Chapter Eighteen

1338 Words
Chapter Eighteen ( Sunny) September 07, 2008 "Ma naman! Ano po iyong ginawa mo sa kwarto ko?" naiinis kung tanong sa kanya. Mukha kasing wala itong ginagawa buong linggo kundi maglinis at mag-ayos ng gamit namin sa loob ng bahay. Akala ko nga, mali ang bahay na pinasukan ko kanina pagpasok na pagpasok ko mismo. Ang dami-dami kasi ng binago niya sa bahay namin. Pati arrangement ng sofa namin at dining table naiba na rin ang pwesto. Nabaliw na siguro nanay ko. The worst is mukhang marami din siyang mga lumang gamit ko na sobrang memorable sa akin at basta-basta na lang niyang itinapon. Pakiramdam ko kasi nilooban ng sampung magnanakaw ang kwarto ko. "Bakit anong masama sa ginawa ko? Mali ba na nilinis ko ang magulo mong kwarto na kagayang-kagaya ng buhok mo?" galit din niyang sagot na nakapamewang. "Hay, ewan ko na lang!" naiinis kung sagot at tinalikuran na ito. Padabog na umakyat sa kwarto ko. Sino ba naman kasi ang maiinis kung sa pagbalik mo parang nag-iba na ang lahat. Parang ang daming nawala. Kung kanina buong araw akong masaya dahil sobra kung ininjoy ang beach ngayon naman ay parang gusto kong magwala. Lahat puro na bago sa paningin ko pati na ang kulay ng wallpaper sa kwarto ko. "Pero teka!" tila nagpapanic kung bulong at dahang-dahang lumapit sa dingding. "Nasaan na si Toushiro ko?" parang maiiyak kung sabi. Hindi na kasi nakadikit sa dingding ang mukha ni Toushiro ko. Naglayas ba siya dahil ilang araw din akong nawala? (Jowk!) Parang temang na hinagilap ko ito kung saan-saan. Sa ilalim ng kama ko pati sa loob ng aparador. Pati pa nga sa ilalim ng flower vase tiningnan ko rin ngunit walang Toushiro na nagpakita sa akin. Pasalampak akong nahiga sa kama ko at tumingin sa kisame ng kwarto ko. "Ilang beses ko bang sinabi sa kanya na hinding-hindi niya gagalawin ang painting na iyon kahit anong mangyari. Pero bakit hindi pumapasok iyon sa kukuti ng Mama ko. Ang hirap ba iyon sundin?" Kausap ko ang kesame namin ngunit denedma lang ako. Putek! Bumangon ako saglit at napatingin na naman sa dingding na dating kinalalagyan ng paiting ni Toushiro. Nakuyumos ko ang sarili kung palad sa sobrang inis habang iniimagine kung papaano iyon tinanggal ng aking butihing ina. Pinunit at basta-basta na lang tinapon sa basurahan. Habang iniisip ko iyon, feeling ko parang umuusok na ang ilong ko sa sobrang pagkainis. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang inis ko. Padabog akong tumayo palabas ng kwarto ko at pinuntahan na naman si Mommy na ngayon naghahanda na ng hapunan namin. "Anong ginawa mo kay Toushiro?" kaagad kung tanong sa kanya pagkababa ko mismo. Mukhang nagulat ito sa tanong ko kaya hindi kaagad ito nakapagsalita. Sandali rin nitong itinigil ang ginagawa. "S_sinong Toushiro iyon?" biglang kumunot ang noo niya. Malamang hindi naman niya iyon kilala. "Iyong lalake na spiky at puti ang buhok na may bitbit na espada," pagbibigay ko ng clue. Sana ma gets na niya para hindi na kumulo ang dugo ko sa ginawa niya. "You mean, iyong cartoon character na painting na nakadikit sa dingding ng kwarto mo?" "Exactly! At hindi siya cartoon character, anime po siya. Anime!" naka-crossed arm kung sabi. "Nasaan na siya? Ano ba ang ginawa mo sa kanya?" "Ah iyon ba?" ani nito at ipinagpatuloy na ang ginagawa kanina. "Mukhang luma na at matagal na iyon na naka-kabit sa kwarto mo kaya tinapon ko na. Hayaan mo at ibibili kita ng bagong frame na isasabit dyan bukas. Para naman mag-mukhang kwarto ng dalaga ang kwarto mo." Saglit itong tumingin sa akin na nakangiti. "Ano bang gusto mong picture na isasabit doon? Flowers or animals? How about picture ng cute na puppy? Diba gusto mo. . . ." Hindi ko na siya pinatapos magsalita at pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Sinadya kung lakasan talaga ang pagkasarado ng pintuan para naman ma gets niya na naiinis ako. Pagkatapos ay ini-lock ko iyon. " Abay! Bastos kang bata ka ah! Bumalik ka dito!" sigaw ni mommy sa labas. Hindi ko na lang iyon pinansin. Padapa akong nahiga sa kama ko at nag-iiyak. Alam kung mababaw na dahilan lang iyon pero para sa akin ay memorable ang bagay na iyon. Importanteng tao ang nagbigay sa akin non noong birthday ko. Pinaghirapan niya pa iyon na ipagawa mula sa naipon niyang allowance noong nasa second year high school kami. *** Kye's house. . . . "Good evening po tita," bati ko kay Tita Fe, pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila. Nilapitan ko ito at hinagkan sa noo. Dahil nagtatampo ako kay mama dito na lang ako maghahapunan kina Kye. Kasalukuyang naka-upo ito sa sala nila habang nagtutupi ng mga damit. "Kamusta ang bakasyon ninyo sa bahay ng Lolo Nestor ninyo?" nakangiti niyang tanong. "Ok naman po, masaya naman," tipid kung sagot. Wala kasi ako sa mood kaya hindi ako madaldal. "Nag-away na naman ba kayo ng Mama mo?" parang matatawa ito pagkatanong niya. "A sort of," naka-pout kung sagot then binuksan ko iyong ref nila at kumuha ng yogurt doon. "Pwede po bang dito muna ako mag hapunan?" "Oo naman," buong galak nitong sabi. "mabuti nga iyon para may kasabay naman ako sa pagkain." "Po? Bakit? Nasaan po ba si Kye?" kunot noo kung tanong. Parang sabay naman kami dumating. "May kikitain lang daw na kaibigan." "Sino pong kaibigan?" "Hindi naman niya sinabi ang pangalan pero sandali lang naman daw siya. Iyon lang naman ang sinabi. Bakit may kailangan ka ba sa kanya?" "Ah,wala po," maagap kung sagot baka kasi ano pa ang isipin ni Tita Fe. "Hindi pa po ba tayo kakain?" hindi ko na napigilang itanong. Bigla na lang kasing kumulo iyong tiyan ko. Nagutom yata sa inis. Natawa naman si Tita at ginulo-g**o ang buhok ko. "Sandali na lang bunso ko, ililigpit ko lang ito at kakain na rin tayo." nakangiti nitong sabi na may halong paglalambing. Binitbit na nito ang mga natupi niyang damit at umakyat sa taas. *** Katatapos ko lang maghapunan kina Tita Fe pero hindi ako mapalagay kay Toushiro kaya kahit sobrang nakakadiri iyong basura namin sa labas. Tiniis ko iyon at walang arteng pinaghahalungkat ang laman ng bawat supot na naroon. Bahala na kung magalit man ang basurerong kukuha ng mga basura namin basta I did my best to find my Toushiro. " Kailan ka pa naging basurera?" Bigla akong napapitlag ng marinig ko ang pamilyar niyang boses. " Kye!" ingos ko at ewan may pagka-iyakin yata ako. Basta-basta na lang kasing nagsilabasan ang luha sa mata ko. " Si Toushiro, nawawala. My mom murdered him." ani ko. Akma ko sana siyang yayakapin ngunit mabilis itong umilag. " Huwag kang lumapit," banta nito. Nandiri siguro sa marumi kung kamay. Sino ba naman kasi ang hindi. Laylay ang balikat na naupo na lang ako sa malaking bato na nandoon. "Hayaan mo na kasi iyon. Total luma na rin naman iyon," ani nito habang tinakpan nito ang ilong gamit ang kwelyo ng polo niyang suot. "Hindi iyon, Okay!" giit ko. " Si Toushi iyon at favorite ko ang pagkakapinta non." Napabuga ito ng marahas at napatakip ulit ng kanyang ilong. " Okay, ganito na lang," aniya. "I asked Mang Tasyo to paint you another one. Okay ba? Deal?" Tiningnan ko siya ng masama. Is he serious? " What?" aniya na kunot na kunot ang noo. " You don't like the deal?" " Siraulo ka ba?" mataray kung sabi. " Ano iyon? Pupunta ka ng simenteryo at kakatukin mo doon si Mang Tasyo. Sabihin mo magpapa-pinta ka ng mukha ni Toushiro." Tumayo na ako at ipinagpatuloy ang paghahalungkat na ginagawa ko. Siya naman ay napa-iling na lang at pumasok na rin sa kanilang gate. Nasa huling supot na ako ng makita ko si Toushiro pero nanginginig ang kalamnan ko sa nakita. " Mommy! I hate you!" malakas kung sigaw ko at nagsitahulan ang lahat ng aso ng kalapit naming mga bahay. My mom murdered Toushiro without any a bit of mercy. Pinunit niya ito ng pinung-pino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD