JHE POV
"Pwuahhh!!!" paghihikab ko pa dahil sa antok habang nakasakay sa kotse ni Dude. Linggo ngayon at patungo kami sa simbahan para dumalo sa misa at magpa-perma ng mass attendance namin.
Dahil natapos ko na ang lahat ng gawain kahapon, sa tulong na din ng magaling kong bisita kaya naman kanina ay napasarap ako ng tulog. Siguro kung di tumawag si Dude, baka nakalimutan ko na magsisimba nga pala kami. Nawala kasi sa aking isipan dahil sa antok.
Habang nasa byahe kami, pinilit kong pinapanatili na gising ang aking sarili, mahirap na at baka makatulog din ako dito.
Kaya naman, sa halip na sa labas ako ng bintana tumingin, lumingon na lamang ako kay Dude, at ano pa nga ba ang aking nasilayan, kung hindi ang blanko niyang mukha habang tahimik na nagmamaneho.
Kahit walang masaya at nakaka aliw sa mukha niya, hindi ko pa rin mawari kung bakit habang nakatitig sa kanya, hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti lalo na nang maalala ko nangyari sa pagbisita niya kahapon.
Mula sa maganda at maangas niyang tindig, gwapong mukha, aura na pang mayaman at kabuohan niya na sumisigaw na nabibilang siya sa elite o mayayamang pamilya. Hindi ko aakalain na marunong siyang maglaba, at maglinis ng bahay. Yung mga gaya kasi niyang mga mukhang prinsipe (ng kadiliman) ay karaniwang spoiled at di marunong ng mga simpleng gawain.
Pero hanga ako kay Dude ha, wala siyang arte at tinulungan akong maglampaso ng sahig, maglaba at magbanlaw.
Syempre para di mabasa ang mamahalin niyang pantalon, pinahiram ko muna siya ng short ng kuya ko. Tinganggap naman niya iyon at ginamit.
At dahil dalawa kaming kumikilos, maagang natapos ang aming gawain. Walang ulam sa bahay kung hindi sardinas kaya ginisa ko na lang iyon at saka nagsaing ng kanin.
Kahit napapataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa ulam namin, walang reklamo din naman niya iyong kinain.
Nang manumbalik sa aking isipan kung paano siya ngumiti at purihin ang luto kong sardinas na ginisa ay talagang hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang irregular at mabilis na pagtibok ng puso ko.
"What is it?"
"Huh?" tanong ko din sa kanya.
"You're staring."
"Ahh di ah, inaantok kasi ako." pagtanggi ko pa, habang napapanguso. Di ko alam na kahit di siya nakatingin, ramdam pala niya ang pagtitig ko.
"Mn." Tipid na tugon pa niya sa akin at walang balak na itago ang ngisi sa labi niya.
Hindi ko na lamang siya pinansin pa at tahimik na umupo habang nakikipaglaban sa aking antok. Wala akong magagawa, antukin talaga ako ih, nakatulog man ako ng maayos sa gabi o hindi pagdating nang umaga, asahan na ang pagbagsak ng talukap ng mata ko.
Mabuti na lamang at makalipas ang ilang sandali, nakarating din kami sa wakas. Tama lang ang dating namin, hindi pa nagsisimula ang misa at may mga bakanteng upuan pa sa paligid. Ang pinili namin ay iyong katapat ng electric fan para di mainit.
Nag intay pa kami ng ilang minuto bago magsimula ang misa, tumayo kapag kailangan tumayo, lumuhod kapag kailangang lumuhod, kumanta at magdasal. Tumanggap din kami ng ostia pagkatapos pumila patungo sa harap ng altar at tumanggap no'n.
"Amen," bulong ko pagkatapos isaw-saw ang kamay sa holy water at mag-sign of the cross.
Kita ko ganun din ang ginawa ni Dude at saka sumunod sa akin palabas. Kahit napakadaming tao sa paligid dahil katatapos lang ng misa. May napansin akong isang pigura mula sa di kalayuan, nang mapagtanto ko kung sino iyon.
Mabilis kong hinila ang kamay ni Dude patungo sa may likod ng simbahan para magpaperma.
'Shete, nagkasabay pa ang oras ng pagsisimba namin ni Rona,' isip-isip ko pa, habang hawak ang kamay ni Dude. Mabuti na lamang at maraming mga tao kaya hindi niya kami napansin.
Kita ko din na may kausap siyang lalaki na kasama, baka bagong syota ni Loka. Hindi lang yun, lalong nanlaki sa gulat ang mata ko nang makita na kasama din pala niya si Leah at iba pa naming kaklase. ' Wtf, kailangan naming bilisan bago pa nila kami makita.'
"What's wrong?" napalingon pa ako dahil sa tanong nitong kasama ko, habang patuloy ko siyang hinila o kinakaladkad na ba dahil sa bilis ng takbo ko.
"Hehe, wala naman bilisan natin, para mauna tayo sa pila," pagpapalusot ko pa nang makarating kami. Napahinga ako ng maluwag nang makita kong maigsi pa ang pila, ibigasabihin ay nauna nga kami.
Jusko, sana di kami makita ng babaeng yun, siguradong aasarin at kukulitin ako no'n pagnagkataon. Iniisip ko pa lang ang nakakalukong mukha nila habang di nila ako pinapatahimik sa klase ay talagang isang malaking bangungut.
"Salamat po," ani ko at saka yumuko pa nang bahagya matapos permahan ng pastor ang aking mass attendance na hawak.
Habang nagpapa-perma si Dude, para naman akong bodyguard kung makalingon sa aming likuran, baka kasi nasa malapit na si Rona at ang iba naming kaklase.
"Done."
"Ayy!!!" napasigaw ako sa gulat nang marinig ang bulong niya sa aking tenga.
Dahil abala ako sa pagtingin sa paligid, di ko talaga inaasahan ang kanyang ginawa. Inis at nahihiya akong napatakip sa aking tenga habang nakatingin ng masama sa kanya. Ngumisi lang naman siya sa akin at saka hinawakan ang aking kamay.
Dahil sa nangyari ay naibaba ko ang aking guard, pagliko namin paalis doon, halos mahimatay ako nang makitang kasalubong namin ang grupo nina Rons.
Parang tumigil ang aking puso sa pagtibok nang lumingon si Rona sa aming dereksyon ni Dude. Pero, ang sumunod na mangyayari ang di ko inaasahan. Bago pa ako makita ni Rona, niyakap ako ni Dude at saka tumalikod para sanggahan ako. Hinila din niya ako sa gilid para di takaw pansin ang posisyon naming dalawa.
Dahil sa kaba ay napayakap na lang din ako sa kanya nang mahigpit.
Lumipas ang ilang minuto at nang balak ko nang lumayo sa kanya, bumulong pa ito sa akin. "Who are they?"
"M-Mga kaklase ko yun, wooh! kinabahan ako," saad ko pa, habang nakapatong ang aking kamay sa dibdib niya at mahinang itinutulak iyon palayo sa akin.
Pero, kahit ilang beses na itulak ko siya nang mahina, umakwat nga ang katawan niya sa akin, pero ang dalawa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa pagkabila kong bewang.
"Umuwi na tayo Dude, nanghina ang tuhod ko doon ah," natatawa ko pang turan sa kanya, at saka tinatanggal ang kamay niya na ayaw alisin sa aking bewang. Naiinis na din ako sa kanya dahil sa pagpisil niya sa aking taba doon.
"Are they bullying you," yumuko pa siya at bulong muli sa akin. Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha sa ngayon. Base sa boses niya, seryoso siya at hindi nagbibiro.
Napangisi ako nang maisip na baka iniisip niyang nabubully ako sa school kaya nagtatago ako.
"Luko hindi, kaibigan ko sila, malakas lang talaga mang asar ang mga iyon. Sigurong hindi nila ako titigilan." Dahil mukhang wala siyang balak na bitawan ako kaya hinampas ko na ang kamay niya dulot ng inis at saka naglakad palayo.
"Hey." Paghabol pa niya sa akin. Hindi ko naman siya pinansin. Luko ih, pinaglalaruan ba naman ang taba ko, anong akala niya sa akin stress ball.
Kung pisilin niya ang tagiliran ko akala mo ay malambot na bagay.
'Malambot naman talaga,' bulong naman ng aking isipan kaya lalo akong nainis, pati ba naman sarili kong utak lakas na din mang-trip.
"Hey ka din! Porket wala kang baby fat kaya lakas mo mang asar ah." Paglingon ko pa sa kanya.
Hindi naman agad siya nagsalita, pero nang malapit na kami sa may parking lot ng simbahan. Napayukom ang kamao ko dahil sa sinabi niya.
"It's just that-- you're squishy!"
Hinarap ko siya at saka hinampas sa dibdib. "Gago ka talaga, kailangan bang isigaw yun!?"
Napatawa lang naman siya kaya di ko na din napigilan ang sarili kong mapangiti at mahawa sa kanya. Nang tumigil na ako sa paghampas sa kanyang dibdib. Nakuha pa muli niyang igapang ang kanyang isang braso sa aking bewang at saka tumungo, sakto namang nakatingala ako sa kanya kaya nagtapat ang aming mukha at ilang pulgada na lang ang naghihiwalay sa amin.
"I'm sorry, I'm not making fun with your body."
Sa halip na sumagot, pinisil ko na lang din ang ilong niya bilang pagtanggap sa kanyang panghingi ng tawad.
Narinig ko naman muli ang mahina niyang tawa at saka niyakap na naman ako, hayss mukhang mula ngayon, kailangan ko nang masanay sa pagiging clingy niya.
Wala naman iyong problema sakin sapagkat masarap sa pakiramdam ang kanyang pagyakap, bukod pa roon kapag nakabalot ako sa kanyang katawan, pakiramdam ko ang matinding sense of security at kapanatagan.
Tinapik ko ang kanyang likuran kaya humiwalay naman siya sa akin sabay sabing pumasok na ako sa kotse.
"I will give you something."
"Pagkain ba?" masaya ko pang tanong kaya napailing siya na para bang nagsasabi na "Ayaw mong asarin na mataba, pero mahilig ka naman kumain."
"Nope, but after this we're going to eat somewhere."
"Okay, ano ba ibibigay mo?"
Sumakay na din siya sa kotse at saka may kinuha sa compartments sa dashboard ng sasakyan.
Parang supot iyon na may lamang sa tingin ko ay bracelet? Hindi rin ako sigurado.
"Ano yan?" pag uusisa ko pa sa hawak niya.
"Let me put this to you," aniya, matapos ilabas sa magandang balutan ang isang bracelet, at isuot iyon sa aking kamay.
May paghanga naman ako napasilay sa magandang pulseras na suot, napansin ko rin na gawa pala ito sa bakal na chain at may makukulay na beads, meron ding isang maliit na plate kung saan pangalan ko ang nakalagay.
"Wow, ganda naman nito Dude, salamat," nakangiti ko pang pagpapasalamat sa kanya. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako ng regalo mula sa kaibigan, pero bakit pakiramdam ko kapag galing sa kanya ay espesyal.
"No worries, here's mine," turan pa niya, kaya napalingon ako, nakalahad sa aking harapan kanyang bracelet at mukhang gusto niyang isuot ko din sa kanya.
Wala namang problema sa akin kaya dahan-dahan ko ring ikinabit ang friendship bracelet namin sa kanyang kamay.
Sa tingin ko hindi si Dude yung tipo ng lalaking mahilig sa mga ganito ka-corny at lame kung tutuusin na bagay, pero sabi pa nila 'don't judge the book by it's cover' may ka-dramahan din pala siyang side.
Di ko mapigilang di mapangisi ng sa unang pagkakataon ay tunay na nakaramdam ako ng kilig.
▼△▼△▼△▼△
3RD PERSON POV
NANG makaalis ang sinasakyang kotse ni Jhe at Kyle papunta sa isang fast food chain para kumain bago umuwi.
Nagpunta naman sa isang mall ang mga kaklase ni Jhe na sina Ronna, Leah at iba pa. Nagpasya ang mga ito na magbonding pagkatapos magsimba kanina.
Narito sila sa isang arcade sa loob ng mall para maglaro nang biglang mapalingon di Rona sa katabi nitong si Leah.
"Leah!" pagtawag pa ni Ronna sa kaibigan.
"Bakit?" sagot naman nito, matapos makaharap sa kanya.
"Anong nga daw oras nagsisimba paglinggo si Jhe?" pasigaw na saad niya, dahil sa inggay ng paligid. Napaka-dami kasi ditong mga kabataan na tulad nila at ang iba pa ay mga ka-school mate pa nila sapagkat weekend ngayon.
"Di ko din alam, akala ko ba ay inanyayahan mo siya na sumama sa atin ngayon!?" sigaw din naman nito pabalik.
Dahil nahihiya na siya sa pagsigaw kaya lumapit na siya sa tenga ni Leah at doon nagsalita. "Oo, nagtext ako sa kanya kanina kaso di ata nabasa."
Tumango naman ito at saka nagsalita muli. "Bakit mo nga pala natanong?"
"Ah wala, namalikmata ako kanina. Akala ko ay nakita ko siya kanina sa may simbahan."
"Ah, wag mo nang isipin, masama daw yan," pananakot pa nito na tinutukoy ang isang masamang pangitain kapag daw nakita mo ang kamukha ng kakilala o sarili mo, ibig sabihin daw no'n ay may mapapahamak o mamamatay.
"Gaga! Wag ka nga magsalita ng ganyan," inis na saad pa niya dito at saka hinampas ang braso ng kaibigan.
Napatawa lang naman ito at saka inanyayahan na siyang magpunta sa harap ng isang claw machine. Nagpadala na lamang siya sa panghihigit nito, pero habang naglalaro sila hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang sinabi ni Leah.
Dahil sa kaba, ipinangako niya sa sarili na tatawagan si Jhe pag uwi niya. Bukod pa roon, may isa pa siyang naalala. Yung kamukha ng kanyang kaibigan ay may kayakap na lalaki?
"Ui natulala ka na dyan, Rona."
Nagising siya at napabalik sa katotohanan dahil sa panggugulat ng kaibigan na si Leah.
"Wala naman," tipid na saad na lamang niya dito, habang naglalakad sila papasok naman sa isang karaoke booth.
"Nga pala, sama ka sa amin sa sabado ha," biglang saad pa nito sa kanya, kaya tiningnan niya ito ng may pagtataka.
"Saan?"
"Anong saan? di ba nasabi ko na sayo nung isang araw. May event sa LPU, naku sure akong maraming gwapo at mayayamang fafabels dun."
"Ikaw talaga, di ba may syota ka na," napapailing pa na aniya dito. LDR kasi si Leah at boyfriend nito. Hindi pa nga nagkikita ang dalawa, nagkakilala lamang sila sa chat.
"Ano ka ba, di naman niya yun malalaman," natatawa pang pahayag nito na para bang hindi big deal ang bagay na iyon.
"Bahala ka, basta punta lang tayo ah, wag kang manglala-laki dun," pagbibiro na lamang niya.
"Oi di ako malandi ah, pero depende din yun," nakangisi pang anito, at saka nag-flip ng mahaba nitong buhok na akala mo ay model sa commercial ng shampoo.
Napabuntong hininga na lamang siya at di na lang pinansin ito. Bigla niyang naisip na anyayahin muli ang kaibigan na si Jhe, kaso ang pagkakaalam niya. Strikto ang mga magulang nito kaya ipinagpaliban na lamang niya ang balak.
▼△▼△▼△▼△
NANG hapon ding iyon nakauwi na si Jhe sa kanila matapos manggaling sa simbahan at fast food. Narito pa sila sa loob ng kotse na nakaparada sa tapat ng bahay ni Jhe.
"Bye Dude, salamat," aniya pa, habang nagtatanggal ng seatbelt.
Hindi naman nagsalita ang kanyang kasama kaya napalingon siya dito bago bumababa ng sasakyan. Katulad na nga ng kanyang iniisip at nangyayari ng mga nakaraang araw. Hindi siya nito pinapababa at pinapaalis nang wala munang yakap.
"Ba-bye, ba-bye," nakangiting saad niya, habang sinusuklian ang mahigpit nitong yakap. Nakalapit na rin naman ito sa kanya kaya di na niya pinigilan na amuyin ito.
Natatawa din siya sapagkat kung makapagpaalam ito ay parang di na sila magkikita pa. Hindi na lang siya nagrereklamo sapagkat masaya naman sa pakiramdam na may isang tao na nagpapahalaga at nangangailang sayo.
Tinapik-tapik pa niya ang likod nito habang patuloy na niyayakap. Makalipas ang ilang sandali, umagwat din ito at saka bumitaw sa kanya. Kumaway pa siya bago bumababa sa kotse at isara ang pintuan nito.
Habang tumatawid sa kalsada, ramdam niya na nakasunod pa rin ang paningin nito sa kanya, at nang makalingon siya, tama ang kanyang hinala. Nginitian pa siya ni Kyle bago paandarin palayo ang kotseng sinasakyan.
"Mader!" masayang sigaw pa niya nang makapasok sa bahay.
"Neng, nandyan ka na pala, sya magbihis ka muna," utos pa nito mula sa kusina. Tumango naman siya at mabilis na umakyat sa kanyang munting kwarto.
Napapakanta pa siya habang nagbibihis dahil sa saya, lalo na kayang nasisilayan niya ang bracelet na suot. Matapos magbihis nang mapadako ang kanyang paningin sa kama, doon lamang niya napagtanto na naiwan pala niya ang cellphone kanina.
Masyado okupado ang kanyang isipan kapag kasama niya si Kyle kaya siguro hindi na niya iyon naalala pa. Bago bumaba, naisipan niyang icheck ito. Pagbukas pa lang niya, nakita na niya ang isang message.
"Hala, nagtext pala si Rons, di ko nabasa," bulong pa niya sa sarili, habang binabasa ang laman ng text.
Ronna: bes, sama ka sa amin, ngayon kaming hapon magsisimba, pupunta din kami sa mall para magbonding.
Inaanyayahan pala siya nito na sumama magsimba, hindi naman niya nabasa kaagad. Ngayon alam na niya kung bakit magkakasama ang mga kaklase kanina. Nagkayayaan pala ang mga ito.
"Sa susunod na lang bes," bulong na lamang niya sa sarili sapagkat wala naman siyang load para itext ito.