(Kycer) October 15, 2008 I just suddenly feel something heavy in my left shoulder. Pakiramdam ko parang may naka-dagan na kung anong mabigat. Dahan-dahan kung iminulat ang aking mga mata . . . . Kaya pala mabigat dahil may maliit na ulo na nakapatong. Phew! Gigisingin ko na sana siya ng bigla itong gumalaw. Kusa mismo nitong kinuha ang nakahilig niyang ulo sa balikat ko at doon sa mesa ipinagpatuloy ang pagtulog niya. Ano ang naisip ng babaeng ito at laging ginagawang unan ang balikat ko? Tumingin ako sa suot kung relo mag-aalas singko na pala. Hindi namin namalayan na naka-idlip pala kaming dalawa habang nagbabasa ng libro sa loob ng Library. Biglang sumama kasi ang pakiramdam ni Ma'am Juderias, Social Studies teacher namin kaya umuwi ito ng maaga. Napatingin ako sa aming piligid

