(Sunny)
Uwian na namin kaya I decided na sumabay kina Elton at Ricky sa paglalakad pauwi. Nagulat naman silang dalawa at syempre kaagad naman akong naka-isip ng kasinungalingan. Sabi ko, walking is a good source of exercise. Buti naniwala naman silang dalawa at wala ng maraming tanong.
I don’t know what happened to Kye dahil hindi na rin ako nagpaalam sa kanya. Hindi rin naman kami nag-usap simula pa kanina.
“ Oh my God! Kye is calling,” tili ni Ricky dahil na rin siguro sa biglaang pag-vibrate ng cellphone nitong nasa loob ng kanyang bulsa. Kaagad itong bumaling sa akin. As if ako ang dahilan kung bakit ito napatawag sa kanya. He accepts the call. “ He is looking for you?” ani nito.
“ Sabihin mo, nauna na ako at sa inyo na ako sumabay.” kibit balikat kung sagot. Kaagad naman iyong sinabi ni Ricky.
“ Pinapatanong niya kung bakit daw?” pabulong na sabi ni Ricky.
“Walking is a good source of exercise.” ani ko na kaagad namang sinabi iyon ng bakla sa kausap.
“Kailan ka pa daw nagka-interes sa pag-exercise?” pabulong ulit na tanong ni Rick.
I'm pissed off!
“Sabihin mo, ngayon lang!” at sinabi naman kaagad iyon ni Ricky ngunit bigla itong natahimik kaya napatingin ako sa kanya na tila naghihintay sa reply ng kausap.
“Anong sabi niya,” usisa ko.
“Galit yata,” nakangiwing sabi ni Ricky. “ Basta lang kasi akong binabaan ng phone.”
“Yaan mo siya!” kibit balikat kung sabi at itinuloy na ang paglalakad.
“ May pinag-awayan ba kayo?” tanong ni Elton.
“ Nope!” maikli kung sagot ngunit alam kung hindi sila kumbinsido sa sinabi ko.I can see it in their faces.
“ Oi, dito na lang kami,” Elton said. Ngumiti naman ako at tumago sa kanila.
“Ingat ka ha,” sabi naman ni Ricky. “ baka mamaya madapa ka na naman.” pang-aasar nito ngunit tipid na ngiti lang ang sinagot ko at ipinagpatuloy na ang paglalakad.
Ngunit sandali akong napahinto nang mabanaag ko kung sino ang naghihintay sa akin sa gilid ng punong mangga. Gustuhin ko mang tumalikod ngunit huli na dahil nakita na nito ako. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko at hindi ko siya pinansin. Nilampasan ko lang ito at alam kung nagulat din ito sa ginawa kung pande-deadma sa kanya.
“ Did I do something wrong?” He asked. Dahil long legged ito kaya mabilis ako nitong nahabol. Hindi lang ako kumibo at mas lalo ko pang nilakihan ang paghakbang ko.
“ Hey!” tawag nito ulit. Tuloy-tuloy pa rin ang paglakad ko hanggang sa hinila nito ang braso ko kaya ako napatigil. “ Ano ba ang problema mo?” anito na tila naiinis na rin.
“ Wala!” tipid kung sagot. Pilit na hinihila ang braso kong hawak-hawak nito.
“Wala? Then, why are you acting like this?” anito at binitawan na nito ang aking braso.
I closed my eyes so tight and let a deep sighed out of my chest. I turned around and looked at him straight.
“I thought we were best friends,” ani ko. Naguguluhang naman itong napatingin sa akin.
“ We are,” kunot noo niyang sagot. “ and what do you mean by that?” he asked.
“ Talaga?” sarcastic kung sabi at mapait na tumawa. “ Do you know what best friends do? Best friends shared everything. That is what makes the friendship solid. That is exactly I always do, lahat-lahat sinasabi ko sa’yo. You're so unfair!”
“I don’t get it!” napahawak ito sa kanyang sintido. “ What are you really trying to tell me?”
“Mia and you are dating!” I said it directly. Kahit na may kunting bara sa aking lalamunan but I still manage to tell it right in front of his face.
I can see on his face na nagulat ito at bahagya itong tumahimik.
“Bakit kailangan sa ibang bibig ko pa marinig iyon? I was like–” bahagya akong napahinto at marahas na pinahid ang mga luhang nag-uumpisa nang dumaloy sa aking mga mata. “ a fool,” pagpapatuloy. “I am the best friend pero wala akong kaalam-alam.”
“ I’m really trying to tell you about that, talagang naghahanap lang ako ng timing.” paliwanag nito.
So, iba pala ang sakit kapag confirm mo na, na tama talaga ang hinala mo. The pain tripled, it was like a thousand of daggers struck you right straight to your chest.
“ Come on, Sunny!” anito. “ We are best friends, but best friends have their own private space. You have to understand that.”
“ But we promised when we were kids that there would be no secrets between us.” I said. “ And you break it.”
“ God! Sunny!” naiinis na nitong sabi. “ Grow up! We were not kids anymore. We grow up and sometimes we change.’’
“Yeah, you really change!” ani ko at tinalikuran ko na siya.
“Really?” galit nitong sigaw. “Are we really gonna end up like this? You are mad because I can’t tell you that I’m dating. Ang labo mo naman, Sunny! That’s so childish! A f****ng childish!”
Childish? Maybe yes, but I was really hurt. Mababaw na kung mababaw basta I’m still sixteen and I’m still allowed to be childish.
Pagdating ko nang bahay ay dumiretso na ako kaagad sa aking kwarto. Padapang nahiga sa aking kama. I cover myself with a blanket at doon hinayaan ko lang ang sarili kung umiyak ng umiyak.
A moment later...biglang tumunog ang Nokia 3310 kung cellphone. I took it out inside my drawer.
My mom sent me a message na gagabihin ito ng uwi.
Napa talukbong ako muli ng kumot at mas lalong umiyak ng malakas. Paano kasi, sino magluluto sa aking hapunan. Masyado nang makapal ang mukha ko kung magpapakita pa ako sa bahay ni Kye.