Chapter Eleven

1449 Words
( Sunny) Uwian na kaya sabay-sabay kaming apat ni Ricky, Kye at Elton na naglalakad pauwi. Nasira kasi ang break ng bike ni Kye kaya heto kaming dalawa naglalakad kasama ang dalawa. Iisang lugar lang naman kasi ang inuuwian naming apat habang si Pearl ay medyo malayo ang inuuwian non. Anak mayaman din si Pearl kaya laging hatid-sundo ito ng kanilang family driver. Minsan gusto rin nitong sumabay sa amin, iyon nga lang. Her parents are kind of strict towards her. Kailangan nasa bahay na ito bago makauwi ang parents niya. " So, alam mo rin na hindi talaga ampon si Janus? " tanong ko kay Elton. " Oo naman,matagal na!" mabilis nitong tugon habang panay pa rin ang lamon sa natira niyang baong tuna sandwich. " Hay, naku Sissy! Matagal na kasi naming alam 'yan. Kahit si Lina na may sariling mundo ay alam na ang tungkol diyan ano!" sabat naman ni Ricky. I pouted and released a deep sigh. Napatingin ako kay Kye. " I know it too!" kaagad niyang sabi na tila nabasa na nito ang laman ng utak ko. " Ako na lang pala ang nahuli sa balita." ani ko na pinagtawanan lang nilang tatlo. Laylay ang balikat na napayuko na lang ako. Ngayong confirm ko na, hindi ako magiging next Cristy Fermin. Hindi ko calling ang pagiging chismosa. " Hanggang dito na lang kami," ani ni Ricky. Nasa tapat na pala kami ng bahay nila. " See you tomorrow, guys!" paalam naman ni Elton. Kung magkalapit ang bahay namin ni Kye ay ganoon din naman sina Ricky at Elton. Madalas sila ang magkasama lagi papunta at pauwi galing sa school dahil nga magkapitbahay lang naman sila. " See yeah!" sagot naman ni Kye at kumaway naman ako sa kanilang dalawa. Ngayon, dalawa na lang kami ang naiwan at nakapagtataka dahil ang tahimik namin pareho. I wanted to ask him, what is between him and Mia but I'm too scared. Takot ako na baka di ko magustuhan ang sagot ngunit sa isang banda ng utak ko ay gusto naman nito ng confirmation. Bahagya akong umiling para alisin kung ano man ang tumatakbo sa isipan ko sa ngayon. Gusto kung matulog ng matiwasay mamayang gabi ano! I started chanting my chants in my mind. Hala! Negative thought! Lumayas ka! And my mind is starting to clear. Yey! At unti-unti nang nanumbalik ang sigla sa aking mukha. " Alam mo bang nakatanggap ng love letter kanina si Pearl?" basag ko sa katahimikan namamagitan sa aming dalawa. " Nakita lang daw niya ito na naka-ipit sa mismong libro niya." pagpapatuloy ko. Pilit ko ring pinasisigla ang boses ko. "Okay! That's cool! " tipid niyang sagot na tila wala itong interes sa bagay na iyon. Bahagya akong nakasimangot ngunit hindi ko ito tinigilan sa pangungulit. "Sa tingin mo, sino kaya ang misteryosong lalaki na nagpadala 'non?" tanong ko. "Baka kaklase lang din natin." bored ang mukha na sagot niya ngunit binalewala ko lang iyon. Wala lang siguro siya sa mood ngayong araw or pagod ang utak niya ngayon. Lumakad ako ng mabilis para malampasan ito. Nang nasa mismong unahan na niya ako ay nilingon ko ito at ipinagpatuloy ang paglalakad na nakatalikod. "Bakit parang sigurado ka na kaklase natin iyong nagbigay?" I asked. Napahinto rin siya sa paglalakad dahil nasa mismong harapan na niya ako na nakaharang sa dadaanan niya.Parehong ibinulsa niya ang dalawang kamay saka yumuko para pumantay ang mga mukha naming dalawa. 4'11 lang naman kasi ang height ko at mabuti na rin iyon at hindi na sasakit ang leeg. " Paano iyon mapupunta sa mismong gamit niya kung hindi isa sa mga kaklase natin ang naglagay. Common sense!" sabay pitik sa noo ko at nilagpasan na ako. Naiwan naman akong natameme. Bakit kasi hindi namin iyon naisip kaninang tatlo. OMG! Bigla akong napahawak sa aking pisngi. Ganoon na ba talaga ka hina ang ulo ko? "Kye, sandali! Hintayin mo naman ako!" humahangos kung sigaw sa kanya. Parang sandali lang naman akong natameme pero ang layo na ng distansya niya sa akin. Bakit pati ba naman kasi sa paglalakad ang bilis din niya. Malayo-layo na tuloy ang hahabulin ko. Para na rin mahabol siya kaagad ay binilisan ko talaga ang pagtakbo ko ngunit hindi ko inaasahang bigla na lang akong madadapa. " Ang malas mo kasi Krystal!You're so blessed with bad luck!" Panirang sabi ng isip ko. Kaagad naman akong binalikan ni Kye nang makita niya ang nangyari. " Okey ka lang ba? Anong masakit?" sunod-sunod niyang tanong na puno ng pag-alala ang kanyang mukha. " Iyong tuhod ko." mangiyak-ngiyak kung sagot. Kaagad niyang tiningan ito at nagalusan talaga ito ng sobra. Binuksan nito ang dala niyang bag at kinuha ang baon niyang tubig saka hinugas doon sa sugat ko. "Aray! Dahan-dahan lang ng kunti." reklamo ko ngunit hindi naman ito umimik. Nasagi tuloy sa isipan ko na baka galit na naman ito sa nangyari. "Gagamutin natin ito kaagad pag kadating natin sa bahay ng hindi mauwi sa peklat. " seryosong pagkakasabi niya.Tinali-an niya ito ng sarili niyang panyo. Sinarado na rin nito ang bag niya at tinulungan akong makatayo. "Halika na!" aya nito sabay offer ng likuran niya para pasanin ako. "Hindi ba sasakit ang likod mo?" nag-aalinlangan kung tanong. Ewan ko kung bakit iyon ang biglang sumagi sa isip ko na itanong sa kanya. "Sa ilang taon na pinasan kita ngayon mo lang ba naiisip na itanong iyan?" may himig na naman na sarcasm sa tono ng pananalita niya. "Huwag kang mag-alala, sanay na sanay na ang likod ko sa bigat mo." Napa-ismid naman ako sa sinabi niya at lumapit na sa likuran niya. "Hayaan mo kung madapa ka,kakargahin din kita." Seryosong sabi ko nang maka-pwesto na ako sa likuran niya. Hindi ko inaasahang mapa bungisngis ito ng tawa sa sinabi ko. "Iyon ang pinakamalabong mangyayari. Hindi naman kasi ako kasing gawky mo." pang-aasar niya. "Oo na! Alam na alam ko naman iyon!" naiinis kung sagot ngunit tinawanan niya lang iyon. Napapansin ko na tuloy na sa tuwing maaasar ako, doon lagi siya nagiging masaya. "Kung sakaling may magbibigay ba sa'yo ng love letter, okey lang ba iyon sayo?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya. "Hindi," mabilis niyang tugon. "Bakit?" disappointed kung tanong. "I find it annoying!" aniya. "Okey," laglag ang balikat na sagot ko. "Bakit may balak kang bigyan ako?" nakangisi niyang tanong. "W_wala noh!" nauutal kung sagot. " Mabuti naman kung ganun, ang hirap pa naman basahin ng sulat kamay mo." anito. Medyo napipikon na rin ako pero kailangan kung magpigil dahil kapag napipikon ako. Nagwa- walk out ako. Paano ako magwa-walk out ngayon kung injured ako? "Ano ba iyong ideal girl mo Kye?" pag-iiba ko ng topic. "Bakit ba ang dami mong tanong ?" naiirita na niyang sabi. "Wala lang, para mahanapan kita." pagsisinungaling ko. Duh! As if? Manigas muna lahat ng mga babaeng gustong umaligid sa kanya. "Wala!" anito. "Ano iyon?" kunot ang noo kung tanong. " Every person has their own taste and standard in everything. You're not a normal kung wala." I said. Bigla itong napahinto kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Iniisip ko na baka bigla itong napikon. And… " Ouch!" daing ko. Bigla na lang kasi ako nitong binagsak sa bench na nasa tabi ng kalye. " Dahan-dahan ka naman. Kahoy kaya ang upuan na ito at hindi sofa." reklamo ko. Hindi naman ito kumibo at pasalampak lang na naupo rin katabi ko. " Pahinga muna tayo," anito na tila hapong-hapo. " Grabe ang bigat mo!" sabi pa nito. Sumandal ito sa sandalan at tumingala sa kalangitan. " Ano ba kasi standard mo sa isang babae?" pangungulit ko pa rin ngunit hindi ito umimik. Nagtanggal ito ng salamin sa mata na parang salamin ni Harry Potter. Napapikit ito na tila nilalasap ang hangin na dumadampi sa kanyang gwapong mukha. Dahil sadyang sagad sa buto ang kakulitan ko at hindi ako natatahimik hangga't may tanong ako na hindi mo sinasagot. I gently poke many time his side. Alam kung may kiliti siya dito banda. " Ano ba!" natatawa ngunit naiinis nitong sambit. " Bakit ba ang kulit mo? Sabing wala nga!" Hindi rin ako umimik at pinag krus ang dalawa kung braso. Sinalubong ang kanyang mga mata. Hinahanda ko na ang aking sarili sa staring contest na magaganap ngunit… " Wala! dahil hindi ko pa iyong iniisip sa ngayon." sagot niya na tila hindi tinanggap ang staring contest na alok ko. " kaya ikaw iyong lesson mo ang atupagin mo. Hindi iyong mga walang kwentang bagay." sermon na naman niya. Huminga na lang ako ng malalim. Ewan ko ba sa lalaking ito. Magkasing edad lang naman kami pero daig niya pa yata ang tatay ko kung maka-sermon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD