(Kycer) October 21, 2008 I was inside our classroom. Ang magulo at maingay naming classroom. How I wish na maagang dumating si Mrs. Ady Tok Ling, MAPEH teacher namin. Nang sa gayon ay tumahimik na sila. "How about Saturday," tanong ni Mia na nakangiti. Pansamantalang umupo ito sa upuan ni Liza para magkaharap kami. "We don't have a class and maybe we could hang out together. Wala pa kasi tayong proper date na ginawa." dagdag pa nito. Huminga ako malalim. I don't know if this conversation or her conversation makes me bored. "I can't, sorry!" tipid kung sagot at itinuon ang mata sa aking librong binabasa. Sumimangot naman ito. And I feel bad too for lying to her. Free naman talaga ako sa Saturday pero tila wala akong ganang lumabas. "No worries, it's fine," sagot nito at pilit ang ng

