3RD PERSON POV
"Salamat ah," ani Bella sa kasintahan nitong si Ken, habang nagmamaneho sila pauwi.
"Wala yun, at saka ngayon nga lang tayo ulit nakapag date, busy kasi sa school dahil sa nalalapit na Event," sagot naman ni Ken dito.
Matapos ang klase kanina, napagpasyahan nilang dalawa na magdate muna at magbonding bago umuwi. Dahil kasi sa paghahanda sa darating at nalalapit na Friendship Day kaya abala ang lahat.
Bawat section ng first at second year ay may ihahandang booth or games para i-contribute sa nasabing event. Ang mga 3rd at 4th year naman ay ligtas na dito sapagkat napagdaanan na nila ang turn nila noon. Pahinga naman sila at hayaan ang sarili na mag enjoy kasama ang nga event partners/ buddies nila sa araw na iyon.
Dahil parehas sila ni Bella na iisang school galing, hindi sila maaaring maging partners, kaya naman nag imbita na lamang sila ng ibang kaibigan galing sa ibang school para makasama sa event.
Open din sa mga outsider ang school nila sa mga araw na nagpapatuloy ang pagdiriwang na iyon kaya naman asahan na maraming tao at puno ang buong lugar.
"Tama ka, abala nga ang lahat lalo na ang mga members ng SSG," makatotohanang turan ni Bella sa kanya.
Napatango naman siya bilang pagsang ayon dito bago magsalita. "Oo, di ko na nga halos nakikita sa school si Zen." pagtukoy pa niya sa kababatang si Raizen na member ng SSG.
"Ah, si Kyle ba kumusta?" Dahil matagal na din nilang kasama itong si Bella kaya naman medyo kilala na rin nito si Kyle kahit hindi sila close.
Well, wala naman talagang ka-close ang isang iyon, kahit nga sa kanila ni Raizen ay medyo iwas pa rin ito.
"Ayun, isa pa ring di mahagilap at makausap, laging tulala kapag nasa klase, tapos di ko rin maabutan sa kanila," pagrereklamo pa niya.
Nanlaki naman ang mata ni Bella sa gulat dahil sa kanyang sinambit. Batid kasi nito ang kalagayan at pinagdadaanan ni Kyle. "Talaga, saan naman siya napunta?"
Napakibit balikat pa siya habang nagmamaneho bago ipahayag ang kanyang ideya. "May nabanggit siya noon, may nakilala daw siyang bagong kaibigan, baka iyon ang pinupuntahan niya."
"Aba, mabuti nga yun at may bago siyang nakilala, pansin ko din na mukhang mas masigla si Kyle ngayon," masaya at nakangiti pang pahayag ni Bella sa kanya.
Kahit siya, ramdam din niya ang kakaibang pagbabago na nagaganap sa kaibigang si Kyle.
"Tunay, but don't get me wrong Love ah, masaya ako dahil may bago siyang kaibigan, ang sa akin lang sana naman ipakilala man lang niya sa atin diba?" saad pa niya, sabay lingon ng bahagya sa kanyang kasintahan.
Totoong hindi siya galit o inis, nagseselos lamang siya dahil sa attensyon na ibinibigay ng kanyang kababata/ kapatid at idolo na si Kyle sa bago nitong kaibigan.
"Baka hindi pa siya handa, bigyan pa natin siya ng oras at maging masaya na lang muna tayo para sa kanya, lalo na at mukhang good influence naman yung bago niyang kaibigan," suhesyon pa nito sa kanya, kaya naman napangisi siya habang nakikita ang girlfriend mula sa kanyang peripheral view.
"Tama ka, galing talaga ng Love ko," papuri pa niya sabay hawak sa kamay nito.
Napatawa na lamang dahil sa papuri at kilig ang kanyang kasintahan lalo na nang halikan niya ang likod ng palad nito.
▼△▼△▼△▼△
"Ui Dude, gago ka magsalita ka nam--"
"Don't cuss," anito, sabay tapik sa kanyang bibig.
Napalayo naman siya sa gulat, mula kasi nang makapasok sila sa loob ng kotse nito. Bigla na lamang itong tumahimik at parang may malalim na iniisip.
"Ewan ko sayo, uuwi na ako kung magtiti-tigan lang tayo dito," inip na saad niya dito, sabay dampot sa bag niyang nasa sahig.
'Sino ba naman ang di maiinis sa lukong to, isinama-sama ako dito tapos tatahimik, iniwan ko pa ang mga kaklase ko para sa kanya.' napapanguso pa niyang saad sa isipan.
Dahil naman sa kanyang sinabi ay mukhang nagising naman ito sa katotohanan at nagmamadaling dumukwang papunta sa backseat at kinuha ang isang paper bag doon.
"I'm sorry, just eat this for now," anito, habang nakayuko at mukhang nagsisisi. Talagang malambot ata ang kanyang puso pagdating sa lalaking ito kaya naman sa halip na tanggapin ang hawak nito.
Lumapit siya dito at masuyong hinawakan ang ulo nito at tinapik iyon bago guluhin ang malambot at maitim nitong buhok.
Lalo naman itong napayuko para mas maabot niya ang ulo nito, para siyang isang maamong tuta na naghahanap at nag aasam ng kalinga.
Naawa naman si Jhe, lalo na nang maisip niyang baka may nangyaring masama kay Kyle at dahil wala ang pamilya nito kaya wala itong mapagsabihan ng problema at lungkot na meron ito.
"Pasensya ka na din Dude, di ko naman gusto na sungitan ka, kung kailangan mo ng kausap at kasama narito ako."
"Really?" mangha at masuyong bulong nito na para bang hindi makapaniwala sa kayang pahayag. Ngumiti naman siya nang maganda at malapad para makumbinsi ito.
Hindi niya inaasahan na dahil doon ay mabilis itong lumapit sa kanya at yumakap ng mahigpit sabay bulong nang... "Thank you."
"Wala yun, ikaw pa," natatawa at magaan sa loob na bulong pa niya dito habang hinahaplos ang likod nito.
Nagtagal sila nang ilang minuto sa ganung posisyon sapagkat ayaw umagwat ni Kyle sa kanya. Hindi naman niya magawang itulak ito kaya hinayaan na lamang niya ito sa ginagawa.
Bukod pa roon, habang nakayakap dito napatunayan niya ang narinig na positive psychological effects tungkol sa pagyakap.
'Tunay pala talagang nakaka-relieve ng stress at nakakatanggal ng pagod ang pagyakap,' isip-isip pa niya at wala sa sariling napasiksik na din sa mainit at matigas na dibdib ni Kyle.
Maya-maya pa, halos makatulog na siya habang nasa posisyong iyon kung hindi lamang gumalaw ito. Napalayo naman siya dito habang kinukusot pa ang mata para mapanatiling gising ang sarili. Ito naman ay napatawa ng tipid at malambot at masuyo na nakangiti sa kanya habang hinahaplos ng kanyang pisngi.
"Cute."
Rinig pa niyang bulong nito kaya napasilay siya sa lalaking kaharap. Hindi naman nawala ang masuyong ngiti nito sa labi habang patuloy na nakatitig sa kanya.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya dito, at nasilayan pa niya ang pagtaas ng kilay nito na para bang nagulat sa kanyang pahayag.
Mas lumapad ang munting ngiti sa gwapo nitong mukha na umabot sa madalas na walang buhay nitong mga mata. Tumawa din ito nang malakas na nag pagulat sa kanya.
Ngayon lamang niya nasaksihan ang masaya at puno nang ligaya nitong mukha habang tumatawa. Napagtanto kung gwapo na ito kapag seryoso, hindi maipagkakaila na mas lumilitaw ang kagwapuhan nito kapag lumabas na ang medyo matilos at patusok nitong pangil habang tumatawa.
Pero bago pa mahipnotismo dahil sa kakaiba at di inaasahan na pangyayaring ito, bigla niyang naalala at napatanong sa sarili.
'May nakakatawa ba sa sinabi ko?'
"The--there's not, I'm just happy. Thank you for worrying about me," seryosong anito, habang deretsong nakatingin sa kanya.
Ramdam niya ang mataimtim na emosyon nito mula sa simpleng pahayag na iyon.
"Wala yun, kaya nga tayo magkaibigan di ba?"
"Nga pala, may problema ka ba? Handa akong makinig?"
"It's not a problem but I'm getting nervous about it,"
"Ano ba yun? May nang bubully ba sayo? Gusto mo samahan kita resbakan natin?"
Napatingin naman ito sa kanya na para bang nagsasabi nang 'Seriously, look at me, do I look like a person who's become a target of bullying?'
Alam niyang malaki, matangkad at well-built na lalaki itong si Kyle, pero may pag ka-emo at madilim ang aura nito lagi. At sure din siyang wala itong masyadong kaibigan sa school kaya baka napagti-tripan ito ng ibang estudyante doon. Sa private pa naman maraming bully dahil sa pagiging spoiled ng mga estudyanteng pumapasok doon. Iniisip pa lang niya naaawa na siya sa kanyang Dude.
"No no, I'm not getting bullied or anything, it's about you." Napailing pa ito.
"Sa akin? Bakit ako?" naguguluhan at medyo kinakabahan na tanong pa niya kay Kyle. Wala naman siyang naaalala na may nagawang atraso dito ah.
"Yeah," tipid na sagot nito at tumango pa ng bahagya. "-- and I also need to talk to nanay and tatay about something."
"Kaya ka ba kinakabahan dahil doon? At damay pa ako."
"Mn."
"Sabihin mo muna sakin kung tungkol saan yan para matulungan kitang makumbinsi sina mader, what do you think?" suhesyon pa niya sa kausap habang itinataas-baba ang kanyang kilay.
Naisip din niya na kailangan naman talaga niyang malaman kung ano iyon, lalo na at tungkol daw sa kanya.
"Sure, beside I need your approval first before them."
Matapos sumang ayon, may kinuha itong isang pamplet sa loob ng bag nito at inabot sa kanya.
"Friendship Day?" kunot noo na pagbasa pa niya sa malaking titulo sa harap ng brochure na hawak. Tumango naman ito at hinayaan siya na mabasa pa ang ibang detalye tungkol doon.
"Ohh, Event pala ito sa school nyo, ang galing ah," kumento pa niya nang mabasa ang mechanics at layunin nang nasabing Event.
"So, gusto mo na---"
"Yes," seryosong anito at saka siya tiningnan ng deretso. "Can you be my partner?"
Natigilan naman siya sa pagsuri ng brochure na hawak at napatingin sa determinadong itsura ng lalaking kaharap. Titig na titig ito sa kanya gamit ang madilim at asul nitong mga mata, dahil sa itsura nito ay hindi na niya napigilan na hindi mapatawa.
Nakangisi at natatawa pa niyang naihampas nang mahina sa ulo nito ang brochure na hawak. "Ui Dude, chill ka lang, hindi ka nagpo-propose ah. Bakit ba ang seryoso mo?"
"Mn," mahina nitong sambit, at saka unti-unti nang nahawa sa kanyang pagtawa. Napapangiti na din ito at mukhang nakahinga ng maluwag dahil sa pagpapagaan niya sa atmosphere sa kanilang pagitan.
"Oo naman, next weekend pa naman ito di ba?"
Habang bakas pa rin dito ang munting ngiti sa labi nito, tumango pa ito na para bang galak na galak sa kanyang pagpayag. Hindi naman sa kanya big deal ang mga ganitong bagay, bukod pa doon kita din niya na maraming masasaya at exciting na pwedeng gawin sa event na kanyang dadaluhan.
Matapos nang pag uusap na iyon, kumain sila ng dala nitong meryenda.
"Ngayon mo na ba balak magpaalam kay na mader?" tanong pa niya habang nasa byahe sila pauwi.
"Mn," tipid na sagot nito, at seryosong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Hindi man lang siya sinulyapan nito, pero kahit ganun ay hindi siya nakaramdam ng inis sapagkat alam niyang kinakabahan din ito.
'Hindi nga lamang halata,' napapangiti pa niyang saad sa isipan habang pinagmamasdan ang walang emosyon at blanko nitong mukha.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating din sila sa tapat ng kanyang bahay. Nauna siyang bumaba at sumunod naman si Kyle sa kanya.
Nang makapasok sa gate at habang nakatayo sila sa harap ng pinto. Wala mang nababakas na ekspresyon sa mukha ni Kyle pero pansin niya ang pagkabalisa nito.
Alam niya ang dahilan kung bakit si Kyle ganito, nabanggit lang naman niya kanina habang nag uusap sila na medyo mga strikto at mahigpit ang kanyang mga magulang. Pero in fairness, masaya siya na balak pa rin siyang ipagpaalam nito para maging partner sa event na gaganapin sa school nito.
Kahit sa mga ganitong kasimpleng bagay ay ramdam niya ang respeto at paggalang ni Kyle sa kanya at sa desisyon ng kanyang mga magulang tungkol sa nasabing aktibidad.
"Okay lang yan, paborito ka naman nina mudra at pudra, sure akong papayag ang mga iyon." Pagpapagaan pa niya sa kalooban nito, at saka ilang beses na tinapik ang likod nito.
"You think so?" bulong naman nito sa kanya, na para bang pinagdududahan ang sariling kumpyansa sa sarili.
'Akalain mo nga naman, tinatablahan pala ng kaba ang isang 'to, akala ko forever na siyang poker face at malamig pa sa yelo.'
"Oo naman, halika na," pag aanyaya pa niya habang pinapalakas ang loob nito at saka hinigit papasok sa bahay.
Pagpasok pa lamang, napatigil na silang dalawa nang makita nila kung sino ang nasa sala. Ang kanyang kuya at ama na nanunuod ng balita. " Ah hehe hello kuya, hello pudra."
Hindi niya inaasahan na narito ang kuya niya ngayon, akala niya ay nasa bahay ito ng kaklase.
"Good evening po," ani Kyle at saka yumuko ng kaunti.
Napataas naman ang kilay nang kanyang kuya habang nakatingin sa kanilang dalawa. Napa-iwas naman siya nang tingin dito habang napapasipol pa.
"Aba Neng, paupuin mo na si Kyle," utos pa ng kanyang tatay, kaya napabalik ang kanyang tingin sa harapan.
"Dude, upo ka na," bulong niya sa kasama at itinuro ang pwesto katabi ng kanyang ama at kaharap naman ng kanyang kuya.
"Ah dyan ka muna Dude, kuha lang ako nang maiinom," pagpapaalam pa niya dito, sabay takas patungo sa kusina.
"Good luck Dude, bye," pabulong na pang aasar pa niya dito, sabay kaway palayo.
Medyo nanlaki naman ang laging kalmado nitong mga mata sa gulat habang nakasunod ang tingin sa kanyang pigura na paalis. Di pa siya nakakalayo nang lumingon muli siya, kita pa niya na para itong isang tuta na inabanduna. Napatawa na lamang siya nang palihim at saka dumeretso na sa kanilang kusina.
Balak naman talaga niya itong alukin nang hapunan kaya dumeretso muna siya dito sa kusina para kunsultahin ang kanyang ina. Sa totoo lamang, kahit mabait ang kanyang mga magulang, mas strikto ang mga ito kaysa sa ibang magulang.
Siguro dahil nag iisa lamang siyang anak na babae kaya sobra siyang paghigpitan ng kanyang nanay, tatay at kuya.
Hindi siya pinapayagan ng mga ito na magpunta o sumama sa lugar at bahay ng kanyang mga kaklase. Kaya nga kapag may mga project na dapat gawin ay hindi siya makasama sa kanyang mga ka-grupo, mas gusto ng mga ito na dalhin na lamang ang kanyang mga kaklase dito sa kanila para gawin ang mga projects na meron sila.
Pero dahil wala naman siyang masyadong ka-close sa klase kaya hindi siya makapagsuhestyon ng ganung mga bagay. Pero kahit ganun, kahit kailan hindi siya nag isip ng pagrerebelde mula sa mga ito, sapagkat alam niyang kaligtasan at kapakanan lamang naman niya ang habol nila.
Medyo mahigpit nga, pero naiintindihan naman niya at iyon ang mahalaga. Sabi pa nila...
'Pamilya muna bago ang ibang tao.'