Chapter Sixteen

1980 Words
(Sunny) "Tao po!" sabay-sabay naming sigaw mula sa labas ng gate ng bahay ng dalawang matanda. "Sandali lang," narinig naming sagot ni Lola Ester, lola nila Kye at Elton. Inayos nito ang suot na salamin at pinag buksan na kami. "Hi, Lola Ester!" sabay sabay din naming bati sa kanya na puno ng galak ang aming mga mukha. Sa totoo lang kasi sobrang na miss din namin sila ni Lolo Nestor. "Naku! Ang mga apo ko," halos hindi makapaniwalang bulalas ni Lola Ester. "Halina at pumasok na kayo," aya nito at nagsipasok naman kami kaagad. Isa-isa kaming nagmano sa kanya at dahil ako ang panghuling nagmano sa kanya ay agad nito akong napansin. Bigla nito akong hinawakan sa magkabilang pisnge at niyakap. "Nandito din ang paborito kung apo," sabi nito sa akin. "Lola naman, siya lang po talaga ang paborito mo?" nakasimangot na ingos ni Ricky kaya ayon nakatikim na naman ng batok kay Pearl. "Syempre! Lahat naman kayo paborito kung apo, diba Sunny?" sa akin naman ito tumingin. "Oo naman po, Lola Ester. Teka,nasaan na po si Lola Nestor?" takang tanong ko. Sa mga ganitong oras kasi ay nasa bahay na niya ito at nanonood ng paborito niyang variety show sa tanghali. "May binili lang sa palengke. Maya-maya nandito na iyon. Pumasok na nga tayo sa loob at ng maipaghanda ko na kayo ng tanghalian ninyo. Hindi naman kasi kayo nagpasabing dadating kayo kaya hindi tuloy ako nakapagluto ng tinolang manok sa palayok." "Okey lang po iyan Lola. Hindi pa naman kami gutom," ani ni Elton at tinaasan lang namin iyon ng kilay. As if naman kasi na hindi siya gutom. Eh, kani-kanila lang na nagreklamo na gutom na siya. "Mabuti naman kung ganun," natatawang sagot nito kay Elton at pinisil-pisil nito ang matabang mukha ng apo. Napadapo naman ang mata nito kay Kye at nginitian niya ito. Ganoon din ang ginawa ni Kye at mabilis itong yumakap sa lola niya. "Ang gwapo kung apo nandito rin pala. "Tuwang-tuwa na sabi ng matanda. May kalabuan na kasi ang mata ni Lola Ester kaya minsan. It takes a second bago niya maaninag ang mukha mo. "Lola, nandito rin po ako baka nakalimutan nyo na," natatawang sabat ni Pearl. Kumalas na ito kay kye at kay Pearl naman lumapit. "Ang pinakapanganay kung apo ay narito din pala at syempre," nakangiti itong tumingin kay Ricky. "Ang maganda kung apo." Maarte namang kumaway-kaway ang bakla na feel na feel naman nito na maganda talaga siya.Tsssh! "Na nagmana lang po sa inyo," dugtong ni Ricky sa sinabi ng matanda ngunit pinagtawanan na lang namin iyon. Pinandilatan naman niya kami ng mata ni Pearl pero as usual, deadma lang sa amin. "Inggit lang kayo kasi hindi kayo sinabihang maganda." pagmamayabang niya pa. After naming mag kamustahan kay Lola Ester ay naghanda na ito sa kusina ng pananghalian namin. Tumulong naman si Pearl at Ricky dahil sila ang may alam sa kusina. Habang kaming tatlo ay napag-utusan naman na linisin muna ang kwarto na tutulugan namin mamaya. Ako ang nagwalis at si Elton naman ang nagpupunas. Masyado na rin kasing maalikabok ang sahig. "Nasaan na ba ang pinsan mo?" tanong ko sa kanya ng mapansin kung wala na si Kye sa loob ng kwarto. "Baka nasa labas na at nagpapahangin. Alam mo naman iyon, ayaw sa alikabok." sagot nito habang nagcoconcentrate talaga sa ginagawa. Ang maganda lang talaga sa ugali ni Elton ay masipag ito pagdating sa ibang gawain kahit na may katakawan nga lang ito sa pagkain. "Ibabalik ko lang itong walis sa baba ha," paalam ko dito pero ang totoo ay hahanapin ko lang naman kung saan na napadpad ang masungit na pogi na iyon. "Sunny?" nakangiting tawag sa akin ni Lolo Nestor. Nilingon ko naman ito at kaagad na nilapitan para makapag-mano. "Ang apo kung maganda ay dalaga na talaga." Tuwang-tuwa naman ako sa narinig kaya niyakap ko din ito ng mahigpit. Parehong hindi ko na nameet ang mga grandparents ko sa both side ng parents ko kaya parang totoong grandparents na talaga ang turing ko sa lolo at lola nila Kye. "Naku, si Lolo naman. Bolero pa rin hanggang ngayon," ganting biro ko sa kanya at tumawa naman ang matanda. "Mabuti naman at napadalaw ulit kayo. Nagbabalak pa naman ang Lola Ester nyo na dalawin namin kayo sa susunod na linggo." "Eh di, dalawin nyo po kami ulit. I'm sure naman po kasing nami-miss na rin kayo ni Tito Ely( tatay ni Elton)," pagkukwento ko dito. Tito Ely at ang Papa ni Kye ang magkapatid. Dalawa lang silang anak nina Lola Ester at Lolo Nestor at puro pa lalake. Parehas din silang architect. "Gusto rin sanang sumama ni Tita Fe ni kaso masyado pa siyang busy sa kabubukas niyang clinic." dagdag ko pang sabi. "Bagong clinic?" tila nagulat ito sa narinig. "Opo," nakangiti kung sagot. "magsisimula na po ulit na manggamot si Tita Fe." "Mabuti naman kung ganoon. Medyo matagal din bago siya natigil sa ginagawa." Napansin kung tila may kunting bahid ng lungkot sa huling sinabi ni Lolo Nestor. Mukhang malungkot din siguro ito dahil sa dahilan kung bakit napatigil si Tita Fe sa pagtatrabaho. Gusto ulit kasi nitong mabuntis kaso hindi na ito binigyan pa ng pagkakataon. "Oo nga pala, bakit ka nga pala dito sa labas?" usisa ni Lolo Nestor at nag-isip naman ako kaagad ng dahilan. Alangan naman kasi na sabihin ko na hinahanap ko ang apo niya at ayaw ko itong mawala sa paningin ko. " Ano kasi," bigla akong napakamot sa batok ko. " isina-uli ko lang iyong walis at dustpan sa lalagyan niya." pagsisinungaling ko. "Ah ganun ba, akala ko kasi hinahanap mo na naman si Kye." "Po?" nanlaki ang mata ko sa narinig. Tumawa naman ang matanda sa reaksyon ko at ginulo-g**o nito ang buhok ko. "Hindi mo ba naaalala noong mga bata pa kayo? Lagi ninyong hinahanap ang isa't isa at hanggang ngayon mukhang ganoon pa rin kayong dalawa." Pagkasabi nito ay nagpaalam na ito na mauna na sa loob. Sinabi rin nito na nakasalubong niya kanina ang apo niyang si Kye na papunta doon sa ilog kung saan may malaking puno ng mangga. Alam na alam ko ang lugar na iyon kaya kaagad na akong naglakad papunta doon. Puno ng siglang binaybay ko ang daan papunta sa ilog na sinasabi ni Lolo Nestor. Hindi naman ito masyadong kalayuan sa bahay ng dalawang matanda kaya hindi ako takot maglakad mag-isa. Hinanap ko siya at kaagad ko naman siyang namataan sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Nakahiga ito sa damuhan at suot-suot na naman ang hooded jacket niya na kulay itim. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at mukhang tulog na tulog na naman ito habang nakasaksak ang earphones niya sa tenga. Dahan-dahan akong naupo sa tabi niya para hindi ko siya magising. Baka magalit na naman ito kung mapuputol ang mahimbing niyang tulog. Pinagmasdan ko siya ng mabuti, mula sa mata nitong napapalibutan ng mahahabang pilik mata na nakatago kapag suot na nito ang harry potter niyang salamin. Pababa sa matangos nitong ilong hanggang sa natural na mapupula nitong mga labi. Masasabi kung nag-uumapaw talaga ang kagwapuhan niya sa mga mata ko. Ngunit hindi na ako aasa pa dahil mukhang hanggang tingin na lang ako sa kanya. Were best friends at iyon lang talaga ang status ng relationship naming dalawa. At ang lihim na pagkagusto ko sa kanya ay isang malaking sekreto na dapat itago ng mabuti dahil kung hindi. Everything will be a mess and it will surely change. At sobrang nakakatakot iyon. Malala pa iyon sa pinakamasamang panaginip na napapanaginipan ko sa buong buhay ko. "What are you doing?" biglang tanong niya. Hindi ko napansin na gising na pala siya. Umayos ako ng upo dahil nakayuko ako kanina habang minamasdan siya. Kaagad din siyang bumangon at napatingin ulit sa akin na tila naghihintay ito sa sagot sa tanong niya kanina. "Gigisingin sana kita," palusot ko saka ngumiti para hindi halata na nagsisinungaling ako. "Mauna ka ng umuwi, susunod na lang ako." utos niya saka tumingala sa kalangitan. Hindi ko siya pinansin bagkus ay umayos ako ng pagkaka-upo. Isinandal ko ang likod ko sa malaking puno ng mangga para hindi mangalay ang leeg ko sa kakatanaw sa kalangitan. Ano ba kasi ang espesyal sa kalangitan ngayon at parang gusto niyang dito lang siya. Dahil ba iyon sa kulay asul na mga ulap? "Ano naman ang ginagawa mo dito na mag-isa?" tanong ko at sa kanya na ulit nakatingin. Mas gusto ko kasi ang view sa harap ko kaysa sa mga ulap sa taas. "Nagpapahangin," tipid niyang sagot. Nasa kalangitan pa rin ang mga mata. "Ang sabihin mo nag-iiwas ka lang sa gawain," paismid kung sabi. Inilapit naman nito ang kamay niya sa ulo ko at ginulo-g**o ang buhok ko. Nauna na itong tumayo "Halika na nga, uwi na tayo," aya niya. Kumilos naman ako para tumayo rin pero parang bigla na lang namanhid ang binti ko. "Kye?" mahina kung tawag sa kanya at hinawakan ang gilid ng pantalon niya. "Ano na naman ba?" masungit niyang sabi at sumimangot na lang ako na nakatingala sa kanya. Huminga ito ng malalim. Narealize naman siguro nitong nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. "Bakit ba?" tanong niya ulit ngunit mahinahon na. "Mukhang namanhid ang binti ko. Hindi ko siya magalaw," sabi ko. Lumuhod siya sa harapan ko para tingnan iyon. "Igalaw mo nga ng dahan-dahan and straighten up," utos niya. Sinunod ko naman at luminga-linga siya sa paligid. May kinuha itong maliit na stick ng kahoy. Pinutol nito at nilagay sa likod ng tenga ko. "Turo iyan ni Lolo sa akin para madaling mawala ang muscle cramp," paliwanag niya. Tumahimik na lang ako at hindi na kumontra pa. Siya ang matalino eh! After 3 minutes mukhang nawala na rin ang pamamanhid ng binti ko kaya niyaya ko na siyang umuwi. Baka kasi kanina pa nila kami hinahanap. Umiinit pa naman ang ulo ni Elton kapag nalipasan iyon ng gutom. "Get on," biglang utos niya. Kaagad ko namang na gets ang ibig niyang sabihin. Papasanin na naman niya ako sa likod niya. "Ang dami ko na talagang utang sayo," nakangiti kung sabi ng makasakay na sa likod niya. Kumapit ako ng mabuti para hindi na rin siya masyadong mahirapan. "Huwag ka munang maningil ngayon ha, wala pa akong pambayad sa"yo." biro ko na ikinangiti naman niya. "Paano iyan? Parang gusto ko na ngayon maningil," pabiro din nitong sabi. "Kasasabi ko nga lang na huwag muna. Pero kung mamimilit ka, sige. Simula bukas ako na ang mag-aalaga sa'yo. I'll focus on you at aalagaan talaga kita ng mabuti." masigla kung sabi. "Okey, let see," aniya at dahan-dahan na nito akong ibinaba dahil nasa pintuan na rin kami ng bahay ng grandparents niya. Nagkatinginan kaming dalawa. Ginulo-g**o nito ang buhok ko sa ulo. "Tsk! Sarili mo nga hindi mo maalagaan,ako pa kaya." ani niya. I felt a bit of annoyed and I just pout. Lumapit ako sa kanya at niyakap ito sa bewang niya dahil na rin sa katangkaran niya. Hanggang dibdib niya lang kasi ako. "Then, I can be your huggable pillow!" I sincerely said. Ramdam kung napangiti siya sa sinabi ko. It might sound a joke to him pero para sa akin, totoo iyon. His my protector and I will be his huggable pillow. "Huggable pillow? Ano iyon?" natatawa niyang sabi. "Huggable pillow! Parang magpinsan lang sila ng yakapsule," pagpapaliwanag ko. "Hindi man kita kayang buhatin at sagutan ang mga assignments mo atleast meron ka namang taga-yakap sa tuwing malulungkot ka." "Tsk!" palatak nito na kumalas na sa pagkakayakap sa akin. "Ang dami mo talagang alam na kalokohan." Pagkasabi nito ay kaagad na itong tumalikod at biglang napatigil. Umatras ito pabalik sa akin. Inilevel na naman nito ang mukha niya sa mukha ko. "Pangako mo iyan ha?" seryoso ang mukha niya bago tuluyan na nito akong nilagpasan. Nauna na itong pumasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD