Chapter Thirteen

1223 Words
( Sunny) April 03, 2022 ( Present) END of FLASHBACK ( 5:00 P.M) I closed the door and locked it. Hindi ko na hinintay pa si mommy na maka-uwi since 6 o'clock nang gabi pa ito uuwi. Isa pa ayoko rin na gabihin sa daan lalo na at matrafic kapag mga ganyang oras. I just left a note saying na babalikan ko ang panjama na nakasampay sa loob ng bathroom niya. Malungkot na napatingin ako sa paligid habang nakapamulsa ang dalawa kung kamay sa aking suot na jacket. Napahugot ako nang isang malalim na hininga bago tuluyang naglakad palabas ng gate. This place once a fairyland before a princess woke up and the reality slaps her that those thing only exist on her dream. Stay on her dream and sooner it slowly disappears like bubbles floating in the air. August 29, 2008 ( Flashback) Monday " Panaginip ba iyon? Parang hindi talaga eh," pag-iinsist ko kay Pearl habang naglalakad kami sa corridor ng school. Kinuwento ko kasi sa kanya na parang nanaginip ako na katabi kung natulog si Kye noong Friday nang gabi. Pero iyon nga parang panaginip talaga siya dahil paggising ko nasa kama na ako. "Hay, bunso naman! Panaginip mo nga lang 'yun kaya tumigil ka na sa kakaisip non, pwede ba?" si Pearl na tila naiirita na rin. "Pero, tandang-tanda ko talaga na kumuha ako ng kumot at kinumutan ko siya. Iyon nga lang pag-gising ko kanina nasa kama na ako." pag-iinsist ko pa rin. Daig ko na yata ang sirang plaka na paulit-ulit na lang ang sinasabi. "Hay, ewan ko sa'yo!" She rolled her eyes. " Parang totoo nga kasi!" I'm still insisting. "Teka nga, nagawa mo na ba iyong assignment mo sa English kagabi?" biglang tanong niya. Saglit akong natameme at nahampas ang noo ko. Muntik ko na makalimutan na may assignment pala kami sa English. Ano ba naman iyan! "Hindi pa eh, pakopya nga ako mamaya!" Nataranta kung sabi. Second period pa naman namin iyong English subject kaya marami pa akong oras. "Hay, naku! mas iniisip mo pa pala iyong panaginip mo kasya sa assignment mo? Good job talaga sayo bunso!" pailing-iling nitong sabi. "Masasabitan ka talaga namin ng medalya dahil diyan." Nginitian ko na lang siya at nagpa-cute sa harapan niya. Iyon naman talaga ang gawain ng mga bunso lalo na kung may kasalanan. Right? "Mga Sissys!" boses ni Ricky. Mukhang tinatawag kami kaya huminto muna kami sa paglalakad para hintayin siya. "Ano na naman kaya ang nakalat na chismis ng baklang iyan?" tanong ni Pearl habang hinihintay namin siya. "Ewan, baka may nakita lang na gwapo sa labas." sagot ko. "May chismis ako!" nahihingal niyang sambit pagkarating niya mismo. "Kitams!" ani ni Pearl sabay wink sa akin. Umiling na lang ako. Basta nandidito si Ricky updated talaga kami sa mga kaganapan dito sa school. Magka-ugali lang ata sila ni Liza, hindi na kailangan ang CCTV. Mata, tenga at bunganga lang nila ay solve na. Bakit kaya hindi nito naisipang maging reporter? Total mukhang doon naman siya magaling. Maghatid ng mga walang kabuluhang kaganapan sa kanyang paligid. "Ano naman iyon?" kaagad kung tanong. "Si Mia at Kye," pagsisimula niya at biglang naiba ang mood ng mukha ko. At ang kaba sa dibdib ko ay hindi na naging ordinaryo. Ang bilis ng t***k ng puso ko na tila hindi ito mapakali sa loob ng dibdib ko. Bakit kaya? "Anong tungkol sa dalawa," sabat ni Pearl at biglang ipinasuot nito ang headphone niya sa tenga ko. Sinadya niya ring lakasan ang volume para wala akong madinig. "Mukhang sila na," ani ni Ricky. Ngunit kahit anong lakas pala ng volume kung tama ang hinala mo ay may kung anong magic at basta-basta mo na lang maririnig. Napatingin sa akin si Pearl na ngayon ay tinanggal ko na ang ipinasuot niyang headphone sa tenga ko. Mukhang wala din namang silbi dahil nadinig ko pa rin.Sa lakas ba naman ng boses ng bakla 'to. "Sigurado ka ba?" usisa pa rin ni Pearl. Napalunok muna si Ricky bago muling nagsalita. "Diba nga sabi ko , mukha lang na sila. Hindi ko naman sinabi na sila na," paglilinaw nito. "Bakit kaya hindi na lang natin tanungin ng diretso si Kye ,my loves?" "Sa tingin mo naman sasagutin ka 'non? Sisinghalan ka lang non ano," ani ni Pearl. Napa-ismid naman si Ricky at luminga-linga sa paligid na tila may hinahanap. " Nakita 'nyo ba si Elton?" biglang tanong ni Ricky na panay pa rin ang linga sa kanyang paligid. Tila may malaking kailangan ito sa hinahanap na tao. "Okey ka lang?" nag-aalala na tanong ni Pearl. Nginitian ko naman siya kaagad, tanda na hindi ako affected sa narinig ko. "Sandali lang mga sissys ha! Hahanapin ko pa si Elton. Kita-kits na lang sa room," singit ni Ricky at nag tatakbo na ito palayo. "Hindi pa naman pala sure," comfort words kaagad ni Pearl ng kami na lang dalawa ang naiwan. "Chismis pa lang naman! Alam mo naman ang chismis, ikinalat ng sinungaling. Pinaniwalaan naman ng mga balimbing." Bigla akong natawa sa sinabi niya at ganoon din siya. "Halika na nga," natatawa kung sabi at kumapit siya sa braso ko. "May tiwala naman ako kay Kye at alam kung ako ang unang tao na makaka-alam kung totoo man iyon," kampante kung sabi. "Tama iyon bunso! Hanggat hindi kinakasal may pag-asa pa!" parang sirang ulo na sigaw niya. Hindi ko na tuloy napigilang matawa ng malakas kaya ayon pagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante. Mabuti na lang wala pang masyadong mga teachers sa paligid dahil kung meron baka umagang umaga ay nasermonan na kami. ( Recess Time) 10: 30 A.M [Nasaan ka?] Text ko kay Kye. [ Library.] Replay naman niya. Kaagad kung dinampot ang bag ko para puntahan siya sa library. Pagdating ko doon ay wala naman siya. Kahit na hinalughog ko na ang buong library. Saka ko lang naisip na baka ang tinutukoy niyang library ay ang bench na nandoon sa ilalim ng malaking puno, na pinagdalhan niya sa akin noong nakaraang buwan. Hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan iyon. Nadatnan ko nga siya na nandoon ngunit wala naman itong hawak na libro. Kampante lang itong naka-upo. Lumapit ako at tumabi sa kanya. "Ang ganda naman ng bago mong library," komento ko habang nakatayo mula sa likuran niya. Hindi ito umimik kaya napatingin ako sa kanya. Kaya pala, hindi nakasagot dahil mahimbing ang tulog ng mokong. Bigla sana itong matutumba ngunit maagap kung sinalo ng mga palad ko ang ulo niya. Dahan-dahang naupo sa tabi niya at idinikit ang braso ko sa braso niya. Nang sa ganun ay mapipigilan ko ang pagkahilig ng ulo niya. Ilang minuto lang ang lumipas at ramdam ko na ang pangangalay ng balikat ko. Hindi ko ini-expect na ganito pala ka bigat ang ulo niya. Mukhang marami-rami talaga ang laman. Ngunit kahit ganun pa man pilit ko iyong ininda.Gusto kung ako naman ang bumawi sa kanya. Maliit na bagay pa nga lang ito kumpara sa mga nagawa niya sa akin. Naramdaman ko ang pag-galaw niya at akala ko ay magigising na siya pero mukhang sarap na sarap talaga siya sa tulog niya. "Hindi ba siya nakatulog kagabi?" mahina kung usal. "Sige lang , ako naman ang magbabantay sa pagtulog mo", nakangiti kung sabi. "After all palagi din naman na ikaw. This time hayaan mong ako naman."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD