JHE POV TULALA ako habang nakahalungbaba sa aking desk. Nasa school ako at lunch namin, pero wala akong ganang kumain. Habang ang aking best friend naman na si Rona ay walang awa sa pagkagat sa chicken leg na kanyang ulam. Gusto ko sanang mainggit, pero ang salaula at ang kalat niyang kumain. "Ui Sis, aba kain na. Mamaya pa ay time na hindi ka pa nakakapagsimula," saad pa niya nang mapagawi sa akin ang kanyang paningin. Mukhang ngayon lang niya ako napansin matapos ang pakikipagbakbakan niya sa ulam na hawak. "Ah oo, ito na nga," nagising na tugon ko sa kanya at saka binuksan ang baunan ng kanin na nasa aking harap. Alam kong masarap ang pabaon na ulam ni mader sa akin ngayon, pero di ko pa rin magawang ganahan sa pagkain. "Ano bang problema mo, halos isang linggo ka nang ganyan ah," p

