( Sunny)
"Ano ba yan, gusto kung maligo sa dagat eh!" ingos ni Pearl.
"Ako rin, gusto ko rin sa beach," segunda ni Ricky.
"Mamingwit na lang tayo masaya pa iyon. Diba Kye?" suggestion naman ni Elton.
"Argh! Beach is way more fun,dude." Pearl insisted.
Iyan ang nadatnan kung eksena sa sala. Pinagtatalunan nila kung ano ang gagawin namin ngayong hapon. Syempre, hindi naman magpapatalo ang inyong bida. Mabilis kung itinaas ang kamay ko para magbigay ng sarili kung suggestion.
"Tumulong na lang kaya tayo kina Lola at Lolo na mag-harvest ng gulayan nila.Total hindi pa rin naman natin iyon na experience diba?" suggestion ko ngunit lahat sila ay napangiwi.
Si Elton naman ay parang matatawa.
"Bakit?Anong mali sa sinabi ko?" tanong ko kay Pearl.
"Bunso, bagong tanim pa lang ang gulayan nila Lola at Lolo. Malabo ang gusto mong mangyari." pabulong nitong sagot sa akin.
Yumuko na lang ako para iwas pahiya na naman kay Kye na ngayon ay nababanaag na naman ang disappointment sa kanyang mga mata.
"Hay naku!" naka-ismid na reaksyon ni Ricky habang nakatingin sa akin. "Slow poke alert!"
"Tsk!" palatak ni Pearl at tiningnan ng masama si Ricky. "Gusto mo i-poke ko iyong mga eyeballs mo?"
" Sige nga, try mo!" ani ni Ricky. Mas lalo pa nitong dinilat ang kanyang mga mata sa pagmumukha ni Pearl.
" Talagang gagawin ko! " naiinis na ring pasaring ni Pearl na tumayo na ito sa kanyang kinauupuan. " Akin na at gagawin kung hapunan 'yan ngayong gabi!"
Kaagad namang pumagitna si Elton sa kanilang dalawa dahil tila totohanan talaga na magkakasakitan sila ngayon.
"Ano ba! Magsitigil na kayo, baka makita kayo ng dalawang matanda." saway ko. Ngunit tila hangin lang talaga ako sa paningin nila. Patuloy pa rin ang pagtatalo ng mga ito.
"Ganito na lang," biglang nagsalita si Kye. Naguguluhan na rin siguro sa mga kaibigan niyang nagtatalo. Tumigil naman ang dalawa at lahat ay napatingin kay Kye. "mukhang gahol na rin naman tayo sa oras dahil magda dapit hapon na. Mami-mingwit na lang tayo para may madadala tayong pwedeng i-ulam mamayang hapunan. Bukas na lang tayo maligo ng dagat.Total malayo pa naman ang lalakarin natin bago natin iyon marating. What do you think guys?"
"Okey!" mabilis na pagsang-ayon ng tatlo.
Mabuti na lang hindi nalaglag ang panga ko sa sabay-sabay nilang sagot na tatlo. Bakit kaya pagdating kay Kye ang dali-dali nilang kausapin. Kung sila-sila lang kulang na lang magpatayan pa sila bago makapag desisyon ng maayos.
Mabilis ng kinuha ni Elton ang mga fishing rod at isa-isang dinistribute iyon sa amin.
"May mahuhuli naman kaya tayo?" nag-aalalang tanong ni Ricky habang nakatitig lang sa fishing rod niya.
"Huwag kang mag-alala baks!" kampanteng sabi ni Elton na umakbay pa kay Ricky. "Basta sa paghuli ng pagkain doon ako magaling."
"Pati sa paglamon mas magaling ka din," nanunudyong sabat naman ni Pearl sa kanila.
As usual out of the league na naman ako.
"Let's go!" yaya na ni kye kaya natigil na rin sila sa pag-aasaran. Dala na nito ang pain na hinanda kanina ni Lolo Nestor bago nila kami iniwan. May pagtitipon kasing ginaganap tuwing hapon doon sa bahay ng kaibigan din nilang senior citizen na rin. Nagtitipon sila doon para magkwentuhan at nagma mahjong.
"Okay guys! Let's go fishing!" masiglang sigaw ni Pearl bago kami nakalabas ng gate.
Dahil sadyang expert na ang dalawang lalaki sa panghuhuli ay marami-rami na rin silang nahuli na malalaking tilapia. Masayang-masaya naman sina Pearl at Ricky dahil may tig-isa silang huli. Samantalang ako ay wala pa rin.
Hindi rin kami masyadong nag-uusap dahil mabubulabog daw ang mga isda kapag masyadong maingay ang paligid.
Napatingin ako kay Kye na katabi ko lang din.Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang jacket at hinila-hila iyon. Naagaw ko naman ang attensyon niya ngunit tiningnan ako ng matalim.
As usual laylay ang balikat na ibinalik na lang ang atensyon sa pamimiwingwit na wala namang isdang nabibingwit mula pa kanina. Mukhang ayaw din niya akong tulungan.
Kinakabahan kasi ako na baka seryosohin nila ang usapan namin kanina na hindi pakaka-inin ang walang mahuli na isda. Kunti pa naman ang kinain kung tanghalian kanina.Huhuhu!
"Uwi na tayo, mukhang marami-rami na rin ang nakuha natin." sabi ni Elton.
Nauna na itong tumayo para tingnan ang mga nahuli niya na nakalagay sa maliit na balde.
"Oo nga, sumasangit na rin ang likod ko." ani ni Pearl. Tumayo na rin ito at iniunat-unat ang katawan.
"So, sino na ang walang huli diyan?" si Ricky na tila may kasamang pananakot sa tono niya.
Yumuko na lang ako at hindi nagsalita. Hinahanda na ang sarili sa mangyayaring pang-aasar sa akin mamaya nila Elton at Ricky.
Muntik na akong mapasigaw ng kunin ni Kye ang fishing rod ko at palitan iyon ng sa kanya. May kakaiba akong naramdaman sa fishing rod niya mukhang mabigat ito kaysa sa gamit ko kanina.
Dahan-dahan ko iyong itinaas at laking tuwa ko ng makita kung may isda nga na nandoon.
"Yehey! May huli na ako." masigla kung sigaw. Kulang na lang ay tumalon-talon sa sobrang saya.
Napatakbo naman si Pearl sa kinaroroonan ko para tingnan ang nahuli ko.
"Wow! Ang laki naman niyan," komento ni Pearl. "Good job bunso!" sabi pa nito saka nag-thumbs up.
"Thank you!" pabulong kung sabi kay Kye na ngayon ay nagliligpit na rin ng gamit niya sa pamimingwit ngunit tila moody na naman. Hindi ako pinansin.
****
"Ang dami ninyong nahuli ah," puna ni Lola Ester pagkakita sa balde na bitbit ni Elton.
"Ang galing namin, diba Lola?" pagmamalaki na sabi ni Elton. Natawa naman sa kanya ang lola niya.
"Syempre naman! Ano bang gusto ninyong luto nito?" si Lola Ester.
"Gusto ko iyong ginataan na tilapia Lola," sabat ni Pearl.
"Prito iyong gusto ko," si Ricky.
"Oh ! siya, magpiprito ako at mag-ginataang tilapia," ani ni Lola Ester. Nauna na ito sa kusina. Sumunod naman si Ricky dahil hilig talaga niya ang tumulong sa kusina.
Sina Pearl naman at Elton ayon kasama naman sa sala si Lolo Nestor na nanonood ng TV. Hinanap ko si Kye ngunit hindi ko siya makita sa loob.
Hindi naman ako interesado sa palabas sa Tv kaya dumungaw na lang ako sa bintana. Doon pinakinggan ko ang huni ng mga palaka at kulisap. Dumapo ang tingin ko sa labas ng gate kung saan nakatayo si Kye. Mukhang naghahanap ito ng signal doon. Hindi siguro niya ma contact si Tita Fe.
Bumaba ako at pinuntahan siya. Nakatalikod pa rin siya habang nakatingin sa cellphone niya. Gumapang naman ang lungkot sa aking dibdib nang makita ang pangalan sa screen sa cellphone niya. Si Mia pala ang kausap niya at hindi si Tita. Ano ba talaga ang meron sa kanila?
"Sino ba ang tinatawagan mo?" tanong ko na pilit lang tinatago ang lungkot sa boses ko. Napapitlag ito sa biglang pag salita ko sa likuran niya at kaagad na ibinulsa ang cellphone nito.
Doon na ako naguluhan. His acting really strange and it's scares me to death. Parang may bagay ito na inililihim sa akin.
"Si Mama, sino pa ba." masungit na naman niyang sagot.
Hindi na ako nalungkot sa biglang pagsusungit niya kundi sa katotohanang nagsisinungaling siya. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang mga mata ko para iwas sa lumbay na bigla ko na lang naramdaman.
Nakaramdam ako ng inggit sa mga ibon na masayang nagliliparan sa kalangitan. Mabuti pa sila masaya.
"Tingnan mo ang mga ibon sa taas," sabi ko sabay turo sa kumpol ng mga ibon na nagliliparan sa kalangitan. Tumingala naman siya. "Para lang silang mga estudyante na nagsisi-uwian dahil magda dapit hapon na rin. Ang cute lang nilang tingnan, diba?"
Ngunit dinedma niya lang ako at nauna na itong pumasok sa loob. Parang gusto kung maiyak ngunit nakakainis dahil wala kang mahagilap na idadahilan.
Napagpasyahan ko na lang pumasok na sa loob. Ano naman kasi ang gagawin ko dito sa labas.
Nakita kung naghahanda na ng mesa sina Ricky at Pearl kaya lumapit ako para tumulong.
"Alam mo ang likot-likot mo?" pambungad na sabi kaagad sa akin ni Ricky. Mukhang naiinis na naman ito. May pinag-awayan na naman siguro sila ni Pearl. "Kung saan-saan ka na lang pumupunta."
"Sa labas lang naman ako ah," napakamot ako sa batok ko. "Nireregla ka ba?" pang-aasar ko sa kanya ngunit mukhang wala din siya sa mood kagaya ko. Hindi ko nadaan sa joke ko.
"Ep!Ep!" biglang eksena ni Pearl. "Bakit mo na naman pinag-iinitan si bunso?"
"Nevermind na lang," tila pagsuko ni Ricky at pareho kaming inismiran nito bago tumalikod.
"Ano naman problema non?" tanong ko kay Pearl at isang kibit balikat lang ang isinagot. Pumasok na ulit ito sa loob kung saan pumasok din si Ricky.
"Nag-away na naman ba silang dalawa?" pabulong kung tanong kay Elton.
"Siguro! Away-bati naman ang drama ng dalawang iyan kaya huwag ka ng manibago." ani nito. "By the way, kakain na ba?" biglang na-excite na tanong niya habang hinihimas-himas nito ang malaki niyang tiyan.Sa akin ito nakatingin kaya malamang na ako ang tinatanong nito.
"Ha? Maybe. . . ." taranta kung sagot. Hindi ko naman kasi alam kung ano na ang status ng mga niluluto ni Lola Ester.
"Malapit na apo!" si Lola na ang sumagot. Kakalabas lang nito mula sa kusina habang bitbit ang plato ng pritong isda. Mabilis ko naman iyong kinuha sa kamay niya at maayos na inilalapag sa mesa
Tumalikod naman kaagad si Elton at bumalik na sa inuupuang sofa sa sala. Ni hindi na ako pinansin nito. Magpinsan nga sila!
Sakto namang bumaba na rin si Kye. Mukhang nagpalit lang ito ng damit sa taas. Nainitan na siguro sa suot niya.
Naupo rin ito sa sofa habang hawak-hawak pa rin ang cellphone niya. Bakit kaya parang hindi niya na lang mabitaw-bitawan ang cellphone niya?
"Ano naman ang problema mo sa kanya?" tanong ni Pearl na nasa tabi ko na pala. Masigla na ito ulit. Nagkabati na siguro sila ni Ricky. Iyan kasi eh,nag-aasaran tapos magkakapikonan.
"Mukhang totoo ang chismis na sila na nga ni Mia," malungkot kung sabi.
"Na confirm mo ba?" usisa niya na hininaan ng konti ang boses. Tumango naman ako.
"Paano?" curious niyang tanong.
"Nakita ko sa cellphone niya na si Mia ang kausap niya kanina. Nang tinanong ko siya kung sino ang kinausap niya dineny niya iyon."
Isang malungkot na tingin ang tinapon nito sa akin. Kadalasan sa inyong magkakaibigan, meron talaga na isa sa mga kaibigan mo na naiintindihan ka.
"Okey lang iyan bunso," lumapit ito sa akin at mahinang tinapik ang balikat ko. "Hindi pa naman totally na confirm.Malay mo may tinanong lang ang babae. Alam mo naman na nagpapansin din ang isang iyon." pampalubag loob niyang sabi. Tumango naman ako at itinuloy na ang ginagawa.