Chapter 12

2645 Words
3RD PERSON POV Knock! Knock! "Hijo? Kyle?" Napalingon si Kyle sa may pintuan kung saan kumakatok ang kanyang Yaya Loi. Mabilis niyang isinuot ang short matapos magpalit ng suot na damit kanina. Kararating lamang niya dito sa mansion, galing sa bahay ni Jhe at ipinagpaalam ang dalaga sa mga magulang nito para maging partner niya sa parating na event sa school. Kapag narito sa kanyang kwarto ay sanay na hindi siya nagsusuot ng damit kaya naman hindi na siya nag abala na magsuot ng pang itaas bago lumapit at buksan ang pintuan. Binuksan niya ito nang bahagya sapat lang para magkaharap sila ni Yaya. " Yes, Ya?" "Maghahanda pa ba ako ng hapunan?" tanong pa nito. "No need po, I already ate," magalang na sagot niya dito, kaya napatango naman ang matanda sa kanya habang nakangiti. "Ganun ba, sige hijo magpahinga ka na--" pagpapaalaala pa nito, bago maglakad palayo. "--- kung kailangan mo ng kausap, wag ka mahiyang lumapit sa akin ha." Tumango naman siya at saka sinaraduhan muli ang pinto para dumeretso sa kanyang kama kung saan nakapatong ang cellphone niya. Nang mahawakan ito, automatic na dinala siya nang kanyang mga kamay patungo sa contacts. "Jhe," pagbasa pa niya sa pangalan ng taong nagpapasaya sa kanya ngayon, at saka masuyong hinaplos ang pangalan nito sa screen gamit ang kanyang hinlalaki. Sa totoo lamang, hindi siya mahilig sa pagtawag, lalo na ang pakikipag usap sa ibang tao, kilala man niya o hindi, pero nang makilala niya ang nag iisang babae na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Nakuha nito ang kanyang atensyon dahil sa matapang at kalmadong ugali nito, bukod sa lahat ay may isa pang bagay na napansin niya kay Jhe na hindi niya nakikita sa mga babaeng nakapalibut sa kanya lalo na kapag nasa school. Ang bagay na iyon ay ang katunayan na wala itong interes sa kanya, ang kakaibang charm at itsura niya ay walang epekto pagdating dito. Kapag kasama niya ang dalaga, pakiramdam niya ay nagiging isang normal na tao lamang siya. Naipapakita niya dito kung sino siya at kung anong tunay niyang nararamdaman. Hindi niya napapansin na habang iniisip ito ay may isang ngiti na gumuguhit sa kanya labi. Bago ang lahat ng mga pakiramdam na ito para sa kanya kaya naman hindi rin niya alam ang dapat gawin, naguguluhan man sa katunayan na gustong-gusto niya na laging makasama ang dalaga, pero hindi ibigsabihin noon ay ayaw niya sa ideya na iyon. Sa loob ng ilang taon, ngayon lamang siya nakaramdam na sumaya muli kaya naman wala siyang balak na pigilan ito. Habang nakapaskil pa rin ang masayang ngiti sa kanyang labi, nag-dial siya para tawagan ang taong naghahatid ng pakiramdam na ito sa kanya. Rinig niya ang pagri-ring sa kabilang linya, hanggang sa wakas ay sumagot na ito. "Oi Dude!" "Hey, I'm already home." ▼△▼△▼△▼△ JHE POV Nagising ako sa pagtilaok ng manok sa kapitbahay. Pupungas-pungas at napapahikab pa ako nang makabangon sa higaan. Umaga na rin kaya naman kailangan ko nang simulan ang aking araw. Tahimik na naman ang buong bahay sapagkat karaniwan na wala na ditong tao maliban sa akin. Maagang umaalis patungo sa trabaho ang aking mga magulang, habang ang aking kuya naman ay papunta sa kanyang part time job, gusto kasi ni kuya na makatulong kay mudra at pudra. Kaya nagtatrabaho na siya para masustentuhan ang ilang bayarin sa school para di na ang aming mga magulang ang magbigay sa kanya. Ang buhay namin ay hindi ko masasabing sobrang hirap, pero hindi rin naman maginhawa. Sa totoo nga niyan ay lagi kaming kapos sa pera dahil parehas kaming nag aaral ng kapatid ko. College siya at graduating sa high school naman ako, napakarami naming gastusin kaya di maiwasan ng aking mga magulang na umutang sa 5:6 at bumbay. Gusto ko man tumulong, pero wala naman akong maisip na pwedeng pasukan na trabaho lalo na at 16 years old pa lang ako. Hindi ko tuloy mapigilan na di mapabuntong hininga habang naglalakad patungo sa banyo para maghilamos. May nakasampay ding face towel sa aking balikat para gawing pamunas ng mukha pagkatapos. Sabado ngayon kaya walang pasok, nandito ako sa bahay buong araw para maglaba at maglinis, syempre di rin mawawala ang mga project na dapat gawin para maging maayos ang aking pag graduate. Alam kong ilang buwan pa iyon, pero wala namang masama na maging excited. Matapos magpunas ng mukha, nakaharap ako sa aking durabox at magkakalkal ng damit na susuotin pamalit dito sa pantulog na suot ko ngayon. "Eyy nu ba yan, parang di na ako makahinga dito ah," bulong ko pa sa aking sarili habang hinuhubad muli ang damit, sikip na kasi ito sa akin at di na magkasya. Nakanguso akong napaharap sa salamin na nakadikit sa takip ng durabox. Sinilayan ko ang aking mataba at bilbihin na katawan. "Sadt, kailangan ko na ata talagang mag exercise ah, ang taba mo na Jhe." Pinisil-pisil ko pa ang aking bilbil at puson. Habang nasa ganun akong posisyon nang bigla akong makarinig ng malakas na pag katok sa aming gate. Ewan ko nga kung katok pa ba iyon o hampas na. Dahil sa gulat ay napatakbo ako sa may bintana at sinilip kung anong meron sa may gate. Hindi ko na naalala na wala pa nga pala akong suplot na pang itaas. Hinawi ko ang kurtina sa aking maliit na bintana at sinilip ang nangyayari sa baba. Gulat at napanganga akong napatingin sa pamilyar na pigura na nakatayo sa labas ng gate. Kita kong hahampasin na naman niya ang gate namin na gawa sa yero kaya napasigaw ako ng wala sa oras. "Dude, gago ka! Wag mong hampasin yan. Mainggay!" Mabilis ko namang nakuha ang atensyon niya at napatingala sa aking dereksyon, pero bigla akong napataas ng kilay nang makita ko na halos di pa nagtatagal na nakatingin siya sa akin ay mabilis din siyang napayuko. Parang di rin siya mapakali at nagmamadaling binunot ang cellphone sa bulsa. Maya-maya pa rinig ko na tumunog ang luma kong cellphone sa higaan. Dinampot ko iyon at sinagot. "Anong ginagawa mo d---" "Please, wear something on." 'Ha? Ano daw?' isip-isip ko pa habang naglo-loading ang aking utak. Hindi pa ako nag aalmusal eh mag aalas otso na kaya siguro lutang pa ang aking utak sa ngayon. "Hey, can you hear me?" tanong pa niya kaya nagising ako sa aking pagkatulala. "Oo, anong ibigsabihin m--" "You're just wearing a bra." 'Ahhh b*a daw.' "Ah--- TANGNA!!!" di ko mapigilang sigaw nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya at saka mabilis na napatingin sa aking sarili. Hala nga! lupa, tubig, apoy, kainin nyo na ako, iligtas nyo ako sa kahihiyang ito. Dahil sa pagkagulat ay napatay ko ang tawag at napatalon sa higaan habang nagtatakip ng kumot sa buong katawan. Habang naglalamay pa ako sa namatay kong kahihiyan nang marinig ko muli na nagring ang aking cellphone, si Dude ang natawag. Ayaw ko pa sana iyong sagutin dahil nahihiya pa rin ako, pero naisip ko na baka importante ang ipinunta niya dito. Kaya naman habang nakabalot pa rin sa kumot ay sinagot ko ang kanyang tawag. Napatighim muna ako bago magsalita. "Ahem, ano ba talaga kailangan mo?" pilit kong pinapa-kaswal ang aking boses para di niya mapansin kung gaano ako naapektuhan ng nangyari. "Nothing, I just want to hang out," sagot pa niya. Tumayo naman ako mula sa kama at sumilip muli sa bintana, kalahati lang ng mukha ko ang nakalabas para tingnan kung anong ginagawa niya. "Yun lang? Daig mo pa ang may interview sa aga mo ah." Minsan nagugulat pa rin ako sa mga padali niyang ganito, may sapak ata talaga ang lalaking 'to sa utak. "I want to see you," turan pa niya na parang iyon ang pinaka-obvious na bagay sa lahat. Kailangan ko na ata talagang masanay sa pagiging straight forward nya, lalo na sa pagsasalita at sa galaw. "Hayss, ewan ko sayo, wait lang magdadamit lang ako," napapabuntong hinga na sagot ko sa kanya. Siguro naman kapag naisip niya at napansin na boring dito sa amin ay siya na ang magkusang umalis. Sa takbo kasi nang pag uusap namin ngayon, siguradong kahit anong palusot at pagtataboy ko sa kanya, hindi siya aalis. Bago umalis sa bintana ay napansin ko pa ang bahagya niyang pagtango habang nakadikit pa rin sa kanyang tenga ang telepono. Maayos na sana ang lahat kung hindi ko lamang narinig ang sunod na sinabi niya. "Mn, pink suits you." Pagtukoy pa niya sa kulay ng b*a na suot ko. "Gago!" ▼△▼△▼△▼△ "Oh milo, di kami nagkakape dito," alok ko pa sa kay Dude, sabay lapag nang baso ng milo sa harapan niya. "Mn." Tumango lang siya, pero hindi ginalaw ang baso. "Ay teka, bili lang ako tinapay dyan sa tapat, hintayin mo ako," nagmamadaling saad ko nang maalala na baka kaya ayaw nya dahil walang tinapay. Hindi pa rin naman ako nag aagahan kaya sabay na kami. Tumayo ako para bumalik sa kusina at kunin ang bente pesos na iniwan ni mader para sa akin. Kaso nga lang, di pa ako nakakaalis nang pigilan niya ako. "I'll go with you." Pagpiprisinta pa niya sa akin, pero mabilis ko itong tinanggihan. "Hindi na, bantayan mo na lang ang bahay, pramis mabilis lang ako. Bibili ako pandesal, gusto mo din ba nun?" "Anything is fine," sagot naman niya kaya mabilis kong kinuha ang pera at lumabas ng bahay. Sure naman akong mapapagkatiwalaan si Dude, at saka wala namang mananakaw sa aming bahay. Nang makarating sa bakery dito sa tapat lang halos ng aming bahay, bigla kong naalala ang naganap kagabi. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit malakas ang loob ng bwisit na yang si Dude na magpunta dito sa amin kahit wala namang kailangan. Lakas talaga ng trip nya. Nasa kusina pa lamang ay kinausap ko na si mader tungkol sa balak ni Dude. "Mader~ p-pwede ba akong umalis sa sunod na weekend?" lakas loob kong tanong kay mader na may kasamang paglalambing matapos inumin ang tubig sa baso na hawak. Dapat para kay Dude yung tubig, pero mukhang mas kailangan ko yun sa ngayon. "Saan ka naman pupunta?" mabilis na tanong ni mader na kahit ako ay nagulat dahil sa biglaang paglingon niya paharap sa akin. Kinilabutan ako, akala ko sinaniban na si mader ng masamang espirito. "Ah-- hehe, I-Isinasama daw po kasi ako ni Dud--Kyle sa school nila bilang partner nya. Pwede ba mader?" "Partner? Tungkol saan?" Pansin ko na medyo, bumaba ang tono niya ng marinig ang pangalan ni Dude. Malakas talaga ang lukong yun sa mga magulang ko. "S-Sya na po ang tanungin nyo para maipaliwanag nya ng maayos hehe," napapayukong sagot ko pa, di ko mapigilan na di kabahan dahil sa mga tingin na ipinupukol ni mader sa akin. Tumango lang naman si mader at saka inutusan akong tawagin na si Kuya, Pudra at Dude para maghapunan. Habang naglalakad pabalik sa sala, naalala ko na iniwan ko nga pala si Dude, kay na kuya at pudra. 'Buhay pa kaya siya?' isip-isip ko, at saka sumilip nang bahagya papunta sa sala. Nang masilayan ang nangyayari sa kanila, doon ko napatunayan na may kakaibang powers ata talaga itong si Dude. Kahit napaka-seryoso niya at blanko lagi ang ekpresyon ng mukha, hindi maitatanggi ang matinding karisma na meron siya. Wala pang ilang minuto nang iniwan ko sila kanina, ngayon daig pa nila ang tunay na magkaka-mag anak at pamilya. Ang kuya ko na parang papatay na kanina sa sama kung tumingin sa amin, ngayon ay nakikipag tawanan na kay Dude at pudra. "Jon, bili ka red horse mag iinuman tayo." Rinig ko pang saad ni pudra sa aking kuya kaya naman mabilis akong lumapit sa kanilang kinalalagyan. "Pudra, wag nyong painumin si Dude! Magmamaneho pa yan pauwi." "Ah Oo nga pala," pag sang ayon pa ni Pudra at Kuya habang napapatango sila. Bago pa sila makaisip na naman ng mga kalukohan na gagawin. Minabuti ko nang anyayahin na sila sa pag kain. "Kakain na nga pala," turan ko, sabay turo sa kanila kung saan ang dereksyon ng kusina. Sumunod naman sila sa akin at saka umupo sa mga silya habang kami naman ni mader ang naghahanda ng pagkain. 'Alam nyo na, gawaing babae, kailangang pagsilbihan ang mga kalalakihan,' sarkastikong ani ko pa sa aking isipan. Nang maayos na ang lahat at nakaupo na kami, nakapagdasal na rin at nagsisimula nang kumain. Napasilay ng kaunti sa akin si Dude at saka sinimulan ang kanyang pakay. Nung una medyo nagulat sina pudra at kuya dahil hindi nila inaasahan iyon, habang tahimik lang naman si mader at nakikinig sa paliwanag ni Dude. "Sana po, pumayag kayo na maging partner ko si Jhe, this coming next weekend." Matapos niyang sabihin iyon, namayani ang katahimikan sa buong paligid kaya naman kahit ako ay napatigil sa pagkain dahil sa kaba. "Ahem." Nagkatinginan kami ni Dude, nang mapatighim si Pudra. Halos lalabas na sa aking dibdib ang puso ko na patuloy na nagwawala dulot ng kaba. "---- Kyle," pagtawag pa ni pudra kay Dude kaya mabilis itong humarap. "Yes po?" sagot pa ni Dude, na mukhang chill lang, pero alam kong kinakabahan din siya. "Tiwala kami sayo na iingatan mo si ineng doon, dalawang araw lang naman yan di ba?" "Yes po tatay, susunduin ko din po siya dito at ihahatid pagkatapos ng event," confident at nakangising sagot niya. "Good yan, sige payag na tayo Ma?" tanong pa ni Pudra kay Mader, tumango naman ito kaya napangiti na rin ako sa tuwa. Mabuti na lamang din at okay na din sila ni Kuya kaya naman hindi na ito tumutol at sumang ayon na rin. Matapos ang nakaka-kabang tagpo na iyon. Masaya naming ipinagpatuloy ang pagkain ng hapunan. Matapos namin kumain, nagkaroon na naman ng madamdaming pagpapaalam ang aking pamilya kay Dude. "Kyle, bukas lagi ang bahay namin para sayo." "Tama yun, dalaw ka lagi sa amin." May pag saludo pang ani ng aking Kuya. Nakapagtataka lamang sapagkat, mula sa pag kakakilala ko sa aking pamilya, hindi sila mabilis mapalagay ang loob o magtiwala sa iba, pero pagdating kay Dude parang nahihipnotismo ang mga ito. 'Hays, may kapangyarihan ata talaga itong lukong 'to.' saad ko pa sa aking isipan, nang ihahatid ko na siya sa labas. "Hays, kinabahan ako doon, Dude," natatawang ani ko habang tinutukoy ang nangyari kanina, at saka binuksan ang gate. "Mn," tipid na sagot niya. Dahil sa munting himig na iyon, napaisip ako kung napipilitan lang ba siya na kausapin ako. Kapag sina mader ang kausap, kasigla niya tapos kapag sa akin naman akala mo ibon ang kausap, at sapat na ang pag "Mn" niya. Ewan ko, bahala siya, sa halip na mainis ay nagpakibit balikat na lamang ako. Nang makalabas kami ng gate, nakayuko ako at hindi maamin na pag tatampo dahil sa kakaibang treatment niya sa akin, kaya hindi ko napansin na humarap na pala siya sa akin. Nagulat na lamang ako nang maramdaman ko ang pagbalot nang mainit niyang katawan sa akin. Masarap iyon sa pakiramdam sapagkat malamig ngayong gabi. "D-Dude?" "I'm happy, thank you so much," bulong pa niya, habang mahigpit na nakayakap sa akin. Napangiti na lamang ako ng tipid nang marinig iyon, ramdam ko din ang pagkawala ng aking mga iniisip at sama ng loob dahil sa simpleng pagyakap niya sa akin. Dahil doon ay hindi ko napigilan na mas sumiksik palapit sa kanyang katawan. "Neng! Tinapay mo!!!" "Ha? Ah-- Opo, salamat po," nahihiya at gulat na saad ko dahil sa sigaw ng tindera. Mabilis ko ding inabot ang supot ng tinapay at saka tumakbo palayo. 'Bwisit! nakakahiya to the max yun!' sigaw ko pa sa aking isipan, lalo na nang maalala ko ang pagngingiti ko pa habang nagpapantasya kanina. Kaso, di pa ako nakakatawid ng kalsada nang marinig ko muli ang boses ng tindera. "Ui Neng!!!" "Bakit po?!" tanong ko din pabalik. "BAYAD MO!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD