( Sunny)
" Oh! Anong nangyari?" bungad na tanong kaagad ni Tita Fe sa aming dalawa nang pag buksan kami nito ng pinto.
" Nadapa po ako," mangiyak ngiyak kung sagot.
" Na naman!" anito na ikinatawa ni Kye.
Mahinang hinampas naman ito ni Tita sa braso at tiningnan ng makahulugan.
" What?" reklamo naman Kye sa ina. " It's not my fault if she's that clumsy."
" Nadapa na nga kasi, pagtawanan mo pa." ani ni Tita at bumaling na ito sa akin. " Akin na nga at matingnan ko." natataranta na utos nito.
Ibinaba naman ako ni Kye at pina-upo sa sofa nila. "Kunin mo iyong first aid kit natin sa cabinet, Kye." utos nito sa anak niya.
Dali-dali naman itong kinuha ni Kye saka inabot sa Mama niya.
" Naku! Tita huwag po kayong mag-alala. Mukhang galos lang naman po siya." sabi ko sa kanya.
Nahihiya na kasi ako na laging siya ang nadidito sa tuwing kinakailangan ko ang Mommy ko.
"Naku,na bata ka! Anong galos-galos na pinagsasabi mo? Baka ma-infection pa itong sugat mo at mauwi sa peklat. Gusto mo ba iyon?" sermon nito.
Kaagad naman akong umiling. Sino ba naman kasi ang gustong magka peklat.
"Hindi po," mahinang ingos ko at ngumiti naman ito sa akin.
Ginamot na nito ang sugat ako at kaagad na nilagyan ng bandage.
"Kinabukasan kapag sumakit ang tuhod mo or kahit anong parte ng katawan mo. Kaagad mong sabihin mo sa akin or sa Mommy mo," paalala nito.
"Opo, tita, thank you po." kimi kung sagot.
"Good!" nakangiti nitong sabi sabay tap sa ulo ko. "At sa susunod mag-ingat ka na, okey?"
Tumango naman ako kaagad at sakto namang pagbaba ni Kye galing sa kwarto niya. Nakapambahay na ito na damit.
"Ma?" tawag nito sa Mama niya na nilingon naman kaagad ni Tita Fe.
"Ano iyon nak?" sagot naman ni Tita.
" Tumawag pala si Tita Lina, hindi daw siya makaka-uwi ngayong gabi."
Kaagad naman akong nalungkot nang marinig ko iyon. Ano na naman kasi ang dahilan kung bakit hindi makaka-uwi si Mommy?
"Ganoon ba," malumanay na sabi ni Tita at malungkot na napabaling sa akin. "Sabihin mo na walang problema iyon. Ako na ang bahala kay Sunny at pakisabi na rin na dito na natin patulugin si Sunny dahil sabado naman bukas."
Alam kung nababasa ni Tita ang lungkot sa mga mata ko kaya bigla nito akong tinabihan saka niyakap.
" Unawain mo na lang ang mommy mo. Nagsusumikap iyon para sa'yo." paliwanag nito.
"Don't worry Tita, okey lang po ako." pilit na ngiti ang pinakawalan ko. "Hindi na po ako bata ano. At isa pa nandyan naman po kayo na magpapakain sa akin ng hapunan." sabi ko.
Biglang ikinatuwa naman niya ito kaya nanggigigil na pinisil nito ang magkabilaan kung pisngi.
"Naku na bata ka! Kung hindi ka lang anak ni Lina, matagal na kitang inampon." pagbibiro nito.
Tumayo na rin ito para maghanda ng hapunan namin.
"Akin na!" tipid na sabi ni Kye sabay lahad ng palad niya sa akin.
"Ang ano?" kunot noo kung tanong.
"Susi ng bahay ninyo. Ano pa ba?"
Kaagad ko naman iyong kinuha sa bulsa ko at ibinigay sa kanya.
"Teka, ano naman ang gagawin mo sa bahay namin?" pahabol kung tanong.
"Malamang kukuha ng gamit mo. Bakit gusto mong damit ko ang isuot mo?" saka tinalikuran na ako. Suplado!
Binigyan ko ito ng suntok sa ere dahil sa inis.
"By the way," bigla itong napahakbang pabalik sa akin. "Saang banda ba nakalagay ang mga undies mo?"
Bigla nalang nag-init ang magkabilang pisngi ko sa tanong niya. Jusko Lord! For the first time in my life kahit nanay ko hindi nakakasilip sa mga suot ko na panloob pero dahil sa pagkakadapa ko. May isang taong makakahawak at makakakita non.
"Sa pinaka-ilalim na drawer," nahihiya kung sagot.
"Okey! May ipakukuha ka pa ba?" tanong niya. Hindi ko naman siya magawang tingnan ng diretso.
"Iyong body spray sa ibabaw ng table ko, pakidala na lang," nakayuko kung sabi.
At tuluyan na siyang umalis.
After a few minutes,dala-dala na nito ang maliit kung maleta. Ilang beses pa akong napakurap habang nakatingin sa kulay pink kung maleta.
" Ano 'yan? Dito na ba ako titira, habang buhay?" usal ko na hindi pa rin inaalis ang tingin sa bitbit niyang maleta.
"Sinadya ko talagang dinamihan para may pagpipilian ka," tila asiwa niyang sabi at iniwan na ako sa sala.
Nagkaroon tuloy ako ng nakakatawang hinala nang makita ko ang reaksyon niya.
Kaagad ko namang binuksan ang dala niyang maleta para malaman kung ano-ano ang mga bagay na kinuha niya. Hindi nga ako nagkakamali. Mas maraming undies ko na dinala niya kaysa sa mga damit ko.
"Teka, bakit wala akong medyas dito?" pahabol kung tanong. Hindi kasi ako makatulog ng maayos kapag walang suot na medyas.
"Nasa pinaka-ilalim, tingnan mo na lang. "Sagot niya habang paakyat ng hagdan patungo sa kanyang kwarto.
Hinalughog ko naman at may dalawang pares ng medyas nga siyang nilagay. Kinuha ko iyong pambahay na damit para mapalitan ko na rin ang suot-suot kung uniform.
"Mabuti at nakuha na ni Kye ang mga gamit mo sa bahay ninyo," puna ni Tita sa akin ng iligpit ko na pabalik sa loob ang ibang laman ng maleta.
"Opo, magbibihis na nga po ako ng pambahay." sagot ko at masiglang ngitian si Tita.
"Good,ilang minuto na lang din at matatapos na ako sa pagluluto." anito.
"Okey po," tipid kung sagot.
Tumalikod na ito pabalik ng kusina at ako naman ay pumunta na ng banyo para maghilamos at makapag-palit na.
After naming maghapunan ay pina-akyat na kami ni Tita sa taas. Siya na lang daw ang bahalang magligpit ng pinagkainan namin.
As usual pumasok kaagad ako sa room niya at pasalampak na humiga sa kama niya. Gustong-gusto ko talaga ang amoy ng higaan niya este ang downy na ginamit ng mama niya.
"Wow! Feeling mo kama mo ah!" sita nito. May dala na itong isang unan at kumot.
"Saan ako matutulog?" nakangisi kung tanong.
"Gusto mo sa labas?" sarkasmo niyang tugon. " Malamang diyan sa kama ko."
"Ikaw?"
"Sa study room or sa sala. Don't worry about me. I can sleep everywhere." aniya.
"Okey!" kibit balikat kung sagot. Humiga na ako ulit sa kama niya at gumulong-gulong sa malambot niyang kama. "Mag-aaral ka ba?" pahabol kung tanong sa kanya ng makita kung palabas ito sa kanyang veranda.
"Malamang!" poker face niyang sagot.
Napatayo naman ako kaagad at sinundan siya.Total hindi pa naman ako inaantok. It's Friday! Haller! Sino ang normal na tao ang natutulog ng maaga pag Friday?
Hahayaan ko muna ang sarili kung mangulit sa kanya.
Sa labas ng veranda niya ay may center table na nandoon at dalawang upuan na rin. Kumuha ako ng isang magazine na nasa center table at umupo na rin sa katabing upuan niya.
"Ang sarap ng hangin dito," komento ko para maagaw ang attensyon niya. "Maglalagay din kaya ako nito sa veranda ko."
" Maglalagay ka at useless din naman, "sagot niya. Sa binabasa nito nakatuon ang mga mata.
I make a face. Ito lang naman kasi ang way ko para maibsan ang inis ko sa mga pambabara niya.
" How sure are you, na hindi ko iyon magagamit?" I asked.
"Anong oras ka ba dumadating galing sa school?" He asked.
"Syempre 5:30 kasama na ang paglalakad natin pauwi. " mabilis kung tugon.
"Then,after niyan? Ano ang ginagawa mo?Iyong daily routine mo?" He asked.
Saglit akong nag-isip habang nakatingin sa kalangitan na akala mo naman nandoon ang sagot.
"Kakain ng hapunan, manonood ng Tv, bubwesitin ka, then, mag-aaral, at manood ulit ng tv. After niyan syempre matutulog na.Teka nga," napatingin ako sa kanya.
"Bakit mo ba tinatanong?Ano naman ang kinalaman non sa silya na ilalagay ko sa veranda ko?" may halong pagtataray sa tono ko.
"Hindi mo ba gets?" tila nang-iinsulto nitong tanong. " You don't have time for that, kaya huwag ka nang humangad." ngumisi ito na tila nanghahamon na naman ng world war lll.
I rolled my eyes on what he said.
"Eh di, babawasan ko ang schedule ko. Imbes na mambubwesit ako sa'yo. Ilalaan ko na lang ang oras na iyon sa pagpapahangin sa labas. Mas makakabuti pa iyon sa kalusugan ko." bwelta ko naman.
"Nonsense!" angil nito saka napa-iling na naman.
"Huwag mong sabihin na mamimiss mo ang pambubwesit ko sa'yo," panunukso at tinusok-tusok ang tagiliran niya. "Kunsabagay hindi ka na makakahanap ng isang kaibigang katulad ko. Nag-iisa lang kaya ako sa mundo." dagdag ko pa.
"Mukha nga eh! " at napangisi ito. "Wala ka talagang kapares. Wala naman kasi akong nakitang babae na hindi marunong magsuklay kundi ikaw lang. Wala naman kasi akong nakitang babae na clumsy gumalaw kaya laging nadadapa kundi ikaw lang. Nag-aaral naman pero mukhang walang pumapasok sa kukuti niya. The worst is, ikaw lang ang babaeng nakilala kung pangit ang penmanship."
Napa-ngiwi ako sa sinabi niya. Tagos na tagos kasi sa dibdib ang mga pinagsasabi. Lalo na at puro may katotohanan.
Nakaka-pikon na ewan.
"Ikaw din ang nakilala kung kaibigan na walang puso. Ang sakit ng mga sinabi mo ha!" naiinis kung sabi saka tumayo at pumasok na sa loob ng kwarto.
Kinuha ko iyong bag ko at binasa muna ang mga notes ko na nadoon. Napadapo ang tingin ko sa penmanship ko.
"Ahhhhhh!Pangit nga!" parang maiiyak kung ingos at nagpagulong-gulong sa kama.
Nang mapagod ay sinubukan ulit na magbasa ngunit ganoon talaga, ayaw pumasok sa kukuti ko. Pinatay ko na lang ang ilaw saka natulog ngunit ganun din ang nangyari. Ayaw rin ako patulugin ng isip ko.
Nagpasya akong bumangon at pinuntahan siya sa study room niya. Sigurado kasing hanggang ngayon ay gising pa rin ito.
Nakita ko siyang naka-upo sa upuan niya habang kaharap ang laptop niya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan ngunit tulog na rin pala siya.
Maingat akong naupo sa harapan niya para malayang pagmasdan ang natutulog niyang mukha. Kahit tulog ang gwapo pa rin niya talaga.
Akalain mong sa dinami-dami ng babae na ipinanganak sa mundo. Ang palad ko na maging bestfriend ko ang lalaking ito.
Ngunit nakakalungkot din dahil mukhang hanggang doon lang. Sa milyong-milyong babae kasi sa mundo. Alam ko na balang araw ay darating din ang isang mapalad na babae na maging nobya niya.
"Saan ba siya dito matutulog?" pabulong kung tanong nang mapalinga ako sa paligid. Wala naman kasi siyang inihandang matulugan niya dito sa sahig. Huwag niyang sabihin na matutulog siya na nakaganito.
Then, naisip ko na baka umidlip lang siya saglit at mamaya ay magigising na naman at ipagpapatuloy nito ang ginagawa.
Tumayo ako pabalik sa kwarto niya at kumuha ng kumot. Pagbalik ko, dahan-dahan kung tinanggal ang salamin niya sa mata at saka siya kinumutan.
Hindi pa naman ako inaantok kaya pansamantala muna akong namalagi doon. Kumuha ako ng isang bakanteng upuan at tumabi sa kanya.
Kumuha rin ako ng isang libro para basahin ngunit sa kalagitnaan pa lang ng binabasa ko ay bigla na lang akong dinalaw ng antok.
Tumabi ako sa kanya saka ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. Idlip lang ako ng saglit.
Alam kung hindi na din mabilang kung ilang beses akong nakatulog sa mga balikat na ito. Na hanggang ngayon ay ganun pa rin ang nangyayari. Mabuti na lang at hindi napapagod ang may-ari ng balikat na ito na patulugin ako sa tuwing dinadalaw ako ng antok ko.