siyang saplot, sa bawat himas sa kanya ng asawa ay unti-unting nahuhubad ang kanyang suot na damit na hindi namamalayan.
At sa hating gabi na iyon.. ay doon nag simula ang pagsibol ng pagmamahal niya para rito. Ang ibigay ang lahat sa asawa, ang isang bagay na alam niyang hindi niya pag sisisihan. Aminin man niya o hindi mahal na niya si Brian noong unang araw palang ng makita niya ito sa simbahan sa mismong araw ng kanilang kasal.