( Sunny )
I was mad! Broken! And the worst is, reality keeps on slapping me. Saying: I don't have the right to be mad ,get jealous and act like I'm the most pitiful person living on earth.
Hay! Tama na nga ang drama.
I was sitting on a bench habang pinagtagpi-tagpi ang pinunit kung sulat para kay Kye.
I was supposed to leave it in the dustbin but you know, sometimes we have this kind of positive side in our head. Keep convincing us to fight or to keep going.
Well, it succeeded! Nakumbinsi ako nito na, hindi pa naman confirm ang lahat. Sabi nga nila don't judge the person based on his/her profile pic on f*******: if you haven't met him/her in person. Ewan ko kung ano ang konek!
Basta! Huwag muna tayong gumawa ng konklusyon kung wala tayong matibay na ebidensya or wala tayo sa mismong aktwal na senaryo. Ito medyo may konek na!
So, hindi ako nawawalan ng pag-asa hanggat walang confirmation. And I made a lot of maybes.
Maybe… They are just talking like normal friends. Like how the five of us talked. Ganern!
Maybe… Mia is such a good comedian that makes Kye smile like that. I saw him smile a lot before, so I guessed it's normal. Lalo na kapag minamalas ako and he saw it. Believe me, he doesn't just smile. He laughed.
Maybe… I am only imagining the scene or namalikmata lang ako. Possible naman diba? It could happen! Right?
Maybe…I'm dreaming! ( kurot sa braso) Ouch! I'm not!
Maybe…tigilan ko na!
I let out a deep sigh.
Sumandal ako sa inuupuan kung bench at nakatingala sa ulap. It was clear and blue.
" Why my life so f**king blue when I'm just fifteen for pete sake!" I said it loud since wala namang katao-tao sa paligid ko. Bakit kasi hindi ako na inform ni mommy noong nasa sinapupunan pa lang ako nito na ganito mamuhay ang mga humans. Sana kung nalaman ko nang maaga ay hindi na lang ako lumabas sa tiyan 'nya.
" One, two, three , smile!"
I heard a shuttered sound of a camera. Umayos ako ng upo at nakita ko si Janus na nakangiti ito sa harapan ko habang nakatingin sa kanyang camera.
" Did you just take my picture without my permission?" walang ka ngiti-ngiti kung tanong.
" Wow! Celebrity ka ba?" sarcastic naman niyang sagot " Don't worry, binura ko na. Hindi ka naman photogenic." he grinned.
I just rolled my eyes. Honestly, it's my first time talking to Janus Zamora and I shouldn't. He's kind of a jerk!
We have been classmates since first year high school. Hindi naman kasi ito palakaibigan at tanging camera lang nito ang ka bonding everyday. Weirdo!
Naupo ito sa tabi ko at ginaya rin ang ginawa ko kanina. Tumingala din ito sa kalangitan.
" I wish I knew how to paint." anito.
I was curious kaya nilingon ko siya.
" Bakit?" I asked.
" Para maipinta ko ang napakagandang ulap na nakikita ko araw-araw." ani nito at umayos na ito ng upo.
I don't know pero bigla akong natawa. At sino ba naman kasi ang hindi. He has a camera, he can capture it every moment that he wants. It is way faster than painting. Duh!
" Bakit kailangan mo pang magkandarapa na ipinta kung kaya mo namang makuha ang anggulo gamit ang camera mo." ani ko.
Bahagya itong ngumisi kaya kaagad kung napansin ang singkit nitong mga mata at bigla akong naalala.
Nasa Secondary na kami noon at aksidente ko lang naman narinig ang usap-usapan tungkol sa kanya. Ang sabi, ampon daw ito dahil kung titingnan mo ang pamilya niya ay malayong-malayo ang itsura nito sa mga ito. Ito lang iyong bukod tanging singkit, maputi at tila may lahing Korean or Chinese.
" What a poor boy," ani ko at bahagyang napalatak. " It's must been hard!" dagdag ko pa at naupo na ng tuwid.
" What the heck was that?" napa-awang ang labi nito habang nakakunot ang noo. " Are you talking to me?"
" Kanino pa ba?" nakangusong sagot ko. " Pero ,okey lang 'yan brother! Everything will be fine. Walang masama sa pagiging ampon." ani ko na puno ng simpatya.
" Ano bang pinagsasabi mo?" clueless nitong tanong. " Sino ang ampon? Is it me?" pointed to himself.
" Bakit may nakikita ka pa bang ibang tao na nandito maliban sa'yo?" sagot ko naman na pinagkrus ang mga braso.
Nawalan ng emosyon ang mukha nito kaya bigla akong nag-alala. Napaisip ako kung masyado ba akong naging harsh sa kanya?
Mas lalo pa akong nag-alala nang bigla itong yumuko.
" Is he crying or about to cry?" tanong ko sa aking isipan.
I was about to tap his shoulder to say sorry kung masyado akong naging insensitive sa ganitong paksa nang marinig ko ang malutong nitong halakhak.
I was pissed off!
" Saan mo naman napulot ang maling impormasyon na 'yan?" ani nito na hindi pa rin mahinto-hinto ang tawa.
" So? Hindi totoo iyong issue sa'yo?" amused kung tanong.
" Of course not!" anito at napailing. " But since you're the first brave person to say this in front of my face. I will explain it to you. "
Umigham ito ng tatlong beses na tila bumubwelo sa kanyang sasabihin.
" Truly that I'm not an ampon, Okey" panimula nito at ako naman ay naka-abang lang sa kanyang sasabihin. " My mom wanted to have another kid when my sister was already old enough. Kaya lang, my mom was unable to get pregnant again. Her ob gyn suggested to her that if she really badly wanted a kid, why don't they just try a surrogacy method."
" Wait!" interrupt ko sa kanya at napahinto din naman siya. " Alam ko iyang surrogacy," na excite kung sabi. " Narinig ko iyan sa dramang pinapanood ni mommy. " dagdag ko pa sabay pindot sa magkabilang sentido ko gamit ang dalawa kung hintuturo ngunit tila nagkaroon yata ako ng saglit na amnesia. Nawala na lang kasi sa isip ko. Pero hindi ako susuko. Mariin kung pinikit ang aking mga mata at pilit iyon inalala hanggang sa…
" I give up!" pagsuko ko. " Continue, please!"
Bahagya naman itong natawa at napatingala sa ulap. I heard him release a deep sigh.
I honestly felt a bit of embarrassment. Gusto ko lang naman sanang magpasikat na minsan alam ko din naman ang mga bagay na alam na nila.
Hoping that you all know what I'm saying?
" Okay!" anito. Yumuko na lang ako ng konti para itago ang konting pag pahiya ko sa aking sarili. " Surrogacy is a kind of method kung saan hahanap sila ng isang pwedeng maging surrogate mother na magbubuntis sa kanilang magiging baby. The surrogate mother they found is a korean kaya siguro . I look like this. " kibit balikat nitong sabi.
" Ahuh! Ganon pala 'yon" ani at napatango ng ilang beses.
Then saglit akong napa-isip and I felt bad for him for some reason. Some are bad mouthing him behind his back and it's not even true. Superbad kaya iyon. Minus points daw iyon sa heaven kapag nililibak ninyo ang ibang tao.
" Now, I know that you're not adopted," I said while gently tap his shoulder. " Huwag kang mag-alala at ikakalat ko ito sa buong school na hindi totoong adopted ka. Kailangan nilang maliwanagan sa katotohanan. " seryoso kung sabi.
We hear the bell ring kung saan hudyat na tapos na ang recess kaya nauna na akong tumayo. Siya naman ay naka-kunot pa rin ang noo. Marahil na touch siya sa gagawin ko.
I wave at him as saying na mauuna na ako at habang pabalik ako nang room namin ay sakto namang namataan ko si Pearl.
Masigla ko itong kinawayan at ganoon din naman siya.
" Are you sure you're not hungry, bunso?" kaagad nitong tanong ngunit tila wala akong pake sa tanong niya.
Hinila ko ito sa isang gilid at kahit siya ay tila gulat na gulat rin ngunit nagpatianod na lang din ito.
" May chismis ako," nagniningning ang matang panimula ko. Tila interesado naman si pearl dahil mas lalong inilapit nito ang tenga niya sa akin.
" Ano iyon? Tungkol kanino? Spill mo na, bilis!" aniya.
" Si Janus, " ani ko.
" Bakit? Ano naman ang tungkol kay Janus?" nanlaki bigla ang mata nito at mas lalo akong napangisi dahil tiyak na shocking news of the century ang ilalabas ko ngayong araw.
" Confirm, na hindi ampon si Janus." ani ko.
Saglit na tigilan si Pearl at biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito.
" Bunso, everyone knows it." anito na labis kung ikinagulat at ako naman ang napatulala.
Natutup nito ang sariling bibig. " Omy, don't tell me that you don't know. " dagdag pa nito.
It was totally embarrassing!
Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa paglakad papunta sa classroom namin. I heard Pearl laughing. Sino ba naman kasi ang hindi.