(Sunny)
September 06, 2008
" Lahat ba na gamit na dadalhin mo ay na-empake mo?" tanong ni mommy. She was on a rush dahil five minutes late na ito sa meeting nila ng kanyang kleyinte. Hindi niya kasi narinig ang alarm niya kaya ayon hindi siya nagising ng maaga.
Tumango na lang ako bilang sagot dahil kasalukuyan ko pang nginunguya ang hotdog sa bibig ko.
" Then, good!" anito. "Magpakabait ka ron, Okey?" saka kinintalan ako nito ng halik sa noo. "See you on Sunday!"
Kaagad na nitong dinampot ang kanyang bag at tuluyan ng lumabas ng bahay.
"Call me if something happens!" sigaw pa nito bago pumasok sa kanyang sasakyan.
I sighed and tried to put a smile on my face. Hindi pwedeng masira ang araw ko ngayon.
"Masanay ka na, Sunny!" mahina kung usal. Tumayo na ako at nagsimulang magligpit ng mga pinagkainan namin.
I checked the clock at malapit nang mag 10 o'clock. Mas binilisan ko na ang kilos dahil 10:30 kasi ang usapan naming meetup na lima.
I went on my room para e check ulit ang loob ng backpack na dala ko at tila lahat ng needs ko ay nasa loob naman.
Lumabas na lang ako sa aking munting veranda para tingnan ang panahon. Sabi kasi ni Ernie Baron kagabi ay uulan ngayong araw ngunit mukhang mali yata siya ng balita. Ang ganda kasi ng panahon ngayon.
Tumingala ako sa kalangitan na nakangiti kay Mr. Sun sa taas.
"Huwag na huwag po kayong iiyak ha!" sigaw ko. "May importanteng lakad po kami ngayong araw. Sa lunes na lang po, para may idadahilan ako sa principal namin kung absent or ma-late ako!"
Temang lang! Akala mo naman kaya mong paki-usapan ang panahon. Buti hindi masusungit mga kapitbahay namin dahil baka kanina pa ako na bato ng tsinelas ng mga ito sa kakasigaw ko.
Then napatingin ako sa katapat naming bahay.Sa may bandang kwarto niya.
Natatakpan pa rin ng kurtina ang bintana ng kwarto nito kaya marahil ay tulog pa rin siya. Kung sabagay malapit ng mag hating gabi nang natulog ang lalaking iyon kagabi. Inaya kung mag movie marathon kami pero mas pinili nito ang pag-aaral kaya ayon, na bored ako natulog ng maaga. Ang pangit 'nya na ka bonding.
"Sissy!"
Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. Si Ricky lang pala kasama si Elton. Nasa labas sila ng gate namin at mukhang kararating lang din ng dalawa. Kinawayan ko sila at kaagad ng bumaba para pagbuksan sila ng pinto.
May friendship bonding kasi kami ngayon na lima. Then,napagkasunduan namin na pumunta sa bahay ng lolo at lola nila Elton at Kye sa kabilang bayan. Mga tatlong oras ang byahe sa bus mula dito hanggang doon sa lugar. Dahil siguradong ikakasaya iyon ng dalawang matanda kaya pinayagan naman kami ng mga parents namin.
Maraming beses na rin kaming nakapunta doon kaya sobrang napamahal na rin sa amin ang lugar lalo na ang iyong dalawang matanda. Bukod kasi sa presko ang hangin ay sagana rin sila sa ibat-ibang pananim na nandoon. Kagaya ng mani, kamote, iba't ibang uri ng gulay at marami pang iba.
May palaisdaan din ang lolo ni Kye at Elton kaya nag-eenjoy din ang dalawa na bumalik-balik doon. Pareho din kasi silang mahilig at marunong mamingwit.
They find it exciting at boring naman para sa akin. Hindi naman kasi ako marunong kaya waste of time lang on my own opinion.
"Ang aga nyo namang dalawa?" puna ko sa kanila at napatingin sa malaking bag na dala ni Elton. Im sure kasi na puro pagkain na naman ang laman.
" Eto kasing bakla eh!" ani ni Elton sabay batok kay Ricky. "Nasobrahan sa excited at maaga akong binulabog sa bahay."
"Ang sabihin 'nyo, tulog mantika lang kayo." nakapamewang na rason ni Ricky. Nauna na itong pumasok sa loob ng bahay namin. As usual nakasuot na naman ito ng maikling maong na shorts tuwing may lakaran kami. Plain na pink t'shirt naman ang pantaas. "May juice ka ba sissy?" kaagad na tanong nito at komportableng umupo na ito sa sofa.
Pinaikutan ko lang ito ng mata nang marinig iyon.
"Wow! Konting hiya naman diyan bakla," birong sita ko sa kanya na naka crossed arm sa harap niya.
Parang feel na feel niya kasi na bahay niya ito. Kinuha pa nito ang remote saka ini-on na ang TV. Tsk! Tsk!
Hindi na lang ako umimik pa. Ganyan din naman kasi ang gawain ko kung pupunta ako sa bahay nila Kye.
"Hayaan mo na iyan, Sunny, wala kasi siya non," natatawang sabi ni Elton. Umupo na rin ito katabi ni Ricky. "Pahingi din ako ng sandwich kung meron kayo," biglang hirit din niya saka ngumiti ng malapad.
Hay naku! Pinandilatan ko lang sila ng mata at napa-iling habang tinutungo ang kusina namin. Binuksan ko iyong ref namin at kinuha ang pitsel ng juice. Sakto naman na may ginawang egg sandwich kanina si mommy bago umalis kaya iyon na lang ang ibibigay ko sa dalawa. Nilagay ko iyon sa tray at kaagad na silang binalikan.
"Tinawagan mo na ba si Pearl?" tanong ko kay Ricky.
"Yep!" kaagad niyang tugon at kinuha na sa kamay ko ang baso ng juice. "Sabi niya kanina on the way na daw siya. Dito na lang daw natin siya hihintayin."
"Ganoon ba? Si Kye na lang pala ang hindi nagigising," mahina kung sambit at napatingin sa gate ng bahay nila.
Pagkatapos kung pagsilbihan ang aking mga bwesita ay umakyat ako muli sa aking kwarto at dumiretso sa aking veranda.
Dahan-dahan akong tumawid sa malapad na tabla na patungo sa veranda ni Kye.
"Kye!,"malakas na sigaw ko kahit hindi pa ako tuluyang nakababa sa kanyang veranda. "Ano ba! Gising na, ikaw na lang kaya ang hinihintay namin."
Ngunit walang masungit na Kye na sumagot kaya binuksan ko na lang ang pinto niya at walang pasintabi na pumasok. Una kung tiningnan ang study room niya ngunit wala naman siya doon.
Tapos sinunod ko na lang ang kanyang kwarto at saktong pagbukas ko ay nandoon nga siya.
Hindi na siya tulog. . . kundi gising na gising. . . .
Kaagad kung tinakpan ang aking mga mata gamit ang sarili kung mga kamay dahil may nakita akong magandang view sa harapan ko ngunit hindi pa pwede sa edad ko.
Pakiramdam ko biglang nag-iinit ang mukha ko sa pagkahiya.
Nagbibihis pala siya at tanging nasa gitna niya na lang ang natatakpan sa suot niyang boxer shorts.
"Ang aga mo naman nambu bulabog," kalmananteng pagkakasabi niya.
Aba'y ang baliw! Parang wala lang sa kanya na nasa harapan niya ako. Anong tingin niya sa akin,hindi babae?
Tinakpan ko pa rin ang mga mata ko at hangga't hindi siya nagsasabing tapos na siyang magbihis ay hindi ko talaga aalisin ang mga kamay ko sa aking mga mata.
"Tapos ka na ba?" nahihiya kung tanong.
"Kanina pa!" sagot niya.
Mabilis ko namang tinanggal ang mga kamay ko at dahan dahang minulat ang aking mga mata.
Nakatalikod na siya sa akin na tila nag-aayos ng kanyang mga gamit sa dadalhin niyang bag.
"Sige. . .sa bahay ka na lang namin hintayin," mabilis kung sabi at kumaripas na ng takbo palabas ng kwarto niya.
"Saan ka galing?"
"Ay, anak ng pating!" biglang sumalakay ang kaba sa aking dibdib sa biglaang pagsulpot ni Pearl.
Nandito na pala siya.
"Ha? Ahhh, diyan lang," sagot ko habang pakamot-kamot sa aking batok.
Ngunit tila walang reaksyon ang mukha niya sa sagot ko. Nakatitig lang siya sa akin na tila hindi kumbinsido sa sinagot ko.
Ano ba iyan! Alam kung hindi ako magaling sa lahat ng bagay pero hindi ako sinungaling ha!
"Bakit ba?" naiinis kong sabi. Kumukulo talaga ang ulo ko kapag may sinabi ako na hindi kaagad pinapaniwalaan. "D_diyan nga lang ako pumunta," nauutal kung sabi. Sabay turo sa bintana ng kwarto ni Kye gamit ang aking nguso. "At isa pa, wala akong nakita ha!" pabulong kung sabi at iniwan na siya.
Wala naman talaga akong nakita!
Wala!
Wala!
"Wala naman akong may tinanong sa'yo kung may nakita ka ah!" sigaw ni Pearl.
Hindi ko na pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Basta wala talaga akong nakita!?
Pero normal lang ba na magka-abs ang isang sixteen year old na binata?