April 3, 2022 ( The Present )
3: 30 P.M
( Sunny )
Nang buksan ko ang ref. ni mommy ay namangha ako sa aking nakita. Seems like my mom changed a lot. Hindi na tubig ang laman ng ref. niya. Mukhang nagluluto na rin ito at hindi na panay order or kain sa labas ang ginagawa.
She still have some leftover rice at adobong baboy sa loob kaya mabilis ko iyong kinuha para initin sa microwave. Pagkatapos niyan ay naupo na ako sa mesa at nagsimula ng kumain dahil mainit pa ang pagkain ko.
Naka-ilang subo pa lang ako nang makaramdam ng pagkahungkag. The house is so quiet and brings a lone vibes. I deeply sigh at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Suddenly I saw my mom's notes in front of her fridge. Saying, she will be out unti 6 P.M.
Bigla akong napangiti. Para kasing ini-expect nitong maliligaw ako dito balang araw at just in case na wala siya dito kapag pupunta ako. It reminds me of the old time. She has done this before as usual.
Her notes sometimes comforted me back then. It was like a love letter and one way to show that she really cares about me.
I also wrote a love letter once but I didn't manage to hand it to him.
August 29, 2008 ( Flashback)
" Ano iyan?" curious kung tanong kina Pearl at Ricky. Naabutan ko kasi silang magkatabi na may binabasa na parang pareho silang masaya.
" May love letter na natanggap si Pearl." kinikilig na sagot ni Ricky.
Wow! Himalang naging close sila ngayong araw.
" Eh, bakit parang ikaw ang kinikilig? Hindi naman ikaw ang binigyan." ani ko at sinenyasan itong lumayas na sa upuan ko. Kaagad naman itong tumayo. " Kanino naman galing?" tanong ko kay Pearl nang maka-upo na ako.
" Ewan ko,basta ko lang naman nakita na naka-ipit sa libro ko," sagot ni Pearl na tila nag-iisip rin kung kanino ito galing.
Kinuha ko iyon sa kanya saka tinitigan ng mabuti. Wala ngang pangalan kung kanino nanggaling at iyong pangalan lang ng receiver ang nakasulat.
Bahagya rin akong natawa dahil tila malaking joke ang intro nito sa kanyang sulat.
( Roses are red, Violet are blue at kung hindi man maging tayo sana maghihiwalay din kayo ng future mo.)
" May nagsusulat pa rin pala nito hanggang sa ngayon?" sabi ko na pinipigilan lang na matawa ulit.
" Oo naman ano!" sabat ni Ricky saka kinuha sa kamay ko ang papel. " Alam 'nyo kasi mga sissy, hopeless romantic na mga tao lang ang gumagawa nito. Sila talaga iyong mga taong totoong mag-mahal kaya sinasabi ko sayo sissy, Pearl. Ikaw na girl!" maarte nitong sabi na sabay high five kay Pearl. Tinaasan ko lang ito ng kilay dahil hindi naman ako naniniwala sa mga ganyan.
" Hopeless romantic ka diyan, " kontra ko. " Bakit na inlove ka na ba?" tanong ko kay Ricky.
" Syempre, ilang beses na rin ano. Ang dami-dami ko kayang crush. Gusto mo bigyan pa kita eh!" mayabang nitong sabi.
" Sino-sino naman sila aber!" hamon ko.
Umigham muna ito na tila bumubwelo.
" Syempre isa na doon si Kye," kinikilig nitong banggit sa pangalan ni Kycer. Sa hindi malamang dahilan biglang uminit ang ulo ko at hindi ko namalayang napalo ko na pala siya ng libro sa ulo.
" Aray ko,ano ba! Anong problema mo? singhal nito.
Kahit si Pearl ay gulat na gulat ring napatingin sa akin at kahit ako rin naman ay nagulat din sa aking ginawa.
" S_sorry bakla ha! May lamok lang akong nahagip. " palusot ko.
" Grabe! Ang sakit non ha!" reklamo pa rin nito habang sapo-sapo ang bahagi ng ulo niya na tinamaan ng libro. " Pero teka nga,ikaw ba Sunny? Wala ka bang naramdamang kakaiba pagdating kay Kye?"
Napa-awang ang labi ko sa tanong na iyon.
"Ano bang pinagsasabi mo? Anong kakaibang nararamdaman na pinagsasabi mo?" patay malisya kung sabi ngunit may pagkakulit din itong si Ricky. Gusto pa yata ng another hampas ng libro sa ulo niya.
" Iyong feelings ba! Iyong sinasabi nila na love, crush mo, may gusto ka. Something like that." pag-iinsist pa rin niya.
Alam ko naman kung ano ang tinutumbok nito eh! Pero syempre alangan namang aamin ako kaagad.
" Tinatanong mo ba kung may nararamdaman ako para kay Kye?" paglilinaw ko.
" Oo, iyon nga ang ibig kung sabihin. " at naupo ito sa armchair ng upuan ni Pearl. Tumingin ito ng diretso sa akin na tila may gustong hulihin sa mga mata ko. " Ni minsan ba wala kang naramdamang kakaiba sa kanya? Iyong feeling na may hidden likes ka sa kanya?."
" Haizz! Ano bang pinagsasabi mo," ani ko at sinabayan pa ng pekeng tawa. " Wala ano! Were all friends, remember?" palusot ko sabay hampas sa kanyang braso na hindi ko sinasadyang napalakas pala.
" Aray! Girl, ang sakit 'huh!" reklamo nito sabay hilot sa namumula niyang braso. "Ano ba iyan!Bakit ang s*****a mo ngayon?Curious lang naman ako," umirap ito at tumayo na mula sa pagkaka-upo sa armchair. Tapos medyo lumayo na ito ng kunti sa akin. "Sa tinagal-tagal kasi na magkasama kayong dalawa. Wala ba talagang spark na nangyari?" patuloy pa nito sa pangungulit.
" Wala nga!" matigas kung depensa at makahulugan kung tiningnan si Pearl na tila humihingi ng saklolo sa kanya. Mabuti naman at na gets nito kaagad.
" Malamang wala! Anong klaseng tanong naman 'yan bakla? Diba Sunny? " ani ni Pearl at kaagad naman akong tumango.
" Kung meron man sa tingin mo hanggang ngayon magkaibigan parin sila?" dagdag pa ni Pearl. Panay naman ang tango ko bilang suporta kay Pearl.
" Nagtatanong lang naman kasi, ang OA nyo naman kung maka-depensa." nakanguso nitong sabi. " Sa gwapo ba naman kasi ni Kye,sinong babae kaya ang hindi mahuhumaling."
Biglang nanlaki ang mata ko nang ilapit nito ang mukha niya sa mukha ko. Diretso nitong tiningnan ang mga mata ko.
"Last question na,wala ba talaga?"
"Wala nga!" paasik kung sagot sa kanya sabay irap. " Lumayo ka nga, ang baho ng hininga mo eh!" pagtataboy ko.
Lumayo naman ito ng kaunti ngunit hindi pa rin nito maalis-alis ang mata niya sa akin na tila may pagdududa pa rin.
"Kahit kalbuhin ka man ng Nanay mo?" tanong niya.
" Wala nga ang kulit lang!" sagot ko naman na nilabanan ang titig nito.
"Eh, hindi ka nga normal!" anito.
At doon na ako muling sumabog sa galit at tatlong magkasunod na palo ng libro ang napala ni Ricky. Pakamot-kamot ng ulo namang lumayo na lang si Ricky at tahimik na bumalik sa kanyang upuan.
" Oi, ang harsh mo naman yata kay Ricky." ani ni Pearl habang nakatingin sa kinaroroonan ni Ricky.
I suddenly felt bad too kaya yumuko na lang ako.
" Ang kulit naman kasi niya eh!" I reason out and Pearl just let out a deep sigh.
" Speaking of love letter," ani ni Pearl na bumalik na ang sigla nito sa kanyang boses. " Bakit kaya hindi mo gawan ng love letter si Kye!"
Bahagya akong napatingin sa kanya habang hindi ko mabilang kung ilang beses akong napakurap ng aking mata.
" Are you serious?" maang kung tanong. Like, what the heck was that? For what? I'd rather die than telling the world that I'm madly in love with my best friend.
" Yep!" kaagad nitong sagot sabay kibit balikat. " What I'm trying to say here is; it's just a love letter. You're just going to write him a love letter without telling him who you are."
" And then?" I asked at umayos na ako ng upo na tila interesado ng kunti.
" Isulat mo doon ang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya without revealing who you are. After that,you secretly hand it to him. Malay natin, baka bigla siyang ma-curious and then ayon na. You know what I mean," anito na nagniningning ang mata na tila nanonood ng isang napaka-romantic na scene sa t.v.
Ako naman ay napatitig din sa kisame and trying to pictured out a possible scenario.
And here is my scenario: I put the love letter in Key's bag secretly. Tapos, mababasa niya iyon. He was happy and curious at the same time. Lahat ay gagawin niya para mahanap kung sino man ang misteryosong babae ang nagpadala sa kanya ng love letter. Soon, I will reveal myself and we will fall in love. The end....
At pareho kaming napatitig sa isa't isa ni Pearl at magkahawak ang dalawang kamay habang nagtitili dahil sa mga imahinasyon naming naiisip.
***
I was all alone sa loob ng classroom namin dahil lahat sila nag silabasan na para tumungo sa canteen upang mag-recess.
Tinatamad ako at hindi naman ako nagugutom kaya dito na lang ako sa aming classroom.
Nakangiti ako habang nakatingin sa love letter na ginawa ko para kay Kye. Sadyang pinaglaanan ko talaga ito ng oras sa pagsulat at syempre iyong disenyo na rin.
Tapos ko na siya at suggestion ni Pearl na wisikan ko daw ito ng pabango. And I did.
Tumayo na ako upang hanapin si Kye at alam kung nasa library na naman ito kaya doon na ako dumiritso. Dala-dala kasi nito ang kanyang bag kaya malamang na dapat doon ako magpunta.
Nasa bungad pa lang ako ng pinto ng Library ng namataan ko siya. He is still sitting in the same spot where he always used to sit.
Hindi ko na naman napigilang mapangiti. Kaagad kung kinuha ang love letter na nilagay ko sa bulsa ng aking palda. Hahanap na lang ako ng tamang timing para mailagay ko iyon sa bag niya ng palihim.
Nasa pangalawang hakbang pa lang ako nang may hindi ako inaasahang makita.
I felt a sudden pain inside my chest.
I saw Mia and him sitting together. Books are scattered in front of them. They stare at each other like they are both comfortable.
A moment later, Mia whispers something to Kye that makes him smile wide.
" Papasok ka ba ,hija?" tanong ng Librarian sa akin.
" Hindi po," paos kung sagot at laglag ang balikat na lumabas.
I was walking with the tears that kept falling on my eyes. I feel like something in me was broken.
Saglit akong huminto at napatitig sa malaking dustbin sa mismong harapan ko. Inilabas ko ang love letter na gawa ko at mabilis na kinuyumos ito at pinunit ng ilang beses.